ISANG plano ang nabuo sa isip ni Sherlyn habang nakasunod ito kay Marco. Ng malaman niyang nakabalik na ng Manila ang binata ay siya na mismo ang nagpayang sumunod dito kung saan man ito magpunta.
"Magiging akin ka ngayong gabi Marco, sinisigurado ko yan." Ani Sheryln na nakangiti ng malademonyo ang dating.
"Ang paghihintay ko ay ito na ang tamang panahon para sa akin ka naman. And i'll promise I'm going to be a good partner of your soon." Kausap nito ang sarili.
NANG makabalik ang dalawa ng Manila ay hindi nakaligtas si Marco sa mga kaibigan nito. Agad nila itong inayang magtungo sa Clarence Bar at icelebrate ang nangyari. Sa wakas daw ay nadiligan ito.
"Kumusta ang short vacation bro?" Agad na tanong ni Aljhon kay Marco ng makalapit ito. "It's good bro." Sagot nitong makikita mo ang saya sa kanyang mga mata.
"Finaly bro, nagtanim ka rin sa wakas." Saad ni Sean.
"Sinigurado mo ba bro, na tutubo ang itinanim mo?" Tanong naman ni Brent. "Mga siraulo talaga kayo oh!" Anitong kakamot kamot ng batok sa mga kaibigan.
"Abah! Anong siraulo ka dyan, akala nga namin e tuluyan ng matitigang yang sandata mo sa tagal ba na hindi nadiligan yan." Saad naman ng natatawang si Rainier.
Kaya ang nangyari ay panay kantyaw nila kay Marco. Napapakamot na lang ito ng ulo dahil sa pinagtulungan siya ng mga kaibigan niya.
Nang magpasyang umuwi ang magkakaibigan ay kanya-kanya ang mga ito ng sakay ng kanilang mga sasakyan. Saktong bubuksan ni Marco ang kotse niya ng bigla siyang mawalan ng malay tao. Biglang nakatulog ang binata ng wala sa oras. Bigla naman napangiti ang nilalang na naroon. Dali-dali nitong isinakay ng sasakyan ang binata bago ito naupo sa driver seat. Agad nito tinahak ang daan patungo sa tahanan ng mga villagas.
Makalipas ang ilang minuto ay maingat na ipinasok ng nagmamaniho ng sasakyan ni Marco ang sasakyan sa loob ng mansyon. Agad itong bumaba at maingat nitong inalalayang makababa si Marco sa sasakyan. Agad naman nakita ng isa sa mga kasambahay nila Marco ang dalawa.
"Sir Marco?"
Tawag nito sa binata.
"Pakitulungan po akong dalhin siya sa kanyang kwarto. Lasing na lasing po siya e." Anang isa. Kaya naman tinulungan ito ng kasambahay nila Marco hanggang sa kwarto ng binata.
Agad binuksan ng kasambahay nila Marco ang kwarto ng binata at binuksan nito ang ilaw. Agad naman dinala ng isa sa kama ng binata ang tulog paring sinMarco.
"Sige ako na po ang bahala sa kanya." Anito sa kasambahay nila Marco. "Sige po Ma'am." Dahil sa pag-aakala nitong nobya ng binata ang babae ay ipinagkibit balikat na lang ng isa ito. Agad itong lumabas ng kwarto ni Marco.
Nang makalabas ang kasambahay nila Marco ay dali-daling hinubad ni Sherlyn ang lahat ng damit ng binata at tinapon lang kung saan. Matapos niyang mahubad ang lahat ng damit ni Marco ay pinagsawa na muna niya ang sariling titigan ang katawan ng binata. Makalipas ang ilang minuto ng magpasya itong hubarin din ang kanyang mga damit at maingat itong tumabi kay Marco sa pagkakahiga. Tinakip ni Sherlyn sa hubad nilang katawan ang kumot bago siya yumakap sa matipunong katawan ni Marco.
KINABUKASAN ay maagang nagising si Chris at agad itong pumasok sa kwarto ng kapatid. Dahil nakaugalian na ng binata ang gumagawa ng kalukuhan tuwing umaga. Bubuksan na sana ni Chris ang pinto ng bigla itong unahan ni Andrea sa pagbukas. At dahil napalakas ang pagbukas niya ng pinto ay biglang napabalikwas ng bangon si Marco.
"Oh! My God." Naibulalas ni Andrea dahil sa tumambad sa kanyang mga mata. Bigla naman napalingon si Marco sa katabi nitong mahigpit ang pagkakahawak sa kumot.
"What the hell. Who are you?" Kunot noong tanong ni Marco kay Sherlyn.
"H-hindi mo ba natatandaan ang lahat? Lasing na lasing ka kagabi at tinulungan kita. Nakatulog ka na lang kasi sa sasakyan mo. At pagdating natin dito ay nangyari nga ang hindi dapat mangyari." Ang nakayukong ani Sherlyn.
"What? That is imposible. Paano nangyari yun? Ang alam ko ay hindi ako lasing kagabi at bubuksan ko na sana ang kotse ko at---"
Biglang napaisip ang binata kung ano ang nangyari pero wala siyang maalala.
"You bitch. Sinadya mo itong gawin sa kuya ko." Sigaw ni Andrea kay Sherlyn. Susugurin na sana niya ito ng pigilan ni Chris ang kapatid. Agad na ikay ng binata ang bunso nilang kapatid.
"Itong tandaan mo, kahit ikaw na lang ang natitirang babae sa mundo ay never kitang matatanggap na ate ko. Get lost biatch." Sigaw parin ni Andrea dito. Laking pasalamat ni Marco at wala ang magulang nila kundi malaking gulo ang aabutin niya.
"I have no idea what happened between you and me. Pero I'm pretty sure last night that I'm not drunk that much to forget everything. Kaya I'm sure you did something para mangyari ang bagay na 'to. Maybe, nagtagumpay ka nga pero ang puso ko ay never mo makukuha. Iisang tao lang ang laman nito at pakamamahalin ko kahit kaylan." Saad dito ni Marco sabay tayo nito at nagtungo sa banyo. Pabalibag nitong isinara ang pinto ng banyo.
Bigla naman napangiti si Sherlyn. "Magiging akin ka rin Marco sa ayaw at sa gusto mo." Anito bago siya nagmadaling tumayo at isinuot niya ang kanyang mga damit at agad na lumabas ng silid ni Marco.
Pagdating ni Sherlyn sa malaking sala ay inabutan niya doon ang nanggagalaiting si Andrea. "Ang kapal ng pagmumukha mo. Your such a crazy woman. But I'm sorry biatch my brother love's ate Dawn not a cheap girl like you." Patuyang ani Andrea dito.
Dahil sa tinuran ni Andrea ay nagmadaling lumabas si Sherlyn sa malaking bahay. "Go to hell biatch and don't come back." Sigaw pa ni Andrea sabay balibag nito ng isara niya ang malaking pinto.
"Bro?"
Agad na tawag ni Chris kay Marco ng makita niya ito.
"Kuya, sigurado akong gulo ang dala ng babaeng yun. I hate her. Mas gusto ko si ate Dawn." Ani Andrea na pulang pula na ang mukha dahil sa inis nito. "Wag lang sana ito makarating kay ate Dawn at masasaktan yung tao." Dagdag pa ni Andrea.
"Paano ba kasi nakapasok yun sa kwarto mo?" Nagtatakang tanong ni Chris. Kaya naman biglang umalingaw ngaw sa loob ng malaking bahay ang boses ni Andrea. Ang lahat ng mga kasambahay nila ay napasugud ang mga ito sa malaking sala kung nasaan ang magkakapatid.
"Sino ang nagpapasok sa babaeng yun kagabi?" May diing tanog ni Andrea sa kanila.
"Ako po."
Agad namang umamin ang isang kasambahay nila. "I'm sorry po, hindi ko po kasi alam na hindi pala yun ang girlfriend ni Sir Marco. Ang sabi po kasi niya ay lasing na lasing si Sir. Kaya tinulungan kung dalhin si Sir sa kwarto niya. At pagkatapos ay inutusan niya akong iwan ko na po kayo Sir, dahil siya na daw po ang bahala sa inyo." Paglalahad nito sa mga ito.
"See kuya, ang babaeng yun ay sinadya niya ang lahat. We don't know what her plan. Baka nga all of this ay pakana lang niya. Tanging Nasa itaas ang siyang nakakaalam." Anang dalaga sabay upo nito sa couch.
"Next time ay wag kayong magpapasok ng kahit sino basta hindi niyo kilala." Malumanay na ani Chris bago nito inutusang magsibalik sa mga trabaho nila ang mga kasambahay nila. Walang salita mula kay Marco. Nakayuko lang ito habang sapo ng dalawa niyang kamay ang mukha. Hindi ito makapaniwala kung paano may nangyari sa kanila ng babaeng hindi niya kilala. Puno ng katanungan ang isip nito ngunit hindi niya kayang sagutin.
TBC.
BINABASA MO ANG
A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)
General FictionAMBERS CLAN SERIES-2 MARCO ANTONIO VILLAGAS "What I feel for you, is really true. You got to know, I need you so. When you are gone, I can't go on. Can't you see, that you are the only one for me? I'm thankful the day you give me a chance to love yo...