NAPABALIKWAS ng bangon si Dawn ng tingnan nito ang alarm clock niya it's almost 8:30 in the morning, kalahating oras lang ay late na siya sa university.
"Walang hiya kang alarm clock ka, bakit hindi mo ako ginising, samantalang yun ang trabaho mo ang gisinging ako." Himutok nito sa kanyang alarm clock. At pagbaba naman niya ng kama niya ay bigla naman itong nahulog.
"Blogs!"
"Isa ka pa eh! langya ka, kung ikaw kaya ang ihulog ko sa may bintana....aray ko, ang sakit ng balakang ko." Sabay sapo nito ng balakang niya at agad niyang sinipa ang kanyang pubring kama. At ng papasok na sana ito ng bathroom ay muntik pa siyang bumangga sa pinto.
"Abah! Akala mo huh! Makakahalik ka sa'kin ngayong umaga, in your dreams f*cking door." Sabay balibag niya ng pinto ng bathroom. Pagkapasok niya sa loob ng bathroom ay agad siyang naligo.....in 15 minutes ay natapos siyang maligo at nagmadaling lumabas at nagbihis. Pagkatapos niyang magbihis at magsuklay ng buhok ay nagmadali siyang lumabas ng kwarto niya at nagmamadaling pumanaog at tumungo sa kanilang sala.
"Ang aga mo ata ngayon anak, mag-almusal ka muna." Anang ina nito sa kanya.
"Sa university na lang po ako kakain Ma, late na po ako." Anito sa ina.
"Oh! Akala ko ba 9:00 am ang klase mo? Eh! 7:00 am palang oh!" Ani ng ina nito, kaya natampal niya ang sariling noo.
"Ah! Ma, sige po kakain nalang po ako ng breakfast dito, may babalikan lang po ako sa kwarto kung gamit na naiwan ko." Sabay talikod nito sa ina at bumalik sa kanyang kwarto. Kaya ang ina nito ay ipinahanda nalang nito ang pagkain ni Dawn sa katiwala nila.
Pagka pasok ni Dawn ng kwarto niya agad niyang hinagilap ang alarm clock niya at tiningnan ito. Kaya pala dahil patay ang alarm clock niya dahil kaylangan ng battery.
"Langya ka, bakit hindi mo sinasabing need mo ng battery?" sabay duro niya sa alarm clock. "Ang bagay sayo ay ibato." Kaya binato nga niya ito at sa lakas ng pagkakabato niya ay tumama ito sa padaan na tagahatid ng newspaper sa kanilang subdivision.
"Aray ko po." Rinig ni Dawn na hiyaw ng lalaking tinamaan ng alarm clock na ibinato niya.
"Oh! My God. Oh! My God. Sorry po dear God dahil hindi ko po sinasadyang tamaan yung lalaki ng alarm clock na ibinato ko." Sumamo nito at sabay tingala sa itaas. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na siya sa kanilang sala at inabutan niya ang kuya niyang nanonood ng TV. Palipat-lipat ito ng chanel hanggang tumapat sa isang chanel na mayron korean drama na palabas ang nasa screen ng TV nila.
"Kuya balik mo." Sigaw nito malapit sa tainga ng kuya niya.
"Lanya ka naman sis oh! Masisira ang eardrum ko sa lakas ng sigaw mo, ginawa mo pa akong parang bingi kung makasigaw ka." Anang kuya nitong nakasimangot at binungisngisan lang ni Dawn.
"Peace kuya, wag ka ng sumimangot dahil papangit ka niyan. Okay. So, pweding ibalik muna ang chanel ng TV dun sa may korean na palabas." Ani Dawn sa kuya niyang naka puppy eyes. Kaya iiling-iling nalang ito at binalik ang chanel ng TV sa mayron daw palabas na korean drama aniya ng kapatid. Matapus maibalik ng kuya ni Dawn ang chanel sa palabas na korean drama ay nakapangalumbaba itong umupo habang nanonood.
"Xhianna Dawn, kumain kana ng almusal mo, mamaya niyan ay mahuli ka na naman ng pasok sa university." Aniya ng ina nito.
"Mamaya na po Ma." Anito sa ina. Kaya pinalagay nalang ng ina niya ang pagkain niya sa tray at inutusan ang kasambahay nilang ibigay kay Dawn.
"Dawn, ito na ang pagkain mo, kumain kana daw sabi ng Mama mo." Anang kasambahay nila.
"Thanks gurl." Ang nakangiti niyang aniya sabay abot ng tray. At ng makuha niya ito ay agad siyang sumubo at ang mga mata ay nakatutuk parin sa palabas na pinapanood niya.
