Chapter 18

16.2K 544 7
                                    

SUMAPIT ang araw, ang itinakdang araw ng kasal nila Marco at Sherlyn. Masakit man sa binata ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto ng magulang niyang pakasalan si Sherlyn.

"Ready bro?" Tanong ni Rainier kay Marco. Bahagya lang itong huminga ng malalim. Agad naman inayus ni Brent ang suot ni Marco na necktie.

"Bro, magiging okay din ang lahat. Kailangan mong gawin ito ngayon at don't worry pwedi mo naman siya pakasalan pero hanggang doon lang." Saad naman ng tahimik lang na si Edward.

"Tama si bro Edward, pakasalan mo siya pero hanggang doon lang. After the wedding ay pagtutulungan nating hanapin si Dawn kung nasaan siya." Sabat naman ni Sean sa mga ito.

Ang lahat ay nakahanda na sa loob ng simbahan. Kapansin pansin naman ang magpipinsan na Andrea at Brianna dahil nakasuot ang dalawa ng kulay itim na gown. Walang nakakasita sa kanila dahil ang sabi nila ay hahayaan ba silang yun ang isuot nila o gusto nilang mag iskandalo.

Tumatayong best man ni Marco si Oliver. Ang magkakaibigan ay halata ang pagkadismaya na hindi si Dawn ang hinihintay ngayon ni Marco sa altar kundi ibang babae.

Ang lahat ay naghanda ng sabihin ng wedding coordinator na dumating na ang brides. Panay ang naman ang buntong hininga ni Marco habang nakatayo ito. Malaki na rin ang ibinagsak ng katawan nito dahil sa kulang sa tulog ang binata. Lagi itong problemado sa kakaisip kay Dawn kung papaano siya magpapaliwanag dito. Kung papaano niya ito kakausapin.

The wedding entourage......

The wedding song was play, kasabay nito ang paglalakad ng mga first sponsor o ang mga piling ninang at ninong ng ikakasal mula rin sa mga kilalang pamilya.

Followed by the second sponsor the candle, vien and cord.

And followed by the brides maids with there partner the groomsmen who wearing there american suit.

The flower girl walk on the else kasabay nito ang pagsaboy ng red petals of roses. Followed by the ring bearer, coin bearer and the bible bearer. And last one is the maid of honor. After the entourage, the song play for the brides march.

At habang naglalakad si Sherlyn ay kaylapad ng ngiti nito. Ngunit parang siya lang ang masaya dahil ang lahat ay daig pa ang namatayan at nagluluksa ang mga mukha nila. Dahil sa hindi nakasuot ng belo si Sherlyn ay kita ang mukha nitong kinakunot ng noo ni Jeanne. Habang papalapit ito sa altar ay mas lalong naging malinaw ang mukha niya kay Jeanne kaya agad itong napatayo. Ang lahat naman ay napatingin sa kanya lalo na si Zach.

Ang lahat ay nagtatanong ang mga mata ng pumagitna sa else si Jeanne. "Honey, what are your doing there?" Halos pabulong na tanong ni Zach kay Jeanne ngunit parang wala itong narinig.

"So, ikaw pala ang sumira ng relasyon nila Marco at Dawn. But sorry ka na lang at hindi ka makakarating sa altar dahil puputulin ko na ang kabaliwan mo ngayon din." Ani Jeanne sa isip. Agad na namaywang si Jeanne at hindi nga nito hinayaang makadaan si Sherlyn.

"Siya ba kamo ang papakasalan mo Marco?" Ang kunwaring hindi makapaniwalang tanong ni Jeanne. "My God, bakit kayo nagpaluko sa babaeng ito?" Muli nitong saad. Hindi naman maintindihan ng mga naroon kung ano ang pinagsasabi ni Jeanne.

"Patawarin sana ako ng Dios. Pero ang babaeng ito ay baliw. Pinaghahanap na siya ng magulang niya sa New York. Pinapagamot ito doon dahil nga may sira ang pag-iisip niya. And she is deadly crazy for you Marco ng makita niya sa magazine ang pictures mo. At imposibleng mabuntis siya dahil at time na high school pa lang siya ng maaksidente siya at naapiktuhan ang matris niya." Paglalahad ni Jeanne sa kanilang lahat.

"Hindi totoo yan, buntis ako at hindi ako baliw." Ani Sherlyn. "Yes. You are crazy." Giit ni Jeanne.

"Hindi nga ako baliw e." At umiyak na itong ani mo'y batang inagawan ng candy.

"Sherlyn?"

Boses na nagpalingon sa kanilang lahat. Doon bumungad sa kanila ang humahangos na ginang. "Dios ko, anong kabaliwan ang ginawa mo Sherlyn." Mangiyak ngiyak na saad ng ginang.

"Mom, I love him." Sumbong ni Sherlyn na umiiyak. Para itong batang inaway ng kanyang kalaro na humihingi ng saklulo sa kanyang ina.

"Alam mo ba ang ginawa mo ha! Sinira mo ang buhay ng mga taong nanahimik. Oo, maikakasal ka nga sa kanya pero naitanong mo ba sa kanyang mahal ka niya. Handa ka ba niyang mahalin. Paano kung iba ang mahal niya at mamahalin niya hanggang sa huling hininga niya. Sherlyn hindi ka namin pinalaki ng papa mo para maging makasarili. Isipin mo naman ang buhay ng iba wag puro sarili mo lang. Paano kung may masira kang buhay dahil sa ginawa mo." Anang ina ni Sherlyn na naluluha habang kausap ang kanyang anak.

"Mommy."

"Haist! I'm sorry po ma'am ha! Pero dahil po sa ginawa ng anak niyo ay nawawala ngayon ang girlfriend ni kuya. Kahapon pa po pinapahanap pero hindi po siya matagpoan. At kapag may nangyari pong hindi maganda sa kanya ay kargo de kunsensya po yun ng anak niyo. Alam niyo po ba na maaring buntis yun." Ani Andrea na hindi mapigilang wag maiyak habang iniisip kung kumusta si Dawn. Kung okay lang ba ito o hindi. Kung nasa maayos ba siya, paano kung hindi.

"Ssshhh! Stop crying, mahahanap din natin siya." Alo ni Weng kay Andrea na nagpipigil lang din na wag maiyak. "Pero, ate. I'm scared. You know ate Dawn, alam mong may pagkaclumsy siya. Ate natatakot talaga ako para sa kanya. I really love ate Dawn at gusto ko na siyang makita muli." Ani Andrea.

"I'll promise babalik ang ate mo, okay. Just pray that she is fine." Saad ng litong lito na ang pag-iisip na si Marco.

"Panginoong mahabagin, gabayan niyo po siya at ilayo sa kapahamakan." Naidalangin ng ina ni Sherlyn. "Narinig mo yun Sherlyn. Are you happy now?" Iiling iling nitong tanong kay Sherlyn na umiiyak parin na parang bata.

"Nangyari na ang nangyari, wala na tayong magagawa ngayon. May kasalanan din kami at nagpadalos dalos ng desisyon. Hindi man lang namin inalam ang totoo. Mas pinaniwalaan namin siya ng sabihin niyang wala na siyang mga magulang." Sabat ni Marietony sa mga ito.

"Ang dapat natin isipin ngayon ay kung papaano natin mahahanap si Dawn. Kung nasaan siya ngayon." Dagdag ng ina ni Marco.

At ganun nga ang ginawa nila. Hinayaan na nilang iuwi ng ina ni Sherlyn ang dalagang iyak ng iyak. Agad silang kumilos upang hanapin si Dawn kung nasaan ito.

Sa araw ding yun ay agad silang kumilos lahat. Ang lahat ay nagtanong tanong narin at nagbabakasakaling nakita ng mga ito si Dawn. Ngunit bawat mapagtanongan nila ay bigo silang makakuha ng kasagutan mula dito.

Dahil sa private property ang pag-aari ng mga Villagas ay walang maaring makapasok doon. Kaya kampante si Dawn ng pumunta siya doon. Masakit man sa kanya nangyari ay kaylangan niyang mabuhay at lumaban para sa kanyang anak.

TBC.

A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon