Chapter 10: Sorry..

18 2 0
                                    

Kyle’s POV

*Carla calling…*

hello Carla? Napatawag ka?

“Kyle punta ka dito sa butterfly garden dali! Emergency!!” sigaw ni Carla sa phone.

Agad agad naman akong tumakbo papunta sa butterfly garden.. Anong emergency kaya yun?? Ayoko ng ganito.. kinakabahan ako.. Baka kung ano nang nangyari dun!!

Pagkapasok ko ng butterfly garden.. Hingal na hingal pa rin ako sa layo ba naman ng tinakbo ko.. Buti nalang may dala akong panyo pamunas ng pawis.. Naglakad lakad ako.. Anong kalokohan naman kaya to.. Bakit walang tao?? Puro paru-paro ang nakikita ko.. Imposible namang paru-paro ang tumawag sakin di ba??

Natuyo na ang pawis ko’t lahat wala paring tao.. Narating ko na ang gitna ng butterfly garden.. Sobrang daming paru-paro.. (malamang butterfly garden nga di ba? XD) iba’t ibang kulay pa.. Ang ganda.. Nagsiliparan ang mga paru-paro na nakadapo sa isang wall. Nagulat ako ng may nakadikit dung tarp..

I’M SORRY KYLE

Sino naman kaya ang gagawa neto?? Eh walang tao dito.. Mga paru-paro?? Astiiigg!! XD

“Did you like it? I’m sorry.” Malambing na boses ang narinig ko mula sa likod ko..

Paglingon ko si Jaeny.. Ang ganda nya.. Na-miss ko sya.. Para akong nakakita ng Dyosa.. Dyosa ng mga Paru-paro.. Ilipad mo ako aking Dyosa!! Ahahahah  Korni na!! XD

Unti-unti syang lumapit sakin at hinawakan ang mukha ko..

“I’m sorry Kyle. Sorry kung iniwasan kita ng hindi mo alam ang dahilan.” Nangingilid ang mga luha ni Jaeny.

Tinalikuran ko sya.. “umamin ka sa akin! Ikaw ba ang Dyosa ng mga paru-paro?!” sabi ko.. at nung pagharap ko tumatawa na sya..

Pinalo nya ako.. “ulul ka talaga kahit kelan.” Sabi ni Jaeny ng nakatawa.

“na-miss kita.” Sabi ko sabay magaang kurot sa ilong nya.

“I miss you too.” Sagot nya..

Jaeny’s POV

Hindi ako papayag na hindi kami magbati ni Kyle ngayong araw na to..

Babawi talaga ako.. Buti nalang andyan si Carla para tulungan ako..

Super rush na ito.. hihihih!!

Yes!! Dumating sya! Tago muna ako para mas mauna nyang makita yung apology kong tinakpan na ng mga paru-paro..

Sakto ang timing!! Nagsiliparan ang mga butterflies at nagpakita yung pinagawa kong tarp na ‘I’M SORRY’.. sana magustuhan nya.. kinakabahan ako..

“Did you like it? I’m sorry” Mahinahon kong sabi sakanya.

Di sya sumasagot.. huhuhu.. Bakit kaya?? Di nya nagustuhan??

Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang pisngi nya para maramdaman nyang sincere talaga ako..

“I’m sorry Kyle. Sorry kung iniwasan kita ng hindi mo alam ang dahilan.” Sabi ko.. Pag di pa sya magsasalita iiyak na talaga ako.. Promise!! Konti nalang.. tutulo na to.. sige ka Kyle.. huhuhuhu..

Tinalikuran nya ako.. Tutulo na talaga to.. huhuhuhuhu..

“umamin ka sa akin! Ikaw ba ang Dyosa ng mga paru-paro?!” sabi nya..

Aba siraulo talaga tong lalaking to.. ahahaha.. napatawa nalang ako sa sinabi nya.. Isang beses palang kaming nag-date pero alam nya kung paano ako patatawanin..

Haynako Kyle!! Why so smart? Hehehe..

Sa wakas bati na kami ni Kyle.. At malinaw na rin ang lahat.. Ahahahahaha..

Tapos na ang kaengotan ko.. XD

‘Jaeny still up?’ Nagtext si Kyle..

Hala 11:30 na pala.. OA kasi sa kakaisip kay Kyle eh.. Ahahaha..

‘Yep, why?’ reply ko..

‘I miss you!’ – Kyle

Si Kyle talaga oh.. Pinatalon mo nanaman ang puso ko.. iiihhh!! Grabe ka talaga..

‘Magkasama lang tayo kanina ah. Matulog ka na kaya? Baka antok lang yan.’ Di pahalatang kinikilig na reply ko.. Kahit ang katotohanan eh nagpapagulong gulong na ko sa kama.. hahahah..

‘Baka nga.. hahah. Good night Jaeny! I love you!’  text ni Kyle..

Gustong gusto ko na sagutin ang I love you nya.. Pero no!! Di pa nga sya nanliligaw eh..

‘Good night Kyle. I love you too!’ Reply ko

Oooopss!! Mabilis ang mga pangyayari!! Nai-press ko na ang send bago ko pa mapigilan ang sarili ko.. hihihih!! Landi much!! XD

*Kyle calling…*

**********************************

Writer's note: I hope nagustuhan nyo ang first 10 Chapters ng LOVE101... Salamat po ulit sa pagbabasa.. :)

Comment or Vote... Thank you!! :)

The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon