HINDI nagtagal ang byahe nila Marco ng marating nila ang AMANDA's hotel na pag-aari ng pamilya ni Aljhon, kung saan gaganapin ang engagement party nito at ang kaibigan ni Dawn na si Weng.
Agad na nagpark ng kotse si Marco bago ito lumabas ng kotse niya at agad na gumawi sa kabilang side ng kotse niya at pinagbuksan niya ang dalaga. Inalalayan nito si Dawn ng makalabas ng sasakyan ang dalaga. Ng hawakan ni Marco ang kamay ni Dawn ay hindi na ito nakatanggi pa sa binata isa pa ay kinakabahan din ito.
Bahagyang pinisil ni Marco ang kamay ni Dawn na nanglalamig, halatang kinakabahan ito.
"Just relax, I'm here." Nakangiti nitong ani sa dalaga. Kaya bahagyang huminga ng malalim si Dawn bago niya nginitian si Marco. "So, are you okey now?" Tanong nito sa dalaga.
"Yeah! I feel better now." Sagot nito kay Marco. "That's good. Let's go." Hawak kamay ang dalawang pumasok sa loob ng hotel kung saan gaganapin ang engagement ng kaibigan nila.
Dahil, hindi napasapubliko ang gaganaping engagement party ng kaibigan nila ayun narin sa kagustuhan ni Weng kaya pawang mga malalapit lang na pamilya at kaibigan ang imbitado sa naturang okasyon.
Nang marating nila Dawn at Marco ang venue ng party ay nakita nilang nandoon na ang mga kaibigan nila. Kaya agad silang lumapit sa mga ito.
"Hey men." Ani Marco sa mga ito. "Nandito na ba si Aljhon?" tanong niya sa mga ito.
"Hindi pa, malamang nagpapagwapo pa yun ng mabuti." Ani Edward sa mga ito.
"Sino naman ang nililibak niyo. Ako na naman ba?" Anang tinig na siyang kinalingon ng mga ito.
"Hey men......looking more gwapings ha!" Ani Sean.
"Ikaw talaga Sean." aniya nito sabay bulong nito kay Sean.
Habang nagkakatuwaan ang magkakaibigan ay biglang nahagip ng mata ni Brent si Weng kaya agad nitong tinapik si Aljhon. "Oh! bro look who's coming?" Ani Brent kay Aljhon sabay turo nito sa paparating na si Weng, halos hindi na niya maikurap ang kanyang mga mata.
"Bro, bibig mo tikum mo baka tumulo laway mo." bulong ni Sean dito. Kaya biglang natauhan si Aljhon at agad na sinalubong ang dalaga.
"You look so gorgeouse honey." sabay halik nito ng kanyang mga kamay.
"Thanks, you too you look handsome." Ani Weng dito na nakangiti. Agad na inakay ni Aljhon si Weng kung nasaan ang mga kaibigan nito.
"Hi guys." Ani Weng sa mga ito. "Hi! beasty." Anito at nilapitan niya si Dawn at nakipagbeso-beso sabay bulong narin na. "Beasty, kumusta kayo ni Marco?" At ngiti lang ang siyang sagot nito kay Weng. "Hi sissy Fatima, how are you?" Saad nito na agad din naman itong nakipagbeso-beso sa kanya.
"I'm good sissy." ang nakangiti nitong sagot kay Weng.
Makalipas ang halos kalahating oras ng magsalita ang ama ni Aljhon. Inanunsyo nito ang pagbubuklod ng dalawang pamilya ang Vergara at Castañeda.
Nang magpropose si Aljhon kay Weng ay nagulat ang lahat. Dahil napaka romantic nito, habang nakatayo sila ay napapalibutang sila ng candle na inilagay sa baso na naging ilaw nila sa gitna ng bulwagan.
Hindi maiwasan ni Dawn ang hindi kiligin sa bawat katagang binibitawan ni Aljhon para sa kaibigan niya. "Sana ako rin magkaroon ng boyfriend na kasing sweet ni Aljhon." Anang nito sa isip.
Habang nasa tabi ni Marco si Dawn ay hindi niya maiwasang hindi ito titigan habang nakatuon ang mga mata nito kina Aljhon at Weng.
MATAPOS magpropose ni Aljhon kay Weng ay kanya-kanya ng mesa ang mga kaibigan. Magkaharap na nakaupo sina Dawn at Marco sa isang pandalawahang set ng table. Nang biglang hilain ni Marco ang kanyang upuan at tumabi sa kinauupuan ni Dawn.
BINABASA MO ANG
A CHANCE TO LOVE YOU(Completed)
Fiction généraleAMBERS CLAN SERIES-2 MARCO ANTONIO VILLAGAS "What I feel for you, is really true. You got to know, I need you so. When you are gone, I can't go on. Can't you see, that you are the only one for me? I'm thankful the day you give me a chance to love yo...