Chapter 9: The Epic Confession...

19 2 0
                                    

“Nakita nyo ba si Jaeny?” tanong ni Carla sa mga classmates ko.

“Nakita ko syang papunta ng gym kanina.” Sagot ng lalaking classmate ko.

Gusto ko muna mag-isa.. Kaya dito nalang muna ako sa gym tumambay. Kapag sa canteen panigurado makikita ko lang si Carla at Kyle. Masasaktan lang ako..

“Bhe!” sigaw ni Carla

Paano nya kaya nalaman na andito ako eh wala naman akong pinagsabihan.. Bebe spy ka ba?? Hmmm???

“Bhe ba’t andito ka? Ang hirap mong hanapin ah.. grabe!! Napagod ako dun.. Aatakehin ata ako ng asthma sayo eh..” hinihingal nyang sabi, saka sya umupo sa tabi ko..

“mmmm.. Gusto ko lang muna mapag-isa bhe.. mag-isip isip.” Seryosong sagot ko..

“tungkol san bhe? Bhe may aaminin pala ako sayo.. Pero wag kang magagalit ah?” mahinahong sabi nya sakin..

“Alam ko na yan bhe..” agad kong sabi.

“H-ha?? Alam mo na?? hala bebe sorry..” sabi nya tsaka nya ko niyakap..

“Wag kang magsorry.. ‘Nu ka ba.. Dapat nga ako ang magsorry eh..” malungkot kong sabi. Habang hinahagod ang likod nya.

Bigla syang kumalas sa yakap nya.. “Bakit naman ikaw ang magsosorry bhe??”

“Eh-kasi-alam-kong-kayo-na-ni-Kyle-tapos-pumayag-akong-makipag-date-sakanya-nung-sabado-na-muntik-pa-kaming-naghalikan-buti-nalang-naisip-kita-kaya-pinigilan-ko-sya- kundi-may-first-kiss-na-sana-ako-ngayon-at-nag-take-advantage-akong-makasama-sya-kasi-wala-ka-kaya-ngayon-iniiwasan-ko-sya-kasi-alam-kong-gusto-mo-sya-at-magpaparaya-ako-para-sainyong-dalawa-kasi-mas-mahalaga-sakin-ang-friendship-natin-at-natatakot-akong-itaboy-mo-ako-bilang-bestfriend-mo-kapag-nalaman-mo-to. Sorry bebe” Dire-diretso kong sabi kay Carla at nagtakip nako ng mukha kasi alam kong maiiyak na ako.

“H-ha??! Ano???!” sagot nya..

Sabi ko na eh ganyan magiging reaksyon nya.. Hindi ko ata kakayanin to.. Tutulo na ang luha ko nang marinig kong tumatawa si Carla..

“Ahahahahahah! Kami ni Kyle?? Ahahahahahahahaah!” sobrang tawa ni Carla.

Tiningnan ko sya.. Tumatawa nga talaga sya.. Humahagalpak talaga sya sa tawa.. Hindi ko  sya maintindihan..

“Bhe anong nakakatawa??” Naguguluhan kong tanong sakanya.

Huminga sya ng malalim bago sya nagsalita ulit.. Pero mukhang natatawa parin ang itsura nya..

“H-hindi.. ahahah.. Hindi kami.. hahaha.. ni Kyle! Hahaha!” sabi nya..

“Ha?? Ano?? Teka teka naguguluhan ako bhe??” gulong gulo na talaga ako..

“Sabi ko hindi kami ni Kyle.” Diretsong sagot nya.

“Eh di ba sabi mo nun sakin sa gym nung nagja-jogging tayo na gusto mo sya?” sabi ko.

“Ha?? Ni hindi ko nga natapos yung sasabihin ko bhe eh kasi tinawag tayo ni coach.” Paliwanag nya.

“ ‘Gusto ko sya’ kamo bhe.” Pagpipilit ko.

“May katuloy pa yun bhe.. ‘Gusto ko sya para sayo’ dapat yun bhe. Kaya lang di ko nga naituloy na sabihin.” Paliwanag nya ulit.

“Paanong hindi kayo?? Eh lagi kayong magka-chat.. Atsaka naglunch-date kayo nung Sunday.. Tapos kahapon nakita ko kayong magkahawak kamay sa corridor at sa botany garden ng magkayakap.” Pagbubuking ko sakanya.

“Bhe ‘pag magka-chat kame ni Kyle, ikaw ang topic namin. Nung Sunday hindi kami natuloy maglunch kasi wala ka, kasi ikaw ang gusto nyang makita. Yung sa corridor naman, nagpapasalamat sya kasi tinutulungan ko sya sayo. At yung sa botany garden naman, niyakap nya ako kasi napaluha sya dahil sobrang nasaktan sya nung ini-ignore at iniiwasan mo sya nang hindi nya alam ang dahilan.. Bebe ako ang nag-set up sainyong dalawa kaya close kami.. At alam kong may gusto ka rin sakanya. Kaya nagtaka ako nung bigla mo syang iniwasan.” Paglilinaw nya sa akin.

“Sinet mo kami?? So hindi kayo ni Kyle?” Paglilinaw kong tanong.

“Nope!” Sagot nyang nakangiti.

“Hala Bebeeeeee! Huhuhu mukha akong tanga bebe.. huhuhu..” mangiyak ngiyak kong sabi sakanya.

Tinawanan lang ako ni Carla.. Lang ‘ya.. iniyak iyakan ko pa ang Kyle na yan dahil akala ko sila na ni Carla.. Yun pala hinde.. Meaning totoo lahat nang pinakita nya sa akin nung nag-date kami? Iiiiiiiiiiiiiiiiihhhhhhhhhhhhhh!!!!! Kilig kilig nanaman ako!!! Waaaaa!!

Kailangan kong magsorry kay Kyle.. Kailangan kong bumawi sakanya..

The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon