Hindi pa rin sya nagpaparamdam mula kaninang hinatid nya ako.. Baka sa sobrang galit nya, iwanan na nya ako.. huhuhuhu.. T_________T
Sa totoo lang nag-aalala ako.. Nakarating kaya yun ng safe sa bahay nila? Baka kung ano nang nangyari dun kaya hindi pa rin nagtetext o tumatawag..
Sa sobrang kapraningan ko kinuha ko agad yung remote at saka ko inopen ang tv at mukhang tanga sa pag-aabang sa news..
So ineexpect ko talagang nadisgrasya sya ganun?? No!!! erase! Erase! Erase!
Anong klaseng girlfriend ako at ganyan ako mag-isip? hmp!
Ayaw ko rin naman na i-text o tawagan sya.. Sya kaya ang may kasalanan kaya kami nag-away.. hmp..
Why so ma-pride ate??
Nababaliw na ata ako.. di na ko makapag-isip ng mabuti.. Grr!!
*Kyle calling...*
Hahah! Ayan na tumatawag na sya! Yes!
*ahem.. ahem..* Para naman maganda ang boses ko.. heheh..
"Jaeny speaking.." Formal kong pagsagot sa tawag ni Kyle.
"Baby ko, I'm sorry. I'm sorry if I yelled at you. Are you still mad at me?" Sabi ni Kyle pagkasagot ko ng tawag nya.
Hindi ko maintindihan pero parang natunaw ako nang marinig ko ang maamo nyang boses.
"Hindi na po. I'm sorry too Babe." Mahinahon ko ring sagot.
"Ang sarap pakinggan kapag tinatawag mo ako nyan. I love you Jaeny. Okay na ba ang baby ko?" paglalambing nya.
"Opo babe. Pero medyo masakit pa rin kapag na ta-touch yung ulo ko."
"Kiss ko lang yan. Mawawala nay an.. ummmmmwuah!" sabi nya sa phone.
"Sira ka talaga. Babe nagselos ka kanina kaya nagalit ka noh??" pabiro kong tanong.
"Oo babe. At ayaw ko nang nagseselos ako, dahil makakapatay ako." Biglang seryoso ng boses nya..
Na speechless ako.. -______-
Ano daw?? Makakapatay?? Nakakatakot ka naman Kyle.
"Ahahahahaha! Creepy ba?? Natakot ka noh? Hahahahaha " tawa nya sa kabilang linya.
"Hindi ka nakakatawa ah.. Hindi yun magandang biro." Sabi ko sakanya.
"Hindi naman ako nagbibiro eh.. Seryoso ako baby. Because you're my one and only girl.. And what's mine is mine. Sleep ka na baby ko.. Good night.. I love you." Sabi nya sabay end ng call..
*toot.. toot.. toot..*
At naiwan akong nakatulala, hawak hawak parin ang phone at nakadikit sa tenga ko.. Seryoso sya?? Nakakatakot sya.. Lagot na.. Nakapag-boyfriend ata ako ng killer.. huhuhu..
At ang linya nyang.. "..you're my one and only girl.. And what's mine is mine.." Napaka-selfish naman nya.. Di ba dapat nagagalit ako?? Pero ewan.. Kilig ang nararamdaman ko.. Hahahaha..
"I love you too.." bulong kong sabi habang nakatitig sa phone ko..
Ilang beses na kong papalit-palit ng pwesto sa kama ko pero hindi ko pa rin makuhang antukin kaya bumangon nalang ako at kinuha ang notebook ko..
Umupo ako sa study table ko sa kwarto saka ko inumpisahan magsulat ulit..
The Courtship...
This is the stage where you can check if there is really a mutual understanding between the two of you. It's also like getting to know each other but in a deeper way. This is the chance where you can get along with each other, because before entering into a serious relationship, you must build a strong foundation first. This is also the part where you can see if the two of you really have that connection that only the two of you can understand. To prove that he/she is the one worth keeping. And to see if he/she deserve and appreciate the efforts that you do.
At this stage, you can take your time thinking before deciding, especially on the part of the girl. But girls, be cautious enough during this stage. Not only because you felt that 'kilig factor' doesn't mean you'll decide to be his girlfriend straightaway. Remember, you are still a girl and you must set your standards. It's not being hard-to-get or what we call 'pakipot', but you really have to make sure that the guy pursuing you is the right guy for you and will not take advantage on you.
Aaaaaaayyyyyyy!! Ano ba yan.. Bakit hindi pa rin ako inaantok.. Kainis naman.. Tawagan ko kaya si Carla??
"Bebe still up?" –ako
"Hindi na.. kaluluwa ni Carla to." Pilosopong sagot ni Carla
"Bebe naman ehhh.." reklamo ko..
"Malamang bhe gising pa ako.. Sasagutin ko ba naman kung tulog na ako di ba? May problema ba bhe??"
"Hindi ko alam bhe.. Pero hindi kasi ako makatulog eh.. Pero bhe nag-away kami ni Kyle kanina. Pero nagbati na rin kami bhe.. Nagselos kasi sya kay Jap.. Ito naman kasing si Jap lapit parin ng lapit.. Nasigawan pa tuloy ako ni Kyle kanina.. Sa tingin mo bhe mahal talaga ako ni Kyle?" Pag-aalala kong sabi..
"Bhe alam mo.. Nagmamahal ka na nga talaga ng seryoso kasi inaalala mo na kung mahal ka ni Kyle or hindi.. And I'm happy for that bhe.. Pero wag ka masyadong mag'alala bhe.. wag mo masyadong isipin yun baka mabaliw ka nyan sige ka.. Mahal ka ni Kyle bhe.. Magseselos ba naman yun kung hindi, di ba?" explain ni Carla.
"sigurado ka dyan bhe ah?"
"oo naman bhe.. wag ka na praning dyan bhe.. Sus si Kyle pa.. Anlakas kaya ng tama nun sayo bhe.."
"Thank you bhe.. Buti nalang at nandyan ka lagi. Love you bhe."
"Naman bhe.. Love you too.. ohsya.. matulog na ko bhe ah? Papasok pa kasi kami bukas eh.. Alam mo naman na may pineprepare kaming musical show." Paalam ni Carla.
"Sige bebe.. Thank you ulit.. good night."
Buti nalang andyan lagi si Carla at kahit pano naliwanagan ang utak ko.. Paano nalang kaya kapag wala sya sa tabi ko..
Kyle's POV
Sa totoo lang hindi pa ako inaantok. Tinapos ko nalang agad ang pag-uusap namin ni Jaeny kasi ayoko nang pag-usapan yung pag-aaway namin kanina. Hindi ko pa kasi matanggap sa sarili ko na nasigawan ko sya. Sa totoo lang nag-aalala ako.. Baka ibreak nya ako sa 1st monthsary namin.. Oo nga pala bukas na yun ah.. Wag naman sana.. Kung bakit naman kasi kinakausap pa nya yung Jap na yun.. May pa-bulaklak bulaklak pa syang nalalaman.. Ito namang si Jaeny tinanggap pa.. Hindi ko tuloy naiwasan magselos.. Nakakapang-init kaya ng ulo.. Pagod ka tapos yun ang sasalubong sayo.. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ganun.. Sana lang naintindihan ni Jaeny kung bakit ako nagalit.
Naawa ako sakanya nung umiiyak na sya. Gusto ko syang yakapin pero sobrang galit at selos kasi ang naramdaman ko kanina kaya pinigilan ko muna ang sarili ko.. Pero hindi ko akalaing dahil sa pagkauntog nya ang iniiyakan nya at hindi ang pagsigaw o pag-aaway namin. Kakaiba din talaga ang naging girlfriend ko.. Pero totoo kayang yun nga ang iniyakan nya? Baka naman ginawa lang nyang dahilan yun? Hindi tuloy ako mapalagay. Natatakot kasi akong iwan nya ako.. Alam ko sa sarili kong mahal ko na talaga sya.
Kaya babawi talaga ako sakanya bukas sa monthsary namin. Ayoko kong iwan nya ako. Hindi ako papayag na dahil lang sa isang away kami maghihiwalay.
BINABASA MO ANG
The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*
Novela JuvenilHave you already taken your Subject: LOVE101? Will you let yourself be enrolled to this subject? How much effort will you give to pass it? So... What is Love? It will always be the first question. Real definition or based on experience opinion? Are...