Chapter 10

17K 517 1
                                    

NAIA Airport, nakangiting lumabas ng paliparan si Sherlyn, agad itong kumuha ng taxi na maghahatid sa kanya sa kanilang mansyon. "See you soon Marco." Anitong nakangiti sa loob ng taxi. Makalipas ang halos kalahating oras na byahe ng taxi nang marating nito ang kanilang mansyon.

Agad siyang nagbayad sa taxi, nang makita naman siya ng kanilang security guard ay dali-dali siya nitong pinagbuksan ng gate. "Good afternoon ma'am, welcome home po." Anang security guard, tinanguan lang niya ito at dali-dali siyang nagtungo sa loob ng malaking bahay.

Hindi pinakinggan Sherlyn ang kanyang ina, nagpumilit parin itong makabalik ng pinas.

MATAPUS ang celebration ng newly wed na sina Aljhon at Weng, magin birthday nito ay agad din bumalik ng Manila ang magkakaibigan. Balik university din ang mga ito ng makabalik sila ng Maynila.

"Hello...." ang papungas-pungas na bungad ni Dawn sa tawagan ng sagutin niya ito. "Hey! Babe, wake up. Your be late if you don't get up there. Susundoin kita dyan." Ani Marco sa dalaga.

"Okey! Babe, thanks." Ani Dawn na nakapikit parin ang mga mata.

Nang mawala sa linya si Marco ay saka bumangon ng kanyang kama si Dawn. Agad itong pumasok sa banyo at nagmadaling maligo.

Matapus maligo ni Dawn ay nagmadali itong lumabas ng banyo at naghahanap ng maisusuot niya. Agad siyang nagbihis at inayos ang sarili. Ng masiguro niyang maayos na ang sarili ay saka siya nagpasyang lumabas ng kwarto niya upang magtungo sa kusina.

Agad siyang nagpahanda ng breakfast niya na agad namang tumalima ang mga kasambahay nila. Nagmadali siyang kumain at ng matapus siyang kumain ay muli siyang bumalik ng kanyang silid.

Habang sinisipat ni Dawn ang sarili sa harap ng salamin ay siya namang pagtunog ng tawagan niya.

"Hello." Anito ng sagutin niya ang tawagan. "Baby, are you ready? Nandito ako sa labas ng gate niyo." Ani Marco sa kabilang linya.

"Okey! I'm coming baby." Ani Marco at agad nitong pinatay ang tawagan. Muli nitong sinipat ang sarili bago niya dinampot ang kanyang bag.

"Mom, I'm going. Bye!" Anito sa ina ng makita niya ito sabay halik niya sa pisngi ng ina. "Sige anak, mag-iingat ka." Anang ginang.

Agad nitong tinungo ang labas ng kanilang bahay kung saan naghihintay si Marco. Agad naman niyang nakita itong nakangiti habang nakasandal sa dalang sasakyan. Tumayo ito ng tuwid ng makalapit si Dawn sa kanya.

"Hey!"

"Hmmmm..."

"Ang ganda ng baby ko." Ani Marco. "Ang aga naman atah na nambobola ka baby. Pero dahil love kita ay sasakyan ko ang trip mong yan." Ani Dawn na nakangiti. Natawa narin si Marco na pinagbuksan niya ng pinto ang nobya. Nang makapasok sa loob ng sasakyan si Dawn ay saka gumawi sa driver side ang binata.

"Flower for you." Sabay abot ni Marco ng bulaklak kay Dawn. "Thank you baby." Ang nakangiting ani Dawn na inabot ang bulaklak. Bahagya pa niya itong inamoy.

"Your always welcome baby." Ani Marco na nakatingin sa mukha ng nobya.

Hindi namam alam ni Dawn kung ano ang gagawin. Parang napako na siya sa kinauupoan nito habang nakatingin sa kanya si Marco. Unti-unti namang tinatawid ni Marco ang pagitan ng kanilang mga labi hanggang sa lumapat ang mambot nitong labi sa kanyang labi.

Banayad na gumalaw ang labi ni Marco, puno ito ng pagmamahal at pag-iingat na siya namang tugon ni Dawn.

Habol nila ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Magkadikit ang kanilang mga noo sabay napangiti silang dalawa.

A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon