HINDI makapaniwala ang lahat matapos nilang matuklasan ang lahat tungkol sa pagkatao ni Sherlyn. Ang lahat ay gulat ngunit isinantabi na muna nila ito. Ang mahalaga sa kanila ngayon ay mahanap kung nasaan si Dawn.
"My God, kaya pala ang bigat ng loob ko sa kanya dahil may saltik pala. Nakita niyo yun, kung paano siya umiyak. Daig pa niya ang five year old girl na inagawan ng candy." Ani Andrea.
"Yeah! Buti na lang at nadoon si ate Jeanne. My gosh! Ayaw kong magkaroon ng ate na baliw like Sherlyn. Buti na lang at may girlfriend na si kuya Vincent and kuya Oliver, I know kung sino ang love niya." Saad naman ni Brianna.
Dahil sa lahat ng clan ay nagsama-samang maghanap, tulong-tulong silang lahat. Kaya iniwan muna ni Aljhon ang mag-ina niya sa mansyon ng kanyang mga magulang.
"Ate Weng, saan po kaya nagpunta si ate Dawn?" Maya ay tanong ni Andrea kay Weng habang karga nito ang anak na si Alex. Samantalang si baby Axel ay nilalaro naman ito ni Aira.
"I don't know baby, I have no idea kung saan nagpunta ang ate Dawn mo. Hindi ko rin kasi makuntak ang tawagan niya. Naka off kasi ang phone niya. Maybe sinadya talaga niyang i-off para hindi siya mahanap or matawagan." Anitong napabuntong hininga.
"I can feel her, alam ko masakit talaga ang nangyari. Masakit yung alam mo naman ang nangyayari pero walang nagsabi sa'yo. Siguro naghihintay siyang magsabi si Marco. Pero ang siraulong yun ay hindi nagsabi. Pero hindi rin natin masisi si Marco. I know nahihirapan din siya dahil siya yung naiipit sa setwasyon." Aria said.
"Aria's right. Bakit kasi hindi nawawala ang kuntrabida sa buhay natin. Bakit kaakibat na nito ang mga taong walang magawa sa buhay, yung mga taong selfish. Bakit kaylangan pa nating masaktan. Bakit kung masaya tayo ay kapalit naman nito ay lungkot at sakit. Kung nagmahal naman tayo ay pilit inaagaw ng iba sa'tin ang mahal natin. Kahit alam na nilang tayo ang mahal nito, bakit ipagsiksikan parin nila ang sarili nila." Samantha, Aljhon's sister said.
"Nakakatakot mainlove, nakakatakot magmahal. Nakakatakot masaktan." Naisatinig ni Andrea. "Kung mahal niyo ang isang tao ang lahat ng nag-aambang posebleng mangyari ay kakayanin niyong harapin ito. Gaya na lang ng nangyari sa'min ni Aljhon noon. Kung sakaling sumuko ako noon kahit na hindi pa dumating si Aria para sabihin ang kasinungalingan ni Cindy. Ay sa tingin niyo ba magiging masaya ako ngayon?" Anito ng maalala ang nangyari sa kanila ni Aljhon noong college life pa nila.
"Wag kayong matakot magmahal, kahit na masakit masaktan. Dahil hindi mo malalamang nagmahal ka kung hindi mo mararanasang masaktan. Doon ka mas lalong magiging matatag. Kung nabigo ka man sa una ay you should move on and forget the past. Isipin mo na lang na parte lang yun ng nakaraan mo or it just a bad dream. Maraming pagsubok ang mararanasan natin habang nandito tayo sa mundong ibabaw. Tatag ng loob at higit sa lahat paniniwala na may isang Lumikha sa'tin na siyang higit na nakakaalam kung ano ang naghihintay sa'tin kinabukasan." Weng said. Natahimik naman ang mga kasama nito dahil sa sinabi niya.
"Mahal na mahal mo nga si kuya Aljhon ate, ang swerte ni kuya sa'yo." Brianna said while smiling.
MAGDADALAWANG araw na si Dawn sa farm na pag-aari ng lolo ni Marco. Lagi na lang itong umiiyak lalo pa kung nagduduwal siya. Laging masama ang pakiramdam niya. At laging si Marco ang hinahanap nito at ang amoy ng binata. Kaya sa isiping kasal na si Marco sa iba ay doon hindi na niya mapigilan ang wag lumuha.
Upang maiwasan ang pangungulila niya kay Marco ay inaamoy na lang nito ang damit ng binata na nasa kanya. Yun na lang ang tanging paraan niya upang makatulog at matigil siya sa pag-iyak. Hirap na hirap ito sa kanyang pinagbubuntis. Dahil malamang si Marco ang napaglihian niya ngunit alam niyang wala na siyang karapatan dito. May isa ng taong may karapatan sa lalaking minahal niya.
"Anak, kahit wala si daddy ah! Dapat magpapakabait ka, wag na wag mong iiwan si mommy. Hindi ko man maipapangakong maibibigay ko sa'yo ang magandang buhay, ang marangyang buhay gaya ng daddy mo. Pero i'll promise na pupunoin naman kita ng pagmamahal. Mahal na mahal kita anak. Kung sakaling hindi mo makikita o makikilala ang daddy mo paglaki mo ay sana mapatawad mo ako anak. Wala na kasi tayong karapatan upang makasama ang daddy mo. I'm sorry baby, ayaw kasi makipag siksikan ni mommy. Ayaw kong ipagsiksikan ang sarili ko sa daddy mo after what happened. Ayaw ko ng dagdagan pa ang kahihiyaang aabutin ko. Baka mas lalo lang ako pag-uusapan ng lahat. Basta paglaki mo anak, magpapakabait ka." Kausap nito ang maumbok na niyang tiyan habang walang tigil ang kanyang mga luha.
HALOS mabaliw na sa kakahanap si Marco kay Dawn. Maging ang tatlong clan nila ay tumulong narin sa paghahanap kay Dawn. Ngunit lahat sila ay bigong mahanap ang dalaga. Ika nga ang taong ayaw magpahanap ay wag mong hanapin dahil hinding hindi mo ito makikita.
Halos libutin na nila ang buong Pilipinas pero wala silang idea kung saan nila ito hahanapin. Alam narin ni CJ ang totoong nangyari, galit man siya kay Marco ay naiintindihan din naman niya ang naging setwasyon ng binata. Kaya ang galit dito ni CJ ay kinalimutan na lang niya ang mahalaga ay mahanap nila ang kapatid niya lalo pa at alam niyang buntis ito. Ngunit ayaw niyang sabihin kay Marco ang nalaman niya tungkol sa kapatid dahil wala siyang karapatan. Kung gustong sabihin ni Dawn kay Marco na buntis siya ay sinabi na sana nito noon pa. Kaya hihintayin na lang nitong sa mismong bibig manggaling ng kapatid ang pagsasabing buntis siya.
Sa tuwing tutunog ang tawagan ng bawat isa ay sing bilis pa ng kidlat kung sagutin nila ito. Nagbabakasakali silang may balita na kay Dawn kung nasaan ito. Ngunit matapos nilang sagutin ang mga tawagan nila ay kapwa lahat laglag ang balikat. Dahil pare-pareho lang ang mga sagot ng mga ito.
Wala ni isa sa kanila ang may idea kung nasaan pumunta si Dawn. Maging ang mga kaanak nila ay napuntahan na ni CJ at natawagan pero ang sagot lang ng mga ito ay wala doon ang dalaga.
Maging ang airport, pier at mga buss station ay napagtanungan narin nila ngunit walang Dawn na nakita ang mga ito. Maging ang ina ni Dawn ay naisugud narin sa hospital ang ginang dahil sa pagkabigla nito. Biglang tumaas ang blood presure ng ginang ng malaman niyang nawawala ang kanyang unica iha.
"God. Babe saan ka ba nagpunta?" Naisatinig ng binata sabay hilamos nito ng mukha.
"Mag-isip ka ng lugar na lagi niyong pinupuntahan bro, baka makatulong ito sa paghahanap natin." Suhestyon ni Rainier sa mga ito.
"Wala akong maisip bro, napuntahan ko na lahat ng mga lugar na gustong gusto niyang puntahan noon." Ani Marco.
"Bro, what do you think sa lugar kung saan kayo nagtanim dalawa." Sabat naman ni Sean sa mga ito. Kaya agad silang napaisip na bakit hindi nila subukan ito.
Dahil sa sinabi ni Sean ay agad na tumayo si Marco. "Saan ka pupunta bro?" Tanong ni Aljhon sa kanya.
"Susubukan kung puntahan siya sa farm mga bro." Anito sabay lakad niya. Dalangin ni Marco na sana nandoon nga si Dawn dahil alam niya kung nandoon ito ay safe ang nobya.
TBC.
BINABASA MO ANG
A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)
Ficção GeralAMBERS CLAN SERIES-2 MARCO ANTONIO VILLAGAS "What I feel for you, is really true. You got to know, I need you so. When you are gone, I can't go on. Can't you see, that you are the only one for me? I'm thankful the day you give me a chance to love yo...