I thought we were perfect.. I thought we were happy.. I thought he's the one destined for me.. My first serious relationship.. First man that I love.. I thought I'm the only one he love.. Maybe that's the problem.. All of it were only in my thoughts.. I was so stupid to be blinded and believe in his lies.. But why? Why did he do this to me? Am I not beautiful enough? Loving? Caring? Am I not smart enough? Maybe.. Maybe I wasn't that smart at all, because I didn't saw it coming.
*knock... knock... knock...*
"Bhe miss na kita.. Tama na yan.. Madami ka pang mahahanap na ibang lalaki dyan. Bhe it's been one week since hindi kita nakikita. Bhe don't you think it's time?" -Carla
Tumayo ako, pinunasan ko ang mga luha ko saka ko binuksan ang pinto. Nagulat si Carla nang buksan ko ang pintuan.
"I think it's time." Sabi ko saka ako ngumiti.
Gumala kami ni Carla sa mall. Nagshopping, kumain.. Kung ano ano pang pwede naming gawin na hindi ko ginawa ng isang linggo..
"Bhe by the way eto pala.." may inabot na card si Carla kay Jaeny.. "pinabibigay ni Ethan.. contact number nya, he went out of town. Masyado na raw kasing masikip ang bahay nila para sakanilang magkapatid. Tawagan mo daw sya kapag okay ka na. And Kyle keeps on calling me."
Napahinto si Jaeny nang marinig ang pangalan ni Kyle..
"Bhe sorry.. gusto mo ba bigyan ko nalang sya ng code name para di mo sya maalala. Ayaw mo ba marinig pangalan nya?" Tanong ni Carla.
"Okay lang bhe. Maybe okay na ako. Masasanay din ako."
"They're going steady na ata nung Keisha. I've seen their post lately sobrang sweet ng mga loko." Kwento pa ni Carla.
Sa mga kinekwento ni Carla.. Mas nasasaktan si Jaeny.
Akala ko okay na ako.. Akala ko kaya ko na.. Hindi pa pala.. Sabi ni Jaeny sa isip nya.
"Bhe, I think I have to go. Bigla sumakit ang tyan ko eh. Kung ano ano kasi kinain natin. Thank you bhe.. See you tomorrow." Sabi ni Jaeny at nagmadaling pumunta ng parking lot.
Mabilis syang nagdrive papunta sa bahay nila Kyle.
Mahal ko pa rin sya.. Maybe it's not yet too late kung sasabihin ko sakanyang mahal ko pa rin sya. Or maybe kung ibibigay ko sakanya ang sarili ko baka mahalin nya ako ulit. Oo. Tama. Kaya lang naman nya nagustuhan yung Keisha na yun kasi binigay nya ang sarili nya kay Kyle. Kapag gagawin ko rin yun kay Kyle, babalikan nya ako. At magiging kami ulit. Mamahalin nya ako ulit. Magiging masaya ulit kami.
Dumiretso si Jaeny sa pintuan ng bahay nila Kyle at kumatok. Binuksan ni Kyle ang pinto.
"Jaeny?" Gulat na sabi ni Kyle.
"Babe I'm sorry.. I still love you.." Sabi ni Jaeny saka nya niyakap si Kyle.
Pumasok sila sa loob ng bahay. Hinalikan ni Jaeny si Kyle. Nagulat si Kyle dahil hindi pa ito ginawa ni Jaeny sa kanya dati kaya napahakbang sya palikod. Nagkatitigan silang dalawa. Maya-maya pa, hinalikan ni Kyle si Jaeny. Halik ng pananabik sa isa't-isa. Pareho silang nakapikit. Napayakap si Kyle sa katawan ni Jaeny, at nilagay naman ni Jaeny ang mga kamay, yakap sa leeg ni Kyle.
Bumaba sa leeg ni Jaeny ang halik ni Kyle. Naramdam ni Jaeny ang kiliti at init na bumabalot sa katawan nito. Unti-unting binaba ni Kyle ang zipper ng dress ni Jaeny sa likod, at tuluyang nalaglag sa sahig ang suot nito. Tumambad sakanya ang balingkinitang katawan ni Jaeny. Pinahiga nya si Jaeny sa sofa saka sila naghalikan ulit. Hinagkan nya hanggang leeg si Jaeny. Tumulo ang luha ni Jaeny. Pinagapang ni Kyle ang kanyang kamay sa hita ni Jaeny pataas. Pero bago pa umabot ang kamay ni Kyle sa pagkababae ni Jaeny, tinulak sya nito. Saka tumayo si Jaeny at pinulot ang damit.
"Hindi. Hindi ko kaya." Sabi ni Jaeny saka sinuot ang damit.
"Babe.. iingatan kita." Malambing na sabi ni Kyle. Saka sya lumapit kay Jaeny at hinalikan sa noo.
"May mali.. Mali eh.. Hindi kita maramdaman.. Hindi ko maramdaman na mahal mo ako." Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ni Jaeny.
"sssshhhh... Tama na babe. Wag ka na umiyak.. Ituloy na natin please.." paglalambing pa rin ni Kyle.
"No.. Hindi mo na ako mahal. Kahit hindi mo man sabihin, nararamdaman ko Kyle." Pilit ni Jaeny.
"I love you. Please. Halika na."
Nagpunas ng luha si Jaeny. Lumapit sya kay Kyle. Ngumiti si Kyle sakanya at akmang hahalikan, nang kamay ni Jaeny ang sumalubong sa mukha nito. Malakas ang pagkakasampal ni Jaeny kay Kyle.
"Aray! What's that for?!" Galit na tanong ni Kyle.
"You only love me because you need me!" Sigaw ni Jaeny.
"Ano bang drama yan Jaeny? Ha? Kaya ba ganyan ka dahil kay Keisha? Dahil pinagpalit kita sakanya? Kaya ka hindi nagparamdam sakin ng isang linggo? Kaya ka ba bumabalik ngayon dahil may iba na ako?" Pikon na tanong ni Kyle.
"Hindi ito drama Kyle! Alam mo ba kung bakit biglaan akong hindi nagparamdam sayo? Dahil nakita ko kayong nagtatalik ni Keisha! Habang ako ang girlfriend mo, nakikipagtalik ka na sakanya! Kaya ba pinagpalit mo ako sakanya dahil napapaligaya ka nya sa ibang paraan? Ha?!" umiiyak nang sabi ni Jaeny.
Nagulat si Kyle sa mga sinabi ni Jaeny, "Jaeny... Babe.. I'm sorry.. I'm so sorry." Napaluhang sagot ni Kyle.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko Kyle. Sobrang sakit. Ang sakit sakit na. Pinagkatiwalaan kita ng sobra Kyle. Lagi kitang ipinagtatanggol sa mga taong nagsasabing niloloko mo lang ako. Pero tama pala sila. Minahal kita ng sobra! But you took advantage of my weakness. At ang pinakamasakit, hinayaan kitang saktan ako ng ganito!" Patuloy sa pag-iyak si Jaeny.
"I'm sorry Jaeny. Please forgive me." Lumuhod si Kyle sa harap ni Jaeny.
Tumakbo palabas ng bahay si Jaeny habang umiiyak...
BINABASA MO ANG
The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*
Teen FictionHave you already taken your Subject: LOVE101? Will you let yourself be enrolled to this subject? How much effort will you give to pass it? So... What is Love? It will always be the first question. Real definition or based on experience opinion? Are...