Chapter Nine -- Part One

11.5K 194 0
                                    

Sabado ngayon, wala akong pasok. Usually pag ganitong mga panahon, 10 am na ako kung magising. Pero tignan niyo nga naman, gising na gising na ako at nakatambay sa living room at nakaharap sa tv. Very unusual...

Wala si Red ngayon, may practice. Si Danna busy sa Org niya dahil kailangan pang magpass ng article, si Lili naman at si Giezel, part ng Student Council kaya ayun, busy-busyhan. Malapit na kasi ang School Fiest kaya todo handa na ang mga tao.

Wala din naman yung mga tao sa bahay. Si Mama pinuntahan yung kapatid niya, si Ate and Daddy nasa work, si Purple nasa school at may practice daw ng sports, si Kuya naman andun nagrreview para sa upcoming licensure exam niya. Kaya ang nasa bahay na lang ngayon eh ako, ang samoyed dog namin na si SnowPee and si Ate Lenny, na taga-luto namin pag wala si Mama. Hindi kasi marunong magluto ang mga tao dito sa bahay maliban sa akin, kaya proud talaga ako at marunong at masarap ako magluto, pwede na daw kasi akong mag-asawa. Wahahaha.

Dahil masyadong boring sa bahay at ayokong magbasa ng libro dahil naubusan na ako ng babasahin, maglalakwatsa muna ako. Minsanan lang to noh, lalo na at walang magtatanong ng magtatanong dahil wala sa bahay si mudra. :P

Naligo na ako at nagsuot ng napaka-comfy na damit: yellow shirt na may printed na mukha ni Spongebob, denim pedal pushers and yellow doll shoes. Kinuha ko ang sling bag ko and bumaba na.

“Ate Lenny, punta lang akong mall. May ipapabili ka ba?”

“Ay wala naman, Vee. Magtatagal ka ba?”

“Medyo po. Baka doon na po ako kumain sa mall. Pauwi naman din po si Purple eh.”

“O sige, sige. Mag-ingat ka ah?”

“Opo, sige po!” lumabas ako ng bahay at hinanap si SnowPee. Pagkalabas ko doon, nilalaro niya nanaman yung bola. Ay nako. Nilapitan ko nga.

“Bibilhan kita ng dog biscuit. Kung di lang kita mahal nakoo!!” at hinimas himas ko ang likod niya. Nagbark lang siya. Ayaw magpa-istorbo.

Lumabas na ako ng gate. Oh fresh air! Ngayon na lang ako ulit nakalabas ng ganito ka-aga pag sabado! Naglakad ako palabas ng street namin at pumara na ng jeep. Aah~ na-miss ko na ang jeep. Lagi na kasi akong may sundo ever since naging kame ni Red.

Tinignan ko ang phone ko, haaay.. in-off ko pala to kanina. Biruin niyo, kaninang umaga nagising ako dahil may unreg number na biglang tumawag! Nung sinagot ko, binabaan ba naman ako! Gravy talaga. Tapos nung chineck ko, wow. 56 messages galing sa mga unreg numbers. Yung mga text pa talaga nila puro, ‘sweet’, ‘he’s so sweet’, ‘ang swerte mo girl!’, ‘sana ako na lang ikaw!!’.. mga ganyan, e sa na-weirduhan ako kaya ayun, in-off ko ang phone ko. Kailangan ko na atang magpalit ng sim, kumalat na ang number ko! Paano na lang ako kung madami akong stalker diva? Wahaha. Joke lang. :D

***

Pagdating ko sa mall, naglibot-libot muna ako, pasok sa bawat store... alam niyo na, nilalasap ko ang aircon. Nung napagod na ako, nagdiretso na ako sa book store at naghanap ng librong magandang basahin. Nung magbabayad na ako, yung cashier, sobra ang pagka-smile sa akin.. hala, crush ata ako ni ate? O________o Ambisyosa!

“450 po lahat,” binigay ko na yung pera at nilagay niya na sa bag yung pinamili ko. Nung ibibigay niya na yung sukli, sinabi ba naman, “ang swerte mo!” halaaa..

Lumabas na ako doon. Ang dami ng weird na pangyayari sa paligid ko. Tsk tsk. Buti na lang hindi ako weird noh? Pumunta ako sa 2nd floor sa may food court. Ginugutom na ako. Medyo puno ngayon kasi nga siyempre, Sabado. Ganyan naman yan, Sabado ang lakwatsa day ng mga tao at date day na rin.

Nilapag ko na ang pagkain ko sa mesa at nagsimula na ring kumain. After ilang minutes...

“Hi, uhm... pwedeng maki-share?” Iniangat ko ang ulo ko at at nakatayo sa gilid ko ay isang lalaking biniyayaan ng magandang mukha at pangangatawan. Teka, nabusog na ata ako. Tumingin ako sa paligid just to make sure na ako ang kausap niya. :D

“S-sure,” umupo siya sa seat na kaharap ko at nilapag na din ang pagkain niya. Minsan napapatingin siya sakin at dahil na-co-conscious ang lola niyo, panay ang punas ko sa bibig ko. Lumalandi na po ako.

“Ikaw lang ba mag-isa dito?” yung mukha niya pa, parang nagtataka. Nagsmile na lang ako at tumango. Nalimutan ko na atang magsalita. O.O Siguro schoolmate ko tong si kuya. Pamilyar ang mukha niya eh at parang kilala niya ako. Oh diba, ang feeler ko lang? Wahaha. Ilang sandali pa, natapos na siyang kumain. Aww, aalis na siya.

Tumayo na siya at kinuha ang bag niya.

“Sige, salamat sa pagpapaupo sa’kin dito, Violet,” at ngumiti siya. Na-mesmerize ata ako kaya late ko na na-realize....

Tinawag niya ako sa pangalan ko... O___________________O

---

Vote and Comment po kayo. Salamat! ^_________^ Violet Ree sa right side. :)

<3 Tear.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon