Sa mall...
"Bhe grabe! I can't wait to see them again.. Ang babait nila. Lalo na yung mama nya. Pati rin yung papa nya. Actually, lahat sila bhe." Tuwang tuwa na kwento ko kay Carla.
"Eh di mabuti kung ganun bhe atlis di ba, hindi mo kailangan mag-adjust pa sa mga in-laws mo in the future." Nakangiting sabi ni Carla.
"Pero medyo nagtataka lang ako bhe kasi may kapatid pala itong si Kyle. Ethan daw ang pangalan eh. Pero hindi naman sya naikekwento sa akin ni Kyle. Pero nung tinanong ko ang sabi nya hindi daw sila close pero nagalit sya sa akin."
"Eh malay mo nga talaga hindi sila close bhe kaya di nya kinekwento." Sagot naman ni Carla.
"Eh kahit na bhe.. di ba dapat mababanggit at mababanggit pa rin nya sa akin yun? Kaso kahit minsan hindi eh." Pagtataka ko.
"So iniisip mo ba ngayon may tinatago sya sayo?" Tanong ni Carla
"Tingin ko nga bhe. Malay mo di--. ARAY!!! ANO BA!!!" Bigla kong sigaw nang may nabangga akong lalaki.
"Are you hurt? Sorry." Mahinahon na sabi ng lalaki.
"Obvious ba kuya? Umaray nga ako di ba???" Inis kong sabi.
"Look. Sinubukan kitang iwasan pero hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo kaya nagkabanggaan tayo." Mahinahon pa rin sya.
"So ako pa ngayon ang may kasalanan?"
"I didn't say that. Look I'm sorry. I'm in a hurry and I don't have time dealing this." Sabi ng lalaki atsaka sya umalis.
"Bhe okay ka lang?" tanong ni Carla.
"Haaaayyyy!!! Nakakainis ang lalaking yun!! Mabuti pa magmeryenda nalang tayo bhe. Ayun may ice cream oh." Yaya ko kay Carla.
"Bebe!! Bhe! nawawala ang wallet ko.. Bhe wala ang wallet ko!!" Panic mode na ako.
"Bhe baka magnanakaw yung nakabangga mo!" Sabi ni Carla.
Sabay kaming napalingon ni Carla sa likuran namin kung saan dumaan ang lalaki saka kami sabay sumigaw..
"Magnanakaw!! Guard may magnanakaw!!"
Hinila namin si manong guard saka namin sinundan yung lalaki na nagmamadali.
Pumito si manong guard kaya napalingon ang lalaki.. Gulat na gulat sya nang makita nya kami hanggang sa naabutan namin sya. Saka naman sya hinuli ng guard at ipinunta sa management ng mall.
"Ilabas mo na kasi ang wallet nya iho para hindi ka na namin dalhin sa pulis." Usisa ng guard.
"I don't have it. Kahit kapkapan nyo pa ako o hubaran nyo pa ako dito. Wala sa akin ang wallet mo." Sabi nya at masungit na ang titig nya sa akin.
"Siguro naipasa mo na sa mga kasamahan mo kaya wala na sayo! Ikaw lang naman ang bumangga sa akin kanina, kaya marahil nung nabangga mo ako dun mo na kinuha ang wallet ko. Luma na ang modus nyong ganyan!" Inis na sabi ko sa lalaki.
"Pwede ba miss! wala nga sa akin. I have my own wallet and I have my own money! Iniskandalo mo na ako, ginagawan mo pa ako ng kwento. Sumosobra ka na. I'll sue you to court!" Inis na rin ang lalaki.
"So paano iha idadala na namin to sa mga pulis?" Tanong ng guard sa akin.
Bago pa ako makasagot, biglang nagring ang cellphone ko. Pagkatingin ko si Kyle.
"Babe??? Nasaan ka?"
"Andito ako ngayon sa mall malapit sa school. Puntahan mo ako dito babe bilisan mo." Sabi ko.
"Okay. Be there in 5 minutes. Nag-alala kasi ako bigla nung makita ko sa kotse ko ang wallet mo babe....." Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na sinabi ni Kyle. Napalunok nalang ako at naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Saka ako lumingon sa lalaki.
"Ano miss idadala na namin?" Sabi ng guard.
"Ha??? ehhh.. ano po.. ahhh.. eh wag na po." Sabi ko na alam kong pinagpapawisan na ako.
"Pakawalan nyo nalang po sya. Nakakaawa kasi baka nangangailangan lang talaga sya." Kunwaring pagtataray ko sa lalaki pero kinakabahan na ako.
"I'll never forget this! I'll never forget you Jaeny Fernandez!" Galit na sabi sakin ng lalaki.
Natakot ako sa mga mata nya. "Pano nya nalaman pangalan ko?" tanong ko kay Carla.
"Bhe naka-i.d. ka." Sagot naman ni Carla.
BINABASA MO ANG
The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*
Novela JuvenilHave you already taken your Subject: LOVE101? Will you let yourself be enrolled to this subject? How much effort will you give to pass it? So... What is Love? It will always be the first question. Real definition or based on experience opinion? Are...