Chapter 18: The Revelation

21 2 0
                                    

"Jaeny.. Gising na dyan.. Wala ka bang balak pumasok sa school?" – ate Beth

"Hmmm.. ate beth antok pa ko.." reklamo ko..

"Antok antok.. bumangon ka na dyan.. Binilin sakin ni Kyle na gisingin ka ng alas sais.. Kapag ayaw mo daw bumangon, bubuhusan daw kita ng isang basong malamig na tubig.. At hulaan mo kung anong hawak ko.." Pang-aasar na sabi ni ate beth.. "eto na ibubuhos ko na sayo.. isa.. dalawa..."

Dumilat agad ako nang marinig ko si ate beth na nagbibilang.. Nakakainis talaga ang Kyle na yun.. Teka.. nasaan na nga pala yung Kyle na yun??

"Tat-" – ate Beth

"Teka! teka! teka! ate.. eto na babangon na po.." Agad akong bumangon habang nakatakip ako sa mukha. Baka biglang ibuhos ni ate yung malamig na tubig eh.. Mahirap na..

"Oh eto.. inumin mo na.. At maligo ka na pagkatapos.." sabay abot sakin ni ate ng hawak nyang baso..

Tiningnan ko.. Gatas?? Sabi nya malamig na tubig to.. Hmp!! Naisahan nanaman ako ni ate!!

Pagkalabas ko sa gate namin, andun na si Kyle.. iiiiiiihhhhhh!!!! Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi.. May first kiss na ako.. Waaaaaaahhh!!!! Di ko maitago ang ngiti ko.. ^____^

Pagkasakay namin sa kotse nya.. "Babe may sakit ka? Bakit namumula ka??" pag-aalala nyang sabi..

"Ha?? Wala ah.." Sabi ko agad.

"O baka naman kaya ka namumula eh may naalala ka.." nakakaloko nyang ngiti sakin sabay kindat.. "Halika nga dito." Sabi nya sabay halik sakin..

Tinulak ko sya.. "Late na tayo.. tara na kaya.. Ang aga aga, ang landi landi mo." Sabi ko sakanya saka ako tumawa..

****************************

.....6th month.....


Habang tumatagal ang relasyon namin ni Kyle mas nararamdaman kong mas minamahal ko pa sya.. At napatunayan ko nga yan pagkatapos kong basahin ang notebook ko before. In fairness, ramdam ko ang pagsusulat ko.

Wala naman kami masyadong naging problema sa first 3 months namin ni Kyle.. Siguro kung meron man kaming mga pagtatalo eh yung mga konting selos, pagiging ma-pride namin minsan.. O hindi naman ay kapag nagkakapikunan kaming dalawa hanggang nauuwi sa away..

Masasabi kong hindi pa nga kami ganun ka-matured sa pag-take nang relasyon namin pero we're working on it..

Alam ko at naiintindihan naman naming parte ng relasyon ang nagkakatampuhan o away. Ang importante lang walang susuko saming dalawa.

Sa ngayon pareho kaming busy sa pagprepare para sa intramurals namin.. Puspusan na rin kami sa practices dahil seniors na kami at last year na namin ito sa high school life kaya sinusulit sulit na namin.

Hindi na rin kami madalas magkita ni Kyle.. siguro twice a week nalang.. Kahit weekend kasi may practices kami.. Pero