HABANG binabaybay nila Marco at Dawn ang daan ay walang imikan ang dalawa. Ngunit hindi nakatiis si Marco kaya siya na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila ng dalaga.
"Ehmmm!!" Si Marco na bahagyang tumikim, kaya napalingon si Dawn dito habang nakatingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan.
"Hmmmp! Saan nga pala kita ihahatid?" Ang nakangiting ani Marco sa dalaga. Agad namang natampal ni Dawn ang noo ng maalalang hindi pala alam ng isang ito ang address ng bahay nila. Kaya mabilis niyang sinabi dito kung saan ang address ng bahay nila at hindi naman nagtagal ng makarating nila ang bahay nila Dawn.
"Tuloy ka muna." Aya ni Dawn sa binata.
"Um! Next time nalang siguro." Ang nakangiting ani Marco sa dalaga. "Okay! Anyway, thank you nga pala sa paghatid naabala pa tuloy kita." Ang nahihiyang ani Dawn kay Marco.
"No, it's okay. It's my pleasure na ihatid ka at malaman narin kung saan ang bahay ninyo." Makahulugan nitong turan habang nakangiti sabay kindat sa dalaga na siya namang kinapula ng mukha nito.
"Ah! Sige thanks ulit." Hindi na nito hinintay pang pagbuksan siya ng binata dahil siya na ang kusang nagbukas ng pinto at lumabas.
"Bye.....take care." Isang ngiti lang ang ginanti ni Marco bago niya pinasibad ang kanyang sasakyan.
LUMIPAS ang mga araw. Matapus ang klase nila Dawn at ang kaibigan niyang si Weng ay nagkasundo silang magkaibigan na tumambay nalang muna sa loob ng university. Tutal naman ilang oras lang ang hihintayin nila sa susunod nilang klase. Kaya agad na umupo ang magkaibigan sa ilalim ng malaking puno na malapit sa trucking field ng university.
"Besty. Mukhang ang blooming natin ngayon ah!" Puna ni Dawn sa kaibigan sabay sundot niya sa tagiliran nito.
"Anong blooming ka dyan? Eh! Ikaw nga 'tong mukhang blooming sa'tin e, kita mo ang dati mong buhok na laging nakalugay ngayon nakatali na. At ang dating walang paki alam kung nakapaghilamos o hindi ay ngayon naglagay na ng light lipstic at make up." Taas kilay namanng puna sa kanya ng kaibigan.
"Ehh! Never mind me. Dahil ikaw itong tinatanong ko dito." Mabilis naman nitong aniya kay Weng. "Tse! Ikaw talaga besty, kapag sinumpong ka ng ka ing-ingan mo e walang makakapigil." Saad na lang nitong natatawa.
"Whatever besty," anitong nakangisi. "Oh! ano, kwento mo na sa akin. Sige ka, hindi rin ako magkwekwento sayo." Anitong kinatirik ng mata ng kaibigan. Agad naman pumalakpak si Dawn na tila excited makinig sa kwento ni Weng.
"Sige na nga," pagsuko nito. "Si Mom kasi__
Bahagya nitong bitin nitong ang sasabihin. "Oh! Anong nangyari kay tita?" Nagtataka namang tanong ni Dawn sa kanya.
"Sabi ng doctor niya ay may chance daw na magigising na siya sa mga susunod na araw." Nakangiti nitong pagbabalita kay Dawn.
"Oh! My God. That's the good news besty. Thanks God at masasagot na rin ang mga prayer natin para kay tita na gumising na sana siya." Ani Dawn kay Weng.
"Yeah! Tama ka besty." Pagsang ayun nito.
"Pero, I know meron ka pang ibang dahilan kung bakit ang saya mo ngayon besty. Nakikita ko sa mga ngiti mong yan, oh!" Ani Dawn na kinakamot ni Weng ng ulo.
"Ikaw talaga, wala talaga akong maitatago sayo." Nakapuot nitong aniya. "Duh! Magkaibigan tayo since birth remember. Kaya kilala na kita mula ulo hanggang singit mo." Nagdudumilat na ani Dawn sa kanya.
"Humanda ka talaga sa akin kapag hindi karin nagkwento. Kundi masasapak talaga kita o dikaya bubunutin ko bulbol mo sa kilikili." Aniya naman ni Weng sa nakangising si Dawn.
BINABASA MO ANG
A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)
Ficción GeneralAMBERS CLAN SERIES-2 MARCO ANTONIO VILLAGAS "What I feel for you, is really true. You got to know, I need you so. When you are gone, I can't go on. Can't you see, that you are the only one for me? I'm thankful the day you give me a chance to love yo...