Jaeny's POV
Bakit ba kasi ang dami-dami kong task sa school. Kailangan ko tuloy maghabol ng oras. Gosh Jaeny late ka na sa family dinner, nakakahiya.
I'm gonna drive myself alone to Kyle's home, paano naman iniwan na nya ako. Nauna na syang umuwi sakanila dahil sa sobrang inip sa kakahintay sa akin.
At since hinahabol ko ang oras para hindi naman nakakahiya at makapag-dinner on time sa shortcut road na ako dadaan. Tinuro sa akin ni Kyle ang daanan na ito para makaiwas sa traffic jam. Medyo nakakatakot lang kasi madilim at walang bahay-bahay, pero keri na para sa isang gaya kong nagmamadali. Anyway, I got my own car here. (Yabang nang ate ;))
Driving alone on a quiet road, with a Tswift song on. Yes! makakahabol pa ako.. Wiiiihhhhh!
Oopsy! what's that????
Oh come on! ngayon pa??? In the middle of nowhere??? Really???
At tumirik na ang sasakyan ko.
Kung seswertehin nga naman ako. Agad kong kinuha ang phone ko sa bag - empty.
"Ako na ang mapalad!!!" sigaw ko sa loob ng kotse. Mangiyak-ngiyak na ako sa takot.
Paano na to mag-isa ako. Dapat hindi nalang ako dito dumaan. T____T
Dali-dali akong bumaba nang mapansin kong may nag-reflect na ilaw sa side mirror ko. May padaan na sasakyan.
Nag-slow down ang sasakyan. Infairness, ang gara ng kotse. Hindi naman siguro kidnapper 'to.
Pumarada sya sa likod ng kotse ko, saka bumaba ang driver.
Gara ng kotse, gwapo ang driver. heheh
Nanlaki nalang bigla mga mata ko nang mamukhaan ko ang driver.
"Miss, are you okay?" Tanong nya sakin.
Tumalikod ako bigla baka makilala nya ako.
"aaah.. y-yes.. aahhh.. I-I mean no.. Nasiraan kasi ako eh." pilit na ginagawang normal ang boses ko dahil kinakabahan na ako.
"Maybe I can help. Are you alone?" Tanong nya ulit.
"aaahh.. no.. I mean Yes! Yes I'm alone." Naghahanap pa rin ako ng anggulo na medyo natatakpan ang mukha ko. Pero nakatutok ang headlights nya sa kotse ko kaya hindi nakakatulong. Maliwanag ang mukha ko.
"Wait.. I know you." Sabi nya nung naaninag na nya ang mukha ko.
"No.. No you don't." Sabi ko, saka nagtakip ng mukha.
"Bakit mo tinatago ang mukha mo kung hindi?" Sabi nya.
"aahhh.. Nasisilaw ako sa headlight ng kotse mo." Sagot ko.
Lumapit sya sa akin at sinisilip ang mukha ko. Hanggang sa hinawakan nya ang kamay ko at tinanggal sa pagkakatakip sa mukha ko. Nakapikit pa rin ako nang matanggal nya ang mga kamay ko sa mukha. Unti-unti kong dinilat ang isang mata ko para silipin ang itsura nya.
Pagkadilat ko ng mga mata ko. Nakatayo sya sa harapan ko at naka-cross arms at naka-smirk ang pagmumukha.
"So it's you again. Alam mo pinag-iisipan ko tuloy ngayon kung tutulungan pa kita o hindi nalang." Mayabang nyang sabi.
"Oh well.. I've decided na.. Wag nalang. Bye." Sabi nya ulit saka tumalikod.
"Aaaahh.. no-no-no-no-no-no.. Wag mo naman akong iwan dito. Hindi ka ba naaawa sa babaeng tulad ko?" Paawa kong sabi.
"Actually... hindi." Masungit nyang sabi.
"Alam mo grabe ka!" Inis kong sabi sakanya.
"Ako pa ngayon ang grabe? Matapos mo akong ipahuli sa pulis at muntik nang makulong sa kasalanang hindi ko ginawa, tutulungan kita? No way!" Ma-pride nyang sabi.
"Sige na please.. I will pay you if you want." Alok ko sakanya.
"I don't need your money." Sabi nya saka sya tumalikod at naglakad. Maya-maya pa, humakbang sya pabalik.
"Get your bag. At sa akin ka nalang sumakay." Masungit nyang sabi.
Kinuha ko agad ang bag ko saka ko ni-lock ang kotse ko. May konsensya din pala ang lalaking to. Napapangiti tuloy ako. swerte pa rin pala ako. ^_^
Bigla nyang hinila ang kamay ko. "Bilisan mo maglakad pwede?"
Pumiglas ako "teka.. Paano ako nakakasiguro na hindi mo ako kikidnappin at pagsasamantalahan?" Sabi ko.
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko. "Ngayon naman ginawa mo akong manyak. Miss, You're not my type."
"Eh saan mo ako dadalhin?" Tanong ko.
"Sa police Station. Irereport kita dahil nagbibintang ka ng mali. It's pay back time!" Sabi nya nang naka-smirk.
Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Kinagat ko ang kamay nya hanggang binitiwan nya ako.
"Arrrraayyyy!!! Ikaw! Halika dito!!" Sabi nya saka ako hahabulin habang hawak-hawak ang kamay sa parteng kinagat ko. Hahahaha
Napatakbo ako pero nahirapan ako tumakbo sa heels ko. Kung bakit pa kasi heels ang naisipan kong isuot na sapatos. Tinanggal ko ang isa saka ko binato sakanya.
"Aray! Sumosobra ka na!" Sigaw nya sakin.
Yes! sapul! Hahahaha
Saktong may paparating na taxi. Swerte pa rin talaga ako!! hahahah
Pinara ko ang taxi saka agad akong sumakay.
"Bilisan mo manong." Utos ko sa driver.
Binuksan ko ang bintana. "beeeellllaaaatttt!!!!!" sigaw ko saka nilabas ang dila ko.
BINABASA MO ANG
The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*
Novela JuvenilHave you already taken your Subject: LOVE101? Will you let yourself be enrolled to this subject? How much effort will you give to pass it? So... What is Love? It will always be the first question. Real definition or based on experience opinion? Are...