NAKADAPANG natutulog ang binatang si Marco sa kanyang kama ng pumasok ang kapatid niya sa kanyang silid. Nakasimangot ang kapatid niya ng makita nito ang ayos ni Marco. Nakadapa ito habang naka boxer short lang ang suot niya.
Habang nakamata ang kapatid ni Marco sa kanya ay biglang nagliwanag ang ulo nito. Tila isang malaking bombelya ng ilaw ang lumitaw sa tuktok ng ulo nito. Nakangisi itong pumitik na pumasok sa loob ng banyo.
"Humanda ka sa'kin kuya, it's my turn." Anang kapatid ni Marco na natatawa. Agad nitong kinuha ang sabon at nilagyan niya ng tooth paste.
Pigil hininga itong binalikan ang kuya niyang tulog parin. Dahan-dahan niyang inangat ang boxer short ni Marco sabay pasok nito ng sabong nilagyan niya ng tooth paste sa loob. Bigla namang gumalaw si Marco kaya biglang tumakbo palabas ng kwarto niya ang kapatid.
Makalipas ang ilang minuto ay napabalikwas ng bangon si Marco. Sabay takbo nito sa banyo. "What the hell?" Asar na ani Marco.
Halos humagalpak ng tawa ang kapatid nitong nakabantay sa labas ng kwarto niya habang nagmumura ito. "Fuck you, asshole." Pasigaw nitong aniya sa loob ng banyo.
"Humanda ka sa'kin Chris Anthony." Bulong nito. Agad siyang naligo, matapos niya maligo ay agad siyang nagbihis at dali-dali niyang hinanap ang kapatid.
Pagdating niya sa kanilang sala ay inabutan nitong kampanteng nanonood ng sports TV ang kapatid niya. Nakadekwatro pa ito habang nakasandal sa couch.
Nakita ni Chris ang pagbaba ni Marco sa kanilang hagdan, ngunit nagkunwari itong busy siya sa pinapanood.
"You asshole, damn you," ani Marco. "Tangna mo, kung hindi lang kita kapatid. I already kill you." Naiinis nitong aniya sa kapatid.
"Lower your voice, bro, kapag narinig ka ni Mommy ay lagot ka." Ani Chris. At saktong dadambahin siya ni Marco ay bigla itong tumayo sabay takbo niya. Naghabulan ang dalawa sa kanilang sala, halos magpaikot-ikot ang dalawang naghahabulan.
Nang biglang sumimplang si Chris ay sinamantala ito ni Marco, bigla niyang dinaganan ang kapatid ng matumba ito sa couch.
"Anong ginawa mo sa'kin gago?" Ani Marco dito. Tumawa naman ang kapatid niya. "Kasalanan muna yun kuya, nakaboxer short ka lang na natutulog sabay nagmamalaki yang kaibigan mo." Nakangising ani Chris.
"Pake mo ba, ganun ka rin naman." Sagot naman nito sa kapatid.
"Para kayong mga bata." Sita sa kanila ng nakakabata nilang kapatid. Agad naman natigil ang dalawa at nagkatinginan. Maya't maya ay binalingan ng dalawa ang nakakabata nilang kapatid kilitiin.
"M-mommy, sina kuya oh!" Sigaw ng kapatid nilang nag-iisang babae.
"Tumigil na nga kayo dyan, hindi na kayo mga bata. Breakfast is ready." Anang ina nila. Agad naman dumulog ang tatlo sa mesa.
"Mom, si Daddy?" Tanong ni Marco sa ina. "Pinatawag ko na." Anang ina nito. "Ehmmm..!" Napalingon naman sila ng marinig nila ang tumikim. Nakangiting dumulog sa hapagkainan ang kanilang ama.
"Hi Dad, sina kuya po pinagkikiliti nila ako. Para po silang mga bata." Sumbong ng nakakabatang kapatid nila Marco. Natawa naman ang ginoo.
"Kumusta ang pag-aaral niyo boys?" Tanong ng ginoo sa dalawa ng makaupo ito. "It's fine, Dad." Sagot ni Chris.
"How about you Marco?" Baling ng ginoo sa binata. Nagkibit balikat lang ito sa ama. "Walang pinagbago Dad." Anito sa ama.
Matapos kumain nila Marco ng breakfast ay nagkayayaan ang magkapatid na maggym. Kapwa nakasuot ang dalawa ng short at sando. Litaw na litaw ang ganda ng katawan ng magkapatid.
Mga isang oras din ang magkapatid sa gym, doon narin naligo ang dalawa bago nagpasyang pumunta sa malapit na mall.
"Bro bili tayo ng pizza, nagugutom ako." Ani Chris. Agad naman inakbayan ni Marco ang kapatid habang ang isa nitong kamay ay nakapamulsa sa suot nitong cargo short.
Bawat madaanan ng magkapatid ay napapalingon. Daig ng dalawa ang celebrity habang naglalakad sila. Nang marating ng dalawa ang isang fast food chain ay agad na naupo si Marco sa bakanteng mesa na naroon. Si Chris naman ay nag-order ng pizza.
Habang kampanteng nakaupo si Marco ay halos di mapakali ang mga babaeng naroon na nakatingin sa binata.
"Oh my gosh! Ang gwapo talaga niya girl." Rinig niyang anang mga babaing malapit sa kinauupoan niya. Agad namang kinindatan ni Marco ang mga ito.
"Woaaaa....!" Tili ng mga ito.
"Look girl, ang gwapo rin ng kasama niya." Anang isa sa mga ito. Napailing na lang si Chris dahil umabot sa pandinig niya ito. Agad na naupo si Chris ng makalapit ito sa kay Marco.
SAMANTALA habang nakaupo si Dawn sa kanyang kama ay pakanta-kanta pa itong nagmumuni muni.
_Matagal ko nang itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sa'yoTudo bigay sa pagkanta si Dawn habang nakatingin ito sa picture ni Marco.
_Bakit di mo pansin itong aking pagtingin
Ba't di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala
Ang tingin mo sa akin"Haist! Bakit ba hindi ko kasing ganda ang mga babae mo Marco." Anito sa isip.
_Kung ako ba siya
Mapapansin mo
Kung ako ba siya
Mamahalin mo
Ano bang meron siya
Na wala ako?
Kung ako ba siya
Iibigin mo..."Kung kasing ganda ko kaya sila ay mapapansin mo rin Marco?" Tanong nito sa isip.
_Masakit ko mang isipin
Mahirap mang tanggapin sa damdamin
Pag-ibig mo pala'y hindi sa akin"Nakaka hurt kang Impakto ka, bakit ba ang hilig niyo sa mga sexy." Nakapuot nitong ani sa isip.
_Ngunit anong gagawin ng puso
Sa'yo lang ibinigay ang pangako
Patuloy nanamang
Aasa sa'yo sinta"Kainis lang kasi ang puso ko, ikaw pa ang napusuan eh. Sana iba na lang." Saad nito sa isip sabay buga ng hangin.
_Ikaw lamang
Ang inibig ng ganito
Sabihin mo
Kung paano
Lalayo sa'yo"Sana, hindi na lang natutong umiibig ang puso ko. Dahil sa maling lalaki pa tumibok. Fuck! Shet." Anito muli sa isip sabay iling niya ng ulo.
_Kung ako ba siya
Mapapansin mo
Kung ako ba siya
Mamahalin mo
Ano bang meron siya
Na wala ako
Kung ako ba siya
Kung ako ba siya"Tst! Ano bang meron kang Unggoy ka, ngiti mo pa lang kasi para muna kaming ginagayuma. Kainis ka lang." Anang dalaga sa isip sabay hinga ng malalim.
Oooohhh..
Napangiti si Dawn sa kabaliwan niya. Napaangat siya ng ulo ng bumukas ang pinto ng kwarto niya.
Iibigin mo...
"Tst! Wag kang magconcert dyan sa kwarto mo. Nang bubulahaw ka ng tulog, para kang baka na nawawala ang nanay." Saad ng kapatid ni Dawn. Sa inis ni Dawn ay binato niya ito ng unan.
"Go to hell brother, panira ka sa moment e. Kainis ka." Anitong nakasimangot. Nginisihan naman siya ng kuya niya bago ito umalis.
TBC.
Sorry po sa wrong typo and grammar.....enjoy reading and God Bless
BINABASA MO ANG
A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)
Fiksi UmumAMBERS CLAN SERIES-2 MARCO ANTONIO VILLAGAS "What I feel for you, is really true. You got to know, I need you so. When you are gone, I can't go on. Can't you see, that you are the only one for me? I'm thankful the day you give me a chance to love yo...