DAHIL sa sakit na nararamdaman ni Dawn ay ipinasya na lang nitong umalis. Bago pa man sumapit ang kasal nila Marco at Sherlyn.Dahil wala ang kanyang magulang maging ang kuya at mga kasambahay nila ay ito ang sinamantala ng dalaga. Maingat nitong binuhat ang mga gamit niya. Puno siya ng pag-iingat mula ng malaman niyang buntis siya. Agad nitong ipinasok sa loob ng back seat ng kanyang sasakyan ang kanyang mga gamit. Ng masiguro nitong kumpleto na ang mga gamit niyang naroon ay agad niyang isinara ang pinto ng kanilang bahay at agad na pumasok sa kanyang sasakyan.
Umiiyak na binabaybay ni Dawn ang daan patungo sa lugar kung saan nila nabuo ni Marco ang munting supling sa kanyang sinapupunan. Wala siyang pinagsabihan ni isa kung saan siya pupunta. Maging ang tawagan nito ay pinatay niya upang walang makatawag sa kanya.
Makalipas lang ang isang ng marating niya ang farm ng mga Villagas. At dahil kilala na siya doon ay agad naman siyang pinadaan ng nakatalagang bantay papasok sa looban ng farm ng lolo ni Marco.
Agad na nakita ni Dawn si Mang Ramon sa mean entrance ng farm. Kaya agad niya itong tinawag.
"Tatang...."
"Iha, anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong nito kay Dawn. Hindi naman mapigilan ni Dawn ang wag maiyak.
"Tatang baka pwedi po dito muna ako. Wag niyo po sasabihing nandito ako." Pakiusap niya dito.
"Oo, naman iha. Bakit ano ba ang nangyari?" May pagtatakang tanong niya kay Dawn.
"Tatang si Marco po kasi may nabuntis na ibang babae, at sa makalawa na po ang kasal nilang dalawa. Hindi ko po kayang makitang ikinakasal sa iba ang ama sana ng ipinagbubuntis ko." Anitong muli na naman naiyak.
"Ang ibig mong sabihin ay buntis ka rin at si Marco ang ama?" Hindi makapaniwalang tanong ng matanda kay Dawn. Bahagya naman itong tumango bilang sagot. "Bakit hindi mo sinabi sa kanya iha. Ang alam ko mahal na mahal ka niya?" Nagtatakang turan nito kay Dawn.
"Para saan pa po, hindi na po mababago pa ang lahat. Kaya gusto ko muna pong mapag isa at makapag isip kung ano ang gagawin ko para sa kinabukasan namin ng magiging anak ko. Mahirap man po tatang ay kaylangan kong magpakatatag alang alang sa anak ko." Naluluha nitong turan. Nahabag naman ang lalaki kay Dawn kaya napabuntong hininga ito sabay iling.
"Sige iha, ligtas ka dito at walang makakaalam na nandito ka. At kung may kaylangan ka ay sabihin mo lang. Mamaya ay dadaanan ko na lang yung generator ng magka ilaw doon sa bahay mamayang gabi." Anito kay Dawn.
"Marami pong salamat tatang." Pasalamat niya dito bago muling binuhay ang makina ng kanyang sasakyan at tumuloy sa bahay.
Pagdating nito sa bahay na pag-aari ng lolo ni Marco ay bigla na naman siyang naiyak. Banayad nitong hinaplos ang mahigit dalawang buwan na nitong tiyan. "Magiging okey din tayo baby. Basta wag kang bibitaw kay mommy, kahit na anong mangyari ay sasamahan mo ako anak. Magkasama tayong mamuhay anak kahit wala si daddy. Mahal na mahal kita anak." Kausap nito ang kanyang tiyan habang umiiyak.
SAMANTALA dahil sa nalaman narin ni CJ ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Marco at Sherlyn ay dali-dali itong umuwi. Dahil malakas ang kutob niyang alam na rin ito ng kapatid niya ngunit hindi lang ito nagsasabi. Kaya halos liparin na nito ang daan makarating lang sa kanilang bahay.
Pagdating ni CJ ng kanilang bahay ay hindi na nito nakita doon ang sasakyan ng kanyang kapatid. Kaya dali-dali itong pumasok sa loob ng kanilang bahay at patakbo niyang tinungo ang kwarto ni Dawn. Agad nitong tiningnan ang mga gamit ni Dawn at kita nitong nabawasan ang mga ito. Maging ang maleta ng kapatid ay wala doon. Kaya napamura sabay hilamus ng mukha ang binata. Hanggang sa mahagip ng mata niya ang isang kaperasong papel na parang nalaglag ito mula sa gamit ng kanyang kapatid. Kaya agad niya itong dinampot at ganun na lang ang galit na bumalot sa mukha ng binata.
"Oras na may mangyari sa kapatid ko Villagas ay mapapatay talaga kita." Ang galit nitong naisatinig. Kaya dali-dali itong lumabas ng kwarto ni Dawn at muli niyang tinungo ang kanyang sasakyan.
Agad na binaybay ni CJ ang daan patungo sa lugar kung saan gaganapin ang party para kay Marco bago ang kasal nito.
KAHIT na hindi nila gusto ang magaganap na kasal ni Marco at Sherlyn ay napagkasundoan parin ng magkakaibigan na gumawa ng party para sa binata. Kaya nagkita-kita ang magkakaibigan bago ang araw ng kasal nila Marco at Sherlyn. Ramdam nilang lahat ang pinagdadaanan ni Marco. Alam nilang napipilitan lang itong pakasalan si Sherlyn dahil si Dawn ang mahal nito.
Makalipas ang minuto habang magkakasama ang magkakaibigan ng dumating si CJ. Ang lahat ay nakatingin dito dahil daig pa niya ang Lion sa bangis ng mukha nito. "Putang ina mo, gago ka. Nasaan ang kapatid ko?" Ang galit na galit na ani CJ. Bigla nitong sinugod si Marco at dahil hindi napaghandaan ng isa ay agad pumutok ang kilay nitong tinamaan ng kamao ni CJ.
"Ito lang ang tandaan mo, oras na may mangyari sa kapatid ko ay papatayin din kita gago ka." Ang galit na turan ni CJ. Ang lahat ay hindi nakapagsalita dahil sa narinig nila. Halos mag echo sa pandinig ni Marco ang sinabi ni CJ sa kanya kaya bigla na lang itong napaluhod ng wala sa oras.
Susugurin sana muli ni CJ si Marco ng magring ang tawagan nito. Kaya dali-dali niya itong sinagot. "May balita na ba kayo sa kanya?" Agad niyang tanong dito.
"Anong wala pa, e alam kung hindi pa nakakalayo ang kapatid ko. Kapag may nangyari sa kanya ay lahat kayo ay malilintikan sa'kin. Wala akong pakialam kung haluglugin niyo ang buong sulok ng Pilipinas makita niyo lang ang kapatid ko. Naiintindihan niyo ba. Good." Anito sabay patay ng tawagan.
"Hindi pa tayo tapos, gago." Anito kay Marco bago umalis.
Wala ni isang nakapagsalita dahil sa nangyari. Lahat ay hindi alam ang gagawin kung saan ang uunahin ang paghahanap kay Dawn o ang kasal ni Marco kinabukasan.
"Mga pare, don't worry ako na ang bahalang gumawa ng paraan para pakilusin ang task force para hanapin si Dawn." Buluntaryo ni Andrew sa mga ito. Kaya agad din itong tumawaga sa opisina ng kanyang ama at humingi ng tulong.
"Bro, okay ka lang?" Tanong ni Brent sabay tapik nito ng balikat ni Marco.
"Kasalanan ko bro, napaka gago ko talaga. Kapag may nangyari sa kanya ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Anitong pumipiyok na rin ang boses. Hirap na hirap na itong mag-isip kung ano ang dapat niyang gawin. Kung pwedi lang humiling ang binata ay hiniling na niyang panaginip na lang ang lahat pero nasa reality siya.
"Magiging maayos din ang lahat bro, tatagan mo lang ang loob mo. Don't worry, tutulong din kami sa paghahanap kay Dawn. Tatanungin ko rin si Weng kung may nasabi ba sa kanya si Dawn, kung saan ito pupunta." Saad ni Aljhon sabay kuha niya ng tawagan at tinawagan ang asawa.
"Hello, honey. Can I asked you something?" Ani Aljhon sa kanyang asawa. Nakaloudspeak ang tawagan niya kaya dinig nilang lahat na naroon.
"May problema ba honey?" Tanong ni Weng sa kabilang linya. Napabuntong hininga naman si Aljhon. "Honey, si Dawn nawawala. May nasabi ba siya sayo kung saan pupunta?" Ani Aljhon sa asawang nasa kabilang linya.
"Wala honey e. Hayaan niyo na muna siya, baka nagpapalipas lang yun ng sama ng loob. Kahit sino naman e ay mas nanaisin na lang na tatakbo kay sa makita ang mahal mong naghihintay sa altar na hindi ikaw ang hinihintay. Alam ko, subra na ang sakit na nararamdaman ni besty. Matagal na niyang kinikimkim ang sakit mula ng marinig niya ang lahat." Saad ni Weng sa kanyang asawang nakikinig lang.
"Anong ibig mong sabihin Weng?" Kunot noong tanong ni Sean kay Weng na nakikinig lang. "Alam niya ang lahat Javier, that day na sinabi ng biatch na yun na buntis siya at si Marco ang ama. Kung ibang babae lang ang kaibigan ko ay malaking gulo ang mangyayari dahil hindi siya mananahimik. Siya any girlfriend pero may nabuntis na iba ang boyfriend niya. Alam kung may isa pang inililihim si besty. Pero sigurado ako sa kutob ko, ang laki na kasi ng ipinagbago ng katawan niya." Anitong mas lalong ipinagtaka ng magkakaibigan.
"Tst! Ang hina ng mga kukute niyo. Yung naka one night stand nga lang ni Marco ay nabuntis, siya pa kaya na nakailang position sila ni Villagas. At pareho nilang ginusto ang pag-abot ng langit na sila lang ang nakaka alam." Anitong siya namang nagkatinginan ang magkakaibigan. Dahil napaisip ang mga itong poseble ngang nagbunga ang nangyari kina Marco at Dawn.
Dahil sa tinuran ni Weng ay biglang napahilamos ng mukha si Marco. Bakit ba hindi niya naisip yun. Kaya gulong gulo ang isip nito kung ano ang gagawin niya. Parang gusto na niyang bumigay sa sakit na nararamdaman.
TBC.
BINABASA MO ANG
A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)
Ficción GeneralAMBERS CLAN SERIES-2 MARCO ANTONIO VILLAGAS "What I feel for you, is really true. You got to know, I need you so. When you are gone, I can't go on. Can't you see, that you are the only one for me? I'm thankful the day you give me a chance to love yo...