Hingang malalim Jaeny.. Relax.. wag masyadong excited..
Di ako mapakali habang naghihintay ako sa front door namin.. Halata bang excited?? Sobra na kung makatalon ang puso ko.. kulang nalang tumagos sa dibdib ko.. Kinakalma ko ang sarili ko…
*Beeeeeeeeeeeeppppp!!!!!!*
“Ay kabayo!!!” gulat kong sambit.. bigla bigla namang bumubusina ehh..
Agad naman akong lumabas.. di talaga halatang excited?? Hahah
Sa park kami dumiretso ni Kyle.. So anong balak nya?? Maglalambitin kami sa monkey bars?? Mag-i-slide?? Sasakay sa see-saw?? Hello!! Naka-skirt kaya ako!!
Pinagbuksan nya ako ng pinto sa kotse nya.. In fairness, gentleman..
“Tara na.. Dali na..” sabi nya ng nakangiti..
“Ha? Saan??” pagtataka ko..
“Hinihintay ka na ng mga kalaro mo oh.. bilis.. maglambitin ka na rin sa monkey bars.. uyyy!! Nahiya pa sya oh..” pang-aasar nya sakin..
“ulul mo!” sagot ko, tinaasan ko sya ng kilay saka ko inirapan.
Tinalikuran ko sya habang nakasimangot..
“Joke lang.. ito naman di mabiro.. halika na.. wag ka na sumimangot dyan.. di mo bagay.” sabi nya ng nakangiti sakin.
Nilingon ko sya.. mas cute sya kapag nakingiti.. Nakakalusaw.. ^____^
“San na then tayo pupunta??” sabi ko..
“Sa monkey bars nga maglalambitin!! Ahahahahah” tawa nya..
“Nakakaasar ka talaga!! Uuurrrgghh!!!” pinalo palo ko sya sa braso..
“ahahah.. aray! Aray! Tama na.. Biro lang.. ahahaha..” tumatawa nyang sabi sabay salo sa kamay ko nang papaluin ko sana sya ulit..
Napahinto ako nang masalo nya ang kamay ko. Ibinaba nya sabay hinawakan ang kamay ko na parang lovers holding hands.. iiiiihhhhhh!!! Sobrang kilig!!! Promise di na ako makapagsalita.. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa sobrang kilig!! Hahaha.. waaaaa!! Hawak ni Kyle ang kamay ko!!!! Woooohoooo!! ^__________^
Pinunta nya ako sa isang tahimik na parte nung park.. malapit sa may pond.. ang ganda ng ambiance, perfect for a romantic date. At may naka-set na dati dun na picnic blanket and basket.
“Stay there.” Sabi nya at nilapitan nya ang isang bata.. kumuha sya ng pera sa wallet nya tsaka binigay sa bata.. Pagkatapos ay binalikan nya ako.
“Ayos ba? Maaga akong pumunta dito para iset-up to. Kinontrata ko pa yung bata para magbantay dito. Perfect ba tong pwesto natin?” sabi nya sabay kindat na parang nagpapa-impress.
BINABASA MO ANG
The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*
Fiksi RemajaHave you already taken your Subject: LOVE101? Will you let yourself be enrolled to this subject? How much effort will you give to pass it? So... What is Love? It will always be the first question. Real definition or based on experience opinion? Are...