Chapter Forty-One

8K 154 2
                                    

Tawag ng tawag si Red sa phone ko kahit sa house phone namin. Naiinis na nga sina Mama at pinapagalitan ako kung bakit daw di ko sinasagot. Pero syempre, alam ko naman na alam na nilang wala na kami. Mabuti na yun, para hindi na nila ako pinupush kay Red.

Bago pa man kumalat yung tsismis, sinabi ko na kina Danna, Lili and Giezel yung tungkol dun. Alam naman nila kung anong dahilan e at naintindihan naman nila ako. Kahit kina Mimi, Sharm, Marj, Jenny and Angie e in-explain ko na. At least, medyo nabunutan ako ng tinik. Nakakatawa nga kasi kung i-baby nila ako para akong taong may amnesia e. Pero parang daig ko pa yung may photographic memory, kasi lahat, naalala ko pa rin.

Thursday palang ngayon. Andito ako sa mini-park sa street namin. Naka-uniform pa nga ako e. Ayaw ko pang umuwi kaya dito muna ako at tinitignan yung langit. Pag sa school kasi ako magsstay, mas malaki ang chance na magkita kami ni Red. And... Obvious bang iniiwasan ko siya?

Bigla namang may dumaang grupo ng mga kalalakihan sa harap ko na kumakanta...

Kung ako na lang sana ang iyong minahal

Di ka na muling mag-iisa

Kung ako na lang sana ang iyong minahal

Di ka na muling luluha pa

Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba...

Narito ang puso ko

Naghihintay lamang sa'yo

Kung ako na lang sana...

Wow naman... Yan pa talaga kinakanta nila e noh? Broken hearted na nga yung tao, pang broken pa ang kakantahin. =_= Sana yung mga kinakanta nila e, ‘pretty woman, sitting on a bench, pretty woman’. Wahaha. Natatawa ako sa sarili kong thoughts. Parang timang lang e noh?

Nagulat ako ng biglang may nag-appear na kamay sa harap ko na may hawak na panyo. Pagtingin ko...

O____O

Umupo siya sa tabi ko tapos pinunasan yung luha ko. Kanina lang tumatawa pa ako, pero di ko namalayang bumagsak na pala yung mga luha sa mata ko.

Saka ko lang na-realize yung ginagawa niya kaya kinuha ko yung panyo sa kanya at ako na nagpunas ng mga pawis na galing sa mata ko.

"Tuwing magkikita tayo lagi ka na lang umiiyak."

"Isang beses mo lang kaya ako nakitang umiyak noh. Tsaka, ikaw din may kasalanan nun, bigla-bigla ka na lang susulpot kung kelan nag-eemote ako," I sniffed.

Ngumiti siya, "Naalala mo pa yun? Months ago pa yun ah. So, this time, ano naman ang pinoproblema mo ngayon? Baka this time, makatulong na ako."

"Alam mo, crush kita noon--" Bigla akong nagstop nung tumawa siya ng malakas.

"*tawa* Matagal ko ng alam na crush mo ko. *tawa* Sundan mo ba naman ako *tawa* tapos, namumula ka kapag tinignan kita. *smiles* Di ko lang talaga inaasahang sasabihin mo sa'kin yan."

"Ang feeler mo ah. Isang beses lang kaya kita sinundan! At na-curious lang ako nun kasi kasama mo si Danna that time."

Ngumiti siya, "Ano namang kinalaman ng pagkakaroon mo ng crush sakin sa problema mo?"

"Noon kasi... Nung crush kita, may problema man ako, makita lang kita, okay na ako. Solve na. Ngayon naman, nalutas nga problema ko, nasasaktan naman ako. Bakit kaya nagmamahal tayo ng mga taong di tayong kayang mahalin pabalik?"

Tinignan ko siya at wala na yung ngiti niya kanina.

"Hindi ko rin alam e. Siguro dahil may mahal silang iba? O siguro dahil may mga bagay lang talaga na hindi kayang isauli, gaya ng pagmamahal."

I sighed, "Yeah. Tama ka. Teka, usap tayo ng usap di pa pala ako nagpapakilala. Violet Ree Arcillas nga pala," sabi ko saka nginitian siya.

"Kilala na kita."

"Sikat pala ako?" I tried to smile.

"Hindi noh. Hindi mo na ako maalala?"

Napatingin naman ako sa kanya, "Eh? Bakit? Stalker ba kita? O.o"

"4 years ago, may gathering sa bahay namin. Inimbitahan ni Mama yung pamilya ng girlfriend ni kuya. May dala akong baso ng beer nun, pinahawak sakin nung uncle ko. Bigla akong nasagi ng pinsan ko kaya natapon yung beer sa babaeng biglang humarap sa akin. *tingin kay Violet* Natawa ako sa itsura nung babae, pero instead mapahiya siya... Bigla niya akong sinipa."

Nanlaki ang mga mata ko, "Ikaw si Ales?! Joke ba yan?!"

Tumawa naman siya, "Vincent Ales-sandro Wee. Wee? Micco Zeindre Wee?"

Hinampas ko naman siya, "Bakit di mo sinabi! Kainis ka! Naging crush pa talaga kita at nahiyang lumapit sayo!"

"Aray ko naman. Ano ba namang malay ko may hidden hatred ka pala sakin at ipakulam mo ako bigla? Mabuti na yung malayo ako sa kapahamakan. :P"

"Mukha na ba akong witch? =___="

"Ay, hindi ba obvious? :P"

"FC ka din eh noh?" sabi ko. Nagtawanan kami bigla.

"So, di ka galit sakin?"

"Hindi. 4 years ago na yun noh." Natahimik lang kami bigla.

Nagpalinga-linga naman siya, "Asan pala yung boyfriend mo?"

"Katawa naman. Alam mong may boyfriend ako."

"Sino ba namang di makakakilala sa inyo? Sikat sa campus si Jarred tapos ikaw na rin kasi nga girlfriend ka niya. So, asan na siya?"

"Wala na kami."

"Wala na?"

"Wala na. Break. Split. Naghiwalay. Yun na yun."

Tinignan ko kung anong oras na. 3.15 na pala.

"Vince, Ales.. Ano ba? Ales na lang. :P Uwi na ako, 3 oras na akong late sa pag-uwi eh."

"Tara, hatid na kita."

"Naka naman! Jume-gentleman ka na ah!"

"Ano ka, matagal na akong gentleman noh."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa bahay namin. At least naman, may bago akong kaibigan ngayon...

Kahit na nawala si Red sa'kin. Tungeks. Di naman siya naging akin.

---

<3 Tear.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon