(Naka-Italic sinasabi sa isip lang… :D )
Canteen…
Nasaan na kaya tong si Carla??
*grog! Grog! Grog!*
HuhuHu! Tumutunog na tyan ko.. Gutom na ko.. T____T Di ko na kayang tiisin to.. mauuna na akong kumain..
Habang lumalamon ako.. este kumakain pala.. napansin ko si Kyle mukhang naghahanap ng mauupuan.. Ang cute talaga nya.. haayyy..
Malaking OO, crush ko sya.. ayoko lang pahalata.. baka kasi di na nya ako kausapin kapag malaman nyang may gusto ako sakanya.. Kaso parang gusto din ata sya ng bebe Carla ko.. Sabi nya kasi kanina sa gym habang nagja-jogging kami gusto nya si Kyle.. Kaya erase! Erase! Erase! Minsan lang magkagusto si bebe kaya magpaparaya ako.. Promise!!
Isa si Yuan Kyle Perez A.K.A. Kyle sa mga sikat sa university.. Lead guitarist sya sa banda nila kaya madami rin nagkakagusto sakanya.. Di naman sya sobrang gwapo, (cute sya sa paningin ko ^___^) sakto lang.. Ma-appeal kasi kaya kahit di sobrang gwapo, panalo! Hahah! Matangkad, maputi, sakto lang ang katawan.. May abs?? Ummm.. ewan.. di ko pa nakikita eh.. But I’m looking forward to it! Hahahaha.. Joke lang po! XD
“Pwede pa-share ng table?” Maamong sabi ni Kyle..
OMG! Makikitable si Kyle sakin.. wooo! Relax!! Wag pahalatang kinikilig! Inhale exhale! Gusto sya ni Carla kaya behave Jaeny! Behave!
“Ha? Sure.. okay lang.” relax kong sabi..
“Thanks Jaen. By the way, have you chosen any club yet? If not, maybe I could invite you to join ours? Music Club?” nakangiting sabi ni Kyle..
Kung ikaw magtuturo sakin why not.. heheh! Pero no! Jaeny kay Carla si Kyle..
“Ummm.. Thanks Kyle.. But Actually, Music is not my thing.. I already joined the Dramatics Club and Dance. Sorry.” Tumanggi ako hindi dahil kay Carla.. Tumanggi ako kasi alam kong masisira ang club nila kapag dun ako dahil ayaw sakin ng musika kahit gustong gusto kong kumanta.. :-|
Nag-ring na ang bell kaya kailangan na naming bumalik sa klase.. Bitin kwentuhan namin ni Kyle.. Pero okay lang.. Classmate ko naman sya.. heheh.. ^____^
Carla’s POV
Grabe nakakapagod ang araw na to… Buti nalang weekend na bukas makakapagpahinga ako.. Yey!!
Akalain mong classmate pala ni bebe si Kyle.. hahaha.. masaya to..
Sayang di ko natapos ang gusto kong sabihin kay Jaeny kanina na gusto ko si Kyle para sakanya if ever man na ligawan sya nito.. Si coach kasi pabigla bigla kung makasigaw.. Siguro naman liligawan sya ni Kyle.. maganda naman ang bestfirend ko.. heheh!
Iniisip ko palang silang dalawa kinikilig na ako.. hahaha! ^____^ Lalo na kanina nung nakita ko sila sa canteen na nasa iisang table.. Kilig!! Kaya di ko na nilapitan si Jaeny para magkamoment sila.. Parang getting to know each other na.. hahahah!! Gagawa ako ng way para maging sila.. Hihihi!! ^_______^
Kyle’s POV
Masaya palang kakwentuhan si Jaeny? ^___^
Ngayon lang kasi nagkaroon ng chance na makausap ko sya.. Akala ko masungit o mataray sya.. Nakakatakot kasi sya kapag tinataas nya kilay nya.. Parang kontrabida sa pelikula ang dating.. Bihira pa ngumiti sa klase parang badmood lagi.. Cute pa man din sana sya. Haayy!
Matagal ko na syang napapansin.. Hindi dahil sa classmate ko sya.. Pero kakaiba kasi personality nya kumpara sa ibang mga babae na classmate namin.. Hindi sya kikay gaya ng mga girls sa classroom na maya’t maya titingin sa salamin at magreretouch.. Di rin sya nakikipagkwentuhan sa mga girls tungkol sa boys at kikiligin kapag pinansin ng boys.. Tahimik sya sa klase pero ang ingay sa labas.. Lalo na kapag kasama yung bestfriend nya..
Pero hindi ko naman masasabing man hater or tomboy sya kasi nagkakaroon naman sya ng boyfriend.. Pero nakakatakot daw sya maging girlfriend, dahil kayang kaya nyang makipagbreak sa boyfriend nya and no second chances.. Sounds cool for me.. Parang interesado tuloy ako sakanya.. Pero medyo natatakot din ako.. Baka mapahiya lang ako kapag nagpakita ako ng motibo..
Jaeny’s POV
Grabe si Carla, di nya ako sinipot sa canteen kanina. Pero okay na rin kasi si Kyle ang nakashare ko ng table.. iiiiiihhhhhh!!!! Kinikilig nanaman ako!! Landi much!! Hahah ^_____^
At ininvite pa talaga nya ako para sumali sa club nila… nakoooooo!! Hahahaha.. SIguro may gusto yun sakin kaya nya ko ininvite.. hahahah.. hala! Sinusumpong nanaman ako sa pagiging ambisyosa ko..
Huhuhu.. Pero pano yun?? Gusto rin sya ni Carla?? T____T
Nababaliw na ata ako.. kinikilig lang ako kanina ngayon iyak iyak naman..
Pero waaaaaaaaaa!!! Huhuhuhu talaga! Di ko pwedeng magustuhan ssi Kyle.. Kaya pipigilan ko ang feelings ko.. Hindi ko dapat sya magustuhan.. Dapat di ko na sya crush alang alang kay bebe Carla..
Pero ang cute ni Kyle.. (konsensya ikaw ba yan?? xD )
No! No! No! Stay focus Jaeny! Itulog mo lang yan.. Bukas wala na yang crush crush na yan!
BINABASA MO ANG
The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*
Novela JuvenilHave you already taken your Subject: LOVE101? Will you let yourself be enrolled to this subject? How much effort will you give to pass it? So... What is Love? It will always be the first question. Real definition or based on experience opinion? Are...