Kaya nakaisip ng kalukohan ang kuya niyang nakamata sa kanya. Nilagay nito ang remote sa plato ni Dawn at iniwan niya ito. Maya't maya ay sumubo ulit si Dawn at ang remote ng TV nila ang naisubo niya. Kaya ng makita niya ito ay agad niyang nilapag ang tray na hawak. At biglang ibinato niya ang remote ng TV sa nakakatandang kapatid. Ngunit hindi ito tinamaan dahil nakalayo siya agad bago pa mapansin ng kapatid ang kalukohang ginawa nito. Kaya sumigaw si Dawn na nagpapadyak ng paa.
"Bweset ka kuya, wag ka lang magpapakita sa'kin. Dahil sasapakin kita. Hindi mahiya kay gwapo pero ang girlfriend mabaho ang kilikili." Sigaw nito, kaya biglang napasugod ang mama niya sa kanila.
"Ano na naman ba ang pinag-awayan niyong magkapatid?" Ang tanong ng ina nito sa kanya. "Inilagay po niya ang remote ng TV sa plato ko kaya po nakagat ko yung remote." Nakanguso niyang sumbong sa kanyang ina.
"Ikaw na man kasing bata ka bakit kumakain kang hindi nakatingin sa kinakain mo kundi nakatutukot ka sa harap ng TV." Sermon ng ina nito sa kanya.
ABALA sa paghahanda ng mesa ang ina nila Marco ng lapitan ito ng binata. "Good Morning Mom." Bati ni Marco sa inang si Marietony.
"Oh! Hijo, maupo kana ng makakain na kayo ng mga kapatid mo ng almusal." Anang ginang kay Marco na agad namang tumalima.
"Mom, si Dad po umalis na ba?" Tanong ni Marco sa ina.
"Kanina pa anak, mayron daw siyang kameeting. Pero naghihinala na nga ako diyan sa ama mong baka iba ang kameeting niya. Wag lang sana magkatotoo ang hinala ko kundi makakalabas siya ng papamahay na itong dis'oras." Ani ginang Marietony.
"Kayo talaga Mom. Dad love's you. You know that." Biglang tumayo si Marco at niyakap ang ina nito.
"Oh! Siya, kumain na kayo." Anang ina nitong nakangiting humarap sa anak. "Chris Anthony, mamaya na yang cellphone mo. Kumain kana muna." Sita ng ginang sa kapatid ni Marco.
"Yes, Mom. Coming." Sagot nitong ibinulsa ang tawagan.
HALOS liparin ni Dawn ang university makarating lang ito agad. Kung may pakpak lang siguro siya ay lumipad na siya wag lang mahuli sa klase.
"Oh! shet! 30 minutes na lang ay late na ako." Ani Dawn sa sarili. Kaya lakad tabo ang ginawa niya bago pa mauna ang terror adviser nila. Ngunit saktong liliko na siya ay nasipa nito ang isang bakod.
"Langyang bakod ka, haharang-harang ka sa dinadaanan ko," sabay sipa nito ulit dito. "Aray ko naman, kung hindi ka ba naman tanga Dawn eh! but mo pa kasi sinipa ulit......ouch!!!!!" Daing ni Dawn sabay sapo nito sa paang nasaktan.
"Shet. Shet. It's hurt. Fuck you to the moon and Pluto." Anitong nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "Shet. Kailangan kong magmadali. I'm almost late." Saad nito sabay tayo.
PAPALIKO na sana si Marco ng makita nito ang babaeng lakad takbo itong naglalakad. At sa pagmamadali ng babae ay bigla nitong nasipa ang bakod na ginawa para sa mga bulaklak. Natawa si Marco ng makita nitong sinipa ulit ng ng babae ang bakod.
"Crap. Nasaktan na nga siya ay sinipa pa niya ulit." Ang tatawa-tawa ani Marco sa sarili habang nakakubli siya sa isang tabi. Tanaw nito ang babaeng sapo ang paa na nasaktan. Gusto sana itong tulungan ni Marco ngunit nagdalawang isip siya at baka masamain lang nito ang pagtulong niya rito.
Nang makitang paika-ikang umalis ang babae ay saka lumabas si Marco sa kinatatayuan niya. Iiling-iling siyang nakatanaw sa likod ng babaeng papalayo.
"She's beautiful but little bit clumsy." Anitong natatawa sa isip bago naglakad.
TBC..
BINABASA MO ANG
A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)
Ficción GeneralAMBERS CLAN SERIES-2 MARCO ANTONIO VILLAGAS "What I feel for you, is really true. You got to know, I need you so. When you are gone, I can't go on. Can't you see, that you are the only one for me? I'm thankful the day you give me a chance to love yo...