Chapter 1: Getting to know me

75 2 0
                                    

Carla: Bhe ano bang problema mo???

Jaeny: Ummm… wala bhe. Bakit? ^_____^

Carla: Hello! You just broke up with Mark!

Jaeny: Normal lang makipagbreak bhe.

Carla: I know bhe. I know normal lang. Pero sa mismong monthsary nyo? Hello! Sa tingin mo that is normal?? Noon kay Jap, you broke up with him on your 4th monthsary. And now this?? On your 1st monthsary?! Bhe ano ba??!! Don’t play with love like that!! Asdfghjksdfghjfsdfgh….

Jaeny’s POV

Bla… Bla… Bla…

Okay eto nanaman po ang bestfriend ko. Miss Carla Thomas, NBSB po yan kaya ganyan sya sumermon at magreact. Sya kasi yung tipo ng tao na laging hinahangad si perfect true love... Kaya madami syang sine-set na standard pagdating sa mga lalaki. At gusto nya kapag may manligaw sakanya ay old fashion panliligaw. Kaya ayan No Boyfriend Since Birth. Dapat nga ata Clara ang name nya eh, as in Maria Clara at hindi Carla.

While ako?? I’m not that kind. Nowadays, wala ng lalaki ang may gusto ng old fashion na panliligaw. Kung meron man, swerte kapag ikaw ang nililigawan. Kaya go with the flow lang ako, mapa-text, on-line or personal man ako ligawan, okay lang sakin..

But that doesn’t mean na easy to get or I’m not setting any standard ha.. May sarili lang kasi akong pinaniniwalaan like hindi naman sa panliligaw nasusukat ang perfect true love eh.. Nasusukat yun kapag may commitment na kayo sa isa’t isa. Kung anong ipapakita nyo sa relationship na bubuo-in nyo. Di ba? Di ba? Kasi ang perfect true love, niligawan ka man o hindi, kung talagang destined mapasayo, mapapasayo yan.. haaayyyy…

‘Nu ba yan! Nagiging korni na tuloy ako.. xD

Anyway, about dun sa conversation namin ni bebe Carla? Don’t judge me right away ha.. I’m not that rude naman eh.. I have reasons naman. Well, bakit ka pa mag-stay sa isang relationship kung kalokohan naman di ba? Kalokohan like this:

First scenario…

Meet Jaypee Benitez, A.K.A. Jap. He’s my first boyfriend and I broke up with him on our fourth monthsary. Why??? Ganito yun, late kasi kami natapos with our cheer dance practice. So gabi na yun, I texted him para sunduin nya ako. But instead na sunduin nya ako, mas pinili nyang samahan ang Girl Bestfriend nya para makipagmeet sa long time textmate nya! Imagine that??? Urrrgh!!

And then this one….

My second boyfriend Mark Kris Santos, Sa other university sya nag-aaral, that’s why bihira kami magkita at magkasama. Only to find out, may girlfriend din sya dun sa university nila? Hmp! That’s why I broke up with him on our First monthsary. Isn’t it exciting?? HAHAHAHAH!

Anong meron at every monthsary ako nakikipagbreak? Wala lang, para mas ramdam nila ang sakit at masayang ang effort nila. Di naman sa pagiging rude. Naniniwala kasi akong dapat minamahal ang mga babae at hindi ginagago ng mga lalaki.. Sadyang ayoko lang kasi na nagmumukha akong tanga.

If you screw Jaeny Fernandez, I’ll screw you back. I’m a lady like that. ^___<

(By the way pronounce my name as Jeyni.. Heheh!)

The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon