Chapter 24

17.9K 549 4
                                    

DAHIL nga sa buntis si Dawn ay pinagbigyan na nila ito sa kagustuhan niyang saka sila magpapakasal ni Marco ay kung manganak na siya. Itinuon narin ni Marco ang isip niya sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya mula ng ipasa sa kanya ng ama ang resposebilidad ng Villagas Company.

Habang nasa kalagitnaan ng tulog sina Dawn at Marco ay biglang nakaramdam ang dalaga ng paghilam ng kanyang tiyan. Agad nitong niyogyog ang natutulog na si Marco habang pawis na pawis na siya. Dahil sa kabiglaan ni Marco ay bigla itong napabalikwas ng bangon.

"Babe, are you okay?"

Tanong ni Marco kay Dawn.

"B-babe, m-ma-manganganak na ata ako." Nauutal nitong turan kay Marco. Kaya mabilis pa sa alaskwatro ng lumabas ng room nila ang binata at tinungo niya ang kwarto ni Chris.

Naka sout ng pang night pants si Chris na kulay grey habang nakadapa ito sa kama ng hilain ng kuya niya.

"What the hell?"

Sa gulat nito ay napabalikwas ito ng bangon sa kama at doon tumambad sa kanya ang kapatid na pawisan ang mukha. "Bro, I need help. Manganganak na si Dawn." Ani Marco. Kaya dali-daling bumaba ng kama ang kapatid niya.

"Let's go at ng madala natin siya sa hospital." Ani Chris sabay dampot nito ng susi ng kotse niya at phone bago sila lumabas ng kanyang silid. Pagsara nito ng kanyang kwarto ay siya rin namang paglabas ni Andrea mula sa kwarto nito.

"What is going on?" Nagtataka nitong tanong sa mga kuya niya.

"Si Dawn manganganak na, bro sumunod na lang kayo sa labas. Start ko na lang ang kotse ko." Ani Chris at patakbo itong bumaba ng hagdan.

"Princess, pakisunod na lang ang mga gamit ng ate mo. Pakisabi na rin kina Mommy, sumunod na lang kayo sa hospital." Anito kay Andrea sabay buhat niya kay Dawn.

"Okay kuya, ako na ang bahala." Sagot nito kay Marco.

"Hold on baby, wag ka muna lumabas. Dadalhin ko muna kayo ni mommy sa hospital." Saad ni Marco habang pababa sila ng hagdan. Paglabas nga nila ng bahay ay naghihintay na si Chris sa kanila. Agad nitong pinagbuksan ng pinto ng kotse ang dalawa. Kaya maingat na pinasok ni Marco sa sasakyan si Dawn.

Matapos makapasok sa loob ng sasakyan sina Dawn at Marco ay agad din bumalik sa driver seat si Chris. At agad nitong pinaharurut ang sasakyan patungong hospital.

"Calm down babe, take a breath. Exhale, inhale." Ani Marco sa nobya habang panay halik nito sa noo ni Dawn.

"Aahhhh! Marco ang sakit, wag mo na ako bubuntisin ulit dahil ang hirap pala." Anito sa gitna ng pagdaing sa sakit. Naiiling na lang na nagmamanehong si Chris habang nakikinig sa kapatid niya at ni Dawn.

"Just hold on Dawn, dahil malapit na tayo sa hospital." Ani Chris.

Hindi rin naman nagtagal ng marating nila ang hospital. Kaya agad na lumabas ng kotse si Chris at tumawag ng tulong. Dahil kilala ang pamilya nila ay agad din naman silang dinaluhan ng mga nurse na nandoon. Agad nilang sinakay sa stretcher si Dawn habang panay ang daing nito.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo." Anang nurse na nakatingin kay Marco ng marating nila ang delivery room.

"Pero---

"Bro, relax ka lang. Walang mangyayari sa mag-ina mo." Ani Chris na hinawakan sa magkabilang balikat ang kuya niya upang pakalmahin ito. Ramdam nito ang kabang nararamdaman ni Marco.

Kaya ng magsara ang pinto ng delivery room ay panay lakad tayo ni Marco. Napapailing na lang ang kapatid nitong si Chris habang nakamata sa kanya. Kaya agad na kinuha ni Chris ang tawagan niya at tinawagan na lang nito ang mga kaibigan ni Marco upang ipaalam na manganganak na si Dawn.

A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon