Chapter 7

19K 599 2
                                    

KABADONG bumaba ng kotse niya si Marco. Tinutoo kasi nito ang sinabi niya kay Dawn na haharap siya sa magulang ng dalaga para liligawan ito. Pagdating niya sa pinto ng bahay nila Dawn ay agad siyang nagdoor bell na agad namang pinagbuksan ng katiwala ng mga Baldelovar.

"Tuloy po kayo Sir." anito kay Marco at agad namang pumasok ang binata, pagkapasok niya ay bumungad sa kanya ang ama ng dalaga at kapatid nitong si CJ na nakaupo.

"Good evening po." magalang nitong bati sa dalawa kahit kinakabahan.

"Oh! hijo, tuloy ka please seat down." anang ginoo sa kanya, kaya agad naman siyang tumalima at si CJ ay agad na nakipagkamay sa kanya.

"CJ, bro." Pakilala nito kay Marco.

"Marco." tipid nitong pakilala kay CJ sabay abot nito sa kamay ng kaharap.

At makalipas ang ilang minuto habang kausap ni Marco ang ama ni Dawn at kapatid, ng bumaba si Dawn. Ngunit hindi nila napansin ang kanyang pagbaba. Napukaw lang ang attention nila ng biglang tumikim si Dawn sa mga ito.

"Ehmmm." agaw pansin niya sa mga ito na kinalingon naman nila.

"Oh! hija.....nandito kana pala?" Nakangiting tanong ng ama nito.

"Opo." Tipid nitong sagot sa ama na nakangiti dahil daig pa niya ang kauuwi lang ng bahay sa tanong ng kanyang ama.

"Bro, take care of my sister." ang makahulagang saad ni CJ kay Marco.

"Okey! bro." at agad nitong binalingan ang dalaga. "Let's go." Aya nito kay Dawn.

"Okey! Dad, sige po alis na kami, kuya." pamamaalam nito sa kanyang ama't kapatid.

AGAD na inakay ng binata si Dawn hanggang marating nila ang sasakyan nito. Ipinagbukas siya ng binata hanggang makasakay ito. Bago ito gumawi sa driver side.

"Flower for you." Ani Marco sabay abot nito ng bulaklak kay Dawn. Mula ng umamin ito sa dalaga ng tunay na nararamdaman ay hindi ito pumalya sa pagpapadala ng bulaklak kay Dawn tuwing umaga.

"Thanks." Nakangiting ani Dawn ng tanggapin niya ang bulaklak.

Makalipas ang ilang minuto ay bumibyahe na ang dalawa. Samantala ang dalaga ay tahimik lang nakasandal sa upuan at nakatanaw sa malayo, panaka-naka namang sinusulyapan ito ng binata.

Halos isang oras rin ang byahe nila ng narating nila ang pantalan. Agad na bumaba ng sasakyan si Marco matapus niyang maipark ang kanyang sasakyan at agad niyang pinagbuksan ang dalaga ng pinto. Iniumang nito ang kamay bilang pag-anyayang kumapit dun ang dalaga na agad din naman pinagbigyan ni Dawn. Bahagya silang naglakad hanggang marating nila ang tapat ng isang yatch. Agad naman silang sinalubong ng kapitan nito.

"Good evening Ma'am, Sir." bati nitong nakangiti sa dalawa. Bahagya lang itong tinanguan ni Marco.

Matapus nilang makasakay ay agad ding umusad ang yatch sa karagatan. Agad na inakay ni Marco ang dalaga kung saan nakahanda ang mesang pinahanda nito. Namangha ang dalaga ng marating nila pinahanda ng binata kung saan sila magdidinner date nito. Parang garden date ang vinue ng lugar. Kahit nasa yatch sila the place look romantic, it's perfect for having a date or any occation.

Agad na ipinaghila ni Marco ng upuan ang dalaga, matapus nitong maupo ay umupo narin sa kabilang side ang binata. Agad na nagsalin ng wine si Marco sa dalawang glass of wine at inabot sa dalaga ang isa.

"Thanks." anito sa binata sabay abot ng glass of wine. After a minutes ay may biglang lumapit sa kanila at bumulong ito sa binata at tumango lang ito bilang sagot niya. Agad namang umalis ang lalaking sa tingin ng dalaga ay waiter. Nang bumalik ito ay may kasama na at mayron na silang dalang tray na naglalaman ng pagkain. Agad na senerve ng mga ito ang pagkain at pagkatapus nun ay agad din silang umalis.

A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon