Chapter 8

17.5K 539 4
                                    

{PHILIPPINES}

NANG maging pormal na ang relasyon nila Dawn at Marco bilang magkasintahan ay kapansin pansin kung gaano kaalaga at kasweet ang binata sa dalaga. Hatid sundo niya ito araw-araw sa tuwing papasok ng university.

"Baby, but nakasimangot kana naman dyan?" Ani Dawn sa binata ng hindi maipinta ang mukha nito.

"Sino yung kasabay mong lalaki?" Tanong din nito sa nobya. Bigla naman natawa si Dawn dahil nagseselos na naman ang nobyo nito.

Agad na ipinulupot ni Dawn ang dalawang mga kamay sa leeg ng binata. "Wag na po kayo magselos dahil hindi naman ako pagnanasahan nun. Baka ikaw pa ang gapangin nun kay sa akin." Ani Dawn na kinakunot ng gwapong mukha ni Marco. Kaya agad inabot ni Dawn ang labi ni Marco sabay bulong niya dito. "His a gay, kaya wag kana magselos." Bigla naman umaliwalas ang mukha ni Marco.

"Talaga?" Paninigurado nito sa nobya. Bahagya lang tumango si Dawn bilang sagot sa binata.

"Let's go, baka hinihintay na nila tayo." Ani Dawn sa binata. Dahil gaya ng dati nilang gawi ay magkikita silang magkakaibigan.

Pagdating ng dalawa sa tagpuan nila ay nandoon na ang mga kaibigan nila. Magkasama si Sean at Fatima, si Edward naman ay lagi na nitong kasa-kasama ang dalagang si Jennyrose. At syempre si Weng at Aljhon.

Habang nag-uusap ang magkakaibigan ay biglang nagbukas ng usapin si Dawn habang wala pa ang kaibigan nitong si Weng. "Hey! Aljhon, alam mo bang malapit na ang birthday ng beasty ko." ani Dawn kay Aljhon.

"H-huh! kailan ba? Hindi ko alam?" Sagot nito kay Dawn.

"Next week." ani naman ni Dawn dito.

"Hmmmm.....okey! guys, wag niyo sasabihin sa kanyang alam natin ang birthday niya. I want to give her a birthday surprise." ani Aljhon sa mga ito.

"Whoaaahhhhh....anong birthday surprise ang gagawin mo bro?" ang tanong ni Brent dito.

"Basta surprise mga bro, but kasama kayo, two days in Palawan, sa rest house namin." anang nito. "Deal ba kayo?" ang tanong niya sa mga ito.

"No problem bro, game ako." ani Sean. At maging ang iba ay pumayag rin.

"Anun mayron dito?" ang boses na nagpalingon sa kanilang lahat.

"Oh! hi beasty, nandito kana pala?" ang agad na ani Dawn sa kaibigan.

"Mukhang, nag-eenjoy kayo habang wala ako ah?" Turan naman ni Weng na agad lumapit sa kinauupuan ni Aljhon. Agad naman itong inakbayan ni Aljhon ng makaupo sa tabi niya si Weng, sabay halik niya dito sa noo.

NANG maghiwalay ang magkakaibigan ay kanya-kanya na ang mga ito ng pinuntahan. "Where we going?" Tanong ni Dawn kay Marco habang lulan sila ng sasakyan ng binata.

"Surprise baby." Anang binata. Kaya nagkibit balikat na lang ito. Makalipas ang ilang minuto ng marating nila ang isang restaurant. Agad silang pumasok sa loob nito.

"Good afternoon Sir, Ma'am. This way po." Anang sumalubong sa kani lang waiter. At habang naglalakad sila ay napapangiti ng lihim si Dawn dahil ramdam nito ang higpit ng kapit ni Marco sa baywang niya. Alam kasi ni Dawn na maraming mata ang nakamata sa kanila.

Agad silang dinala ng waiter sa pangdalawang mesa, bago naupo si Marco ay ipinaghila muna nito ng upoan ang nobya. "Thanks." Nakangiting ani Dawn sa binata.

Di naman nagtagal ay dumating ang mga pagkaing nakahanda para sa kanila. Bago sila pumunta sa naturang restaurant ay nagpareserve na si Marco.

Tahimik na kumakain ang dalawa habang panakanaka ay sinusulyapan ng binata si Dawn.

A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon