Chapter 33: LOVE101 Final Test

15 1 0
                                    


Kinabukasan... Pinuntahan ni Jaeny si Kyle...


"Jaeny.. Babe.." Sabi ni Kyle nang makita nya si Jaeny sa pintuan.


Nagyakapan silang dalawa, umupo sa sofa upang makapag-usap..


"I love you so much Kyle. Iniisip ko palang na maghihiwalay tayo nasasaktan na ako. Hindi ko kayang mawala ka." Sabi ni Jaeny habang tumutulo ang mga luha nito.

"Don't worry babe.. Next month will be our anniversary. Mag-uumpisa tayo ulit." Nakangiting sabi ni Kyle saka niya niyakap si Jaeny.

"Wala nang Keisha?"

"Wala na." Siguradong sagot ni Kyle.

"You promise?" Tanong ni Jaeny.

"I promise." Nakangiting sagot nito. "I love you" Saka nya hinalikan si Jaeny sa noo.


Masayang nag-kekwentuhan ang dalawa nang may kumatok..


"That's Ethan. Ngayon kasi ang balik nya." Sabi ni Kyle saka sya tumayo sa sofa para pagbuksan ang nasa pinto.

"Hi Baby!!!" Malakas na sabi nang nasa pinto.

Napatayo si Jaeny para tingnan kung sino ang dumating. Si Keisha. Nakayakap at nakahalik sa labi ni Kyle.


Nagulat si Jaeny sa nakita.


"Why are you here? Di ba pupunta ka ng bulacan ngayon?" Gulat na tanong ni Kyle kay Keisha.

"Surprise! Alam ko kasing mamimiss mo ako kaya hindi na ako tumuloy." Napansin ni Keisha si Jaeny sa likuran ni Kyle. "Pero mukhang ako ata ang na-surprise." Sabi ni Keisha saka tumulo ang luha nya. At akmang aalis na, nang pigilan siya ni Kyle.

"No baby. Don't go. Please baby. I will explain." Sabi ni Kyle kay Keisha.

"W-What??" Sabi ni Jaeny, "W-what did you just say? So kayo parin? Akala ko ba wala na? Ha Kyle?" Tanong ni Jaeny.

Hindi umiimik ang dalawa na tila parehong hindi alam kung ano ang gagawin..

"Kyle mamili ka! Ako o Siya." Lakas loob na tinanong ni Jaeny kay Kyle.

"Keish.." Bulong ni Kyle habang nakayuko.

"A-ano?? Paano na yung napag-usapan natin kanina?" Umpisa nang umiyak si Jaeny. "May hihintayin pa ba ako next month?" Patuloy na tanong ni Jaeny.

"Wala na.." Nakayuko pa rin si Kyle.

"So siya ang pinipili mo?" Tanong pa rin ni Jaeny

"Oo." Matipid na sagot ni Kyle.

"O-okay.. Maipapangako mo bang mamahalin at aalagaan mo si Keisha?" Humihikbing tanong ni Jaeny.


Tumango si Kyle.


"Alagaan mo sya ha? Goodluck sa inyong dalawa." Sabi ni Jaeny saka mabilis na lumabas ng pinto.

Nakasalubong nya si Ethan. Pinigilan sya nito, pero pumiglas si Jaeny at tuluyan nang umalis.

The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon