Chapter 19: Cheater!!!!

22 2 0
                                    

Hindi na ako makapag-concentrate sa praktis namin. Kaya nag-excuse nalang ako kay coach na masama ang pakiramdam ko.

Pagkalabas ko ng shower room dumiretso ako sa parking lot para hintayin si Kyle. Tumambay ako sa may kotse nya para siguradong magkikita kami.

Maya maya pa nakita ko na si Kyle na paparating. Mukhang nagulat sya nang Makita nya ako.. Agad nyang dinukot ang phone nya, na parang nagbasa ata ng text message, saka binalik sa bulsa nya pagkatapos.

"Hi babe? May problema ba? Maaga ata kayo ngayon?" ngiting salubong sakin ni Kyle saka nya ako hinalikan nang makalapit na sya.

"Problema? Meron. Malaki!" Galit kong sabi saka ko sya tinaasan ng kilay.

"Babe anong problema? Bakit ka galit?" Paglalambing ni Kyle.

Biglang tumunog ang phone nya. Nilabas nya mula sa bulsa nya. Agad ko namang hinablot saka ko binasa ang text.

"Okay honey. Take care sa pagda'drive. Love you." – B

Tinitigan ko si Kyle ng masama. Nangingilid na ang luha ko.. Sobrang sakit ang nararamdaman ko.. Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang sasabog na.

"So the rumors were true? May iba ka nga. And who's this B na nagtext? Bash?" Mataray kong sabi kay Kyle.

Halatang nagulat si Kyle nung banggitin ko ang pangalan ni Bash.

"Babe let me explain." Pagsamo ni Kyle.

"Explain what Kyle?? It's very clear to me Kyle! You're cheating on me! on us! How could you?!" Galit kong sabi sakanya.

"Dahil wala ka nang time! Wala ka nang time sakin! sa atin! Wala na sa akin ang atensyon mo! Lagi ka nalang busy! Kailangan ko rin ng atensyon!" Galit na rin si Kyle.

"Kaya hinanap mo yun sa iba?? Ha! Dapat sinabi mong hindi okay na nawawalan na ko ng atensyon sayo para nagawan natin ng paraan Kyle! Akala ko naintidihan mo ako! Dapat sinabihan mo ako para napag-usapan natin! Pero mas pinili mong gawin ang mali! You disappointed me Kyle! I don't deserve this!"

"Okay sige! Mali nga ang ginawa ko! Sorry kung nadisappoint kita! Pero may mali ka rin naman eh! Kung makikipag-cool off ka sakin, okay! maiintindihan ko." – kyle

"Cool off?? Wala yan sa vocabulary ko Kyle. Once nakipag-cool off ako.. Alam mo kung saan yan tutuloy." Mataray ko pa ring sagot. Saka ko sya tinalikuran paalis.

Hinawakan nya ang kamay ko at pinigilan. "Babe please.. pag-usapan natin to ng maayos.. I'm sorry .. I love you.. Please babe..Ihahatid kita pauwi, pag-usapan natin on the way, okay?" Pakiusap ni Kyle.

Pumiglas ako mula sa pagkakahawak nya sa kamay ko. "I brought my own car. I can drive myself home." Inirapan ko sya saka ako nag-walk out.

Pagkasakay  ko sa kotse ko, tuloy tuloy nang pumatak ang mga luha ko. Ang sakit sakit pala.. Ganito pala kasakit kapag niloko ka ng taong sobrang minamahal mo.

Pagkarating ko sa bahay.. Dumiretso na ako sa kwarto ko at tuluyan ng umiyak.. Kahit anong pigil ang gawin ko, tuloy tuloy pa rin ang luha ko sa pagbuhos.. Hindi ako makapaniwala sa sarili kong umiiyak ako nang dahil sa isang lalaki.. Iniiyakan ko si Kyle.. Iniiyakan ko ang lalaking nanloko sa akin.

Hindi ko namalayan sa sobrang pag-iyak ko, nakatulog pala ako. Inabot ko ang phone ko.. 9:30 na.. 18 messages received at 13 missed calls.. Lahat galing kay Kyle.. In'off ko ang phone ko saka ko binaklas at tinanggal ang battery. Bumangon ako saka dumiretso sa banyo para maghilamos ng mukha. Mugtong-mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak.

Napapaisip pa rin ako kung bakit nagawa sa akin ni Kyle to.. Akala ko sobrang mahal nya ako.. Akala ko lang pala yun..

Umupo ako sa study table ko.. "Kyle bakit mo nagawa sakin to!!!" inis kong sabi habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko..

Unti-unti kong binaba ang mga kamay ko... At napatitig sa reflection ko sa salamin na nasa harap ko.. "ano bang meron si Bash na wala ako?" tanong ko sa sarili ko..

Humanda ka Kyle.. Ipapa-realize ko sayong nagkamali kang nagkagusto ka sa Bash na yan. Project pa-beauty  pa more.. Hahah!


One of the biggest danger zone in a relationship, cheating. That's a big no no! If you really love your partner, stay away from temptation.


Kyle's POV


Andito rin pala sila Jaeny sa field ngayon.. Nakakatuwa at nakita ko sya ngayon. Nakakamiss na ang mga ngiti nya.. Nakakamiss din ang mga labi nya.. At lalong lalo na, miss na miss ko na ang atensyon nya..

Talaga tong mga to.. Ewan ko kung nagbubulungan sila pero rinig ko hanggang dito.. Mga babae talaga.. Kilig na kilig naman si Jaeny.. Hahah! Namimiss ko na rin syang pakiligin.. Yung biglang mamumula nalang ang mga pisngi nya tapos ngingiti.. Dapat nga siguro sabihin ko na.. Nagi-guilty na rin ako na naghanap ako ng atensyon sa iba. Kakausapin ko na si Bash na mali kung ano man ang meron saming dalawa at dapat nang matigil.. Agad akong nagtext kay Bash.

"meet me at the parking lot. 6:30. We need to talk."

Nagulat ako nang makita ko si Jaeny na nakasandal sa kotse ko..

Bakit kaya sya nandito? Nasa field lang sya kanina ah? 

Agad kong kinuha ang phone ko saka ko binura ang conversations namin ni Bash pati call logs. Madalian ko ring tinext si Bash. "Di na tayo tuloy. Kelangan ko na umuwi." Pagkatapos binulsa ko na ulit ang phone ko.

Pagkatapos kong tanungin si Jaeny kung anong problema, hinalikan ko sya. Grabe! Nakakawala ng pagod ang mahal ko. Pero seryoso pa rin sya saka nya sinagot ang tanong ko.. 

Galit sya. 

Kinakabahan na ako.. 

Hindi kaya nalaman na nya? 

Nilabas ko ang phone ko para I'check kung sino ang nagtext para kung sakaling si Bash mabura ko kaagad. Nagulat ako nang biglang hablutin ni Jaeny ang phone ko.. Hindi naman nya ugali ang ganon.

Nalagot na.. Ang sama nang tingin nya sa akin.. Nangingilid na ang mga luha nya.. Mas kinagulat ko nang banggitin nya ang pangalan ni Bash.. 

Pano nya nalaman?? Kanino nya nalaman?? 

Galit na galit na sya sakin.. Gusto kong magpaliwanag kaso ayaw nya akong bigyan ng chance, kaya nagalit na rin ako. Sinumbatan ko sya. Sinumbat ko sakanya ang pagiging walang time nya sakin, samin. Totoo naman kasi, puro nalang sila praktis. Bihira na kami nagkikita at nagkakasama. Wala na syang atensyon sakin. Pakiramdam ko nga textmate or callmate nalang kami, dahil lagi nalang sa phone ko sya nakakausap.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang sabihin nyang ayaw nya ng cool-off.. Makikipaghiwalay na sya sa akin.. Hindi ko yun matatanggap. Kaya pinigilan ko sya nang talikuran nya ako.. Nagmakaawa ako sakanyang pag-usapan namin. Pero galit na galit sya sakin at tuluyan na nga syang umalis.

Andami ko nang text at miss calls sakanya.. Hindi pa rin sya sumasagot.. Ano na kayang nangyari sakanya? Pumunta ako sa bahay nila pero walang sumasagot at nagbubukas. Kaya umuwi nalang muna ako. Sobrang mali ang nagawa ko kay Jaeny.

Pagkatapos ng ilang oras, sinubukan ko syang tawagan ulit. Pero unattended na..

"Jaeny mahal na mahal kita. I'm so sorry."

The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon