Chapter 23

20.5K 552 6
                                    

MATAPOS ang walang humpay na kwentuhan tungkol sa nakaraan ng mga magulang nila noon ay kanya-kanya ang mga ito ng uwi. At si Marco ay hindi na niya itong hinayaang umuwi pa si Dawn kasama ang magulang nito. Sa kanyang silid na dinala ang nobya.

"Babe, stay here at ikukuha lang kita ng fresh milk ng mainom mo." Anito kay Dawn na tapos ng magbihis ng damit pantulog.

"Okay babe." Anitong hawak-hawak ang maumbok niyang tiyan habang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard ng kama.

Dali-dali namang lumabas ng silid si Marco upang ikuha ng fresh milk si Dawn. Nang marating niya ang kusina ay agad siyang kumuha ng baso at nagsalin doon ng fresh milk.

"Oh! Iho, anong ginagawa mo dito sa kusina?" Anang nakakatandang katiwala ng mga Villagas.

"Ikinuha ko po ng fresh milk si Dawn, Manang." Nakangiti nitong sagot. "Ah! Ganun ba iho. Oh! siya kung may kaylangan ka e tawagin mo lang kami." Anito kay Marco na bahagyang tinapik ang balikat ng binata.

"Salamat po, Manang." Nakangiti nitong turan bago umakyat patungo sa kanyang silid.

"Babe?"

Tawag nito sa nobya pagkapasok lang niya sa kanyang kwarto. "Here, drink your fresh milk." Sabay abot nito ng gatas sa nobya. Agad naman yun inabot ni Dawn at ininom.

"Thanks babe." Ani Dawn matapos inumin ang fresh milk sabay lapag niya ng baso sa side table ng kama ni Marco. Agad itong tinabihan ni Marco sa kama at hinaplos ang maumbok na tiyan ng nobya.

"Ilang buwan na lang at makikita na natin si baby. Excited na akong mahawakan, marinig ang pag-iyak niya. Makita kung pano matotong maglakad, magsalita at marinig ang unang katagang mabibigkas niya." Ang nakangiti nitong turan sa nobya habang hinahaplos ang tiyan nito.

"Oo, nga babe. Pero, kinakabahan ako na ewan. Magiging mabuti kaya akong ina sa magiging baby natin. You know, clumsy daw ako." Kagat labi nitong saad kay Marco na kinatawa ng binata.

"Babe, naman e. Wag mo akong tawanan dahil seryoso ako." Nakapuot nitong turan sa nobyo. Kaya agad itong niyakap ni Marco.

"Don't worry, nandito naman ako. Magkasama nating palalakihin ang anak natin." Anito sabay halik sa noo ng nobya. Kaya isinandal ni Dawn ang ulo sa matipunong dibdib ng binata at ang takot ay iniwaksi niya sa isip.

MULA ng makabalik si Dawn ay sa tahan na ito ng mga Villagas tumira. Habang hindi pa tapos ang pinagawang mansyon ni Marco para sa magiging mag-ina niya kung saan sila magsisimula bilang mag-asawa ni Dawn. Ayaw rin kasi itong mawala sa paningin pa ni Marco, kaya kung saan siya ay nandoon din ang nobya. Ang kasal nila ay isinantabi na muna rin nila ito. Ayun narin sa kagustuhan ni Dawn na saka sila magpapakasal ay kung nanganak na siya. Ayaw daw nitong maglakad sa else na malaki ang kanyang tiyan. Kaya ang planong agarang kasal ay nagbago. Pinagbigyan na rin ito ni Marco dahil sa yun ang gusto ng mahal niya.

Pinamahalaan narin ni Marco ang kumpanya nila. Ipinasa na kasi ng kanyang ama ang responsebilidad dito bilang C.E.O ng Villagas Company. Gusto daw kasi ng kanyang ama na mag-unwind kasama ang kanilang ina. Kaya hindi naman tumutol ang binata sa kagustuhan ng ama. Pabor naman sa kanya yun ng magamit na niya ang pinag-aralan sa business.

"Babe, saan tayo pupunta?" Tanong nito kay Marco habang nasa daan sila.

"Sa bahay nila Castillo, babe. First birthday ng anak nila, natatandaan mo?" Anitong nakangiti kay Dawn. "Oo, nga pala birthday na ng anak nila. Ang bilis ng araw babe, hindi ko akalain na naka one year old na pala si baby Rain." Saad nito kay Marco.

"Ilang buwan lang din ay susunod naman ang anak nila Sean at Xander." Turan nito sa nobya habang nasa daan ang kanyang mga mata.

Hindi naman nagtagal ng marating ng dalawa ang mansyon na ipinatayo ni Rainier. Mula ng magseryoso ito ay agad itong nagpatayo ng sariling mansyon. Ika nga mga dakilang playboy sila noon ngunit ng matagpuan nila ang mga babaeng nagbago ng pagkatao nila ay parang damit lang na hinubad nila ang pagiging babaero nila.

A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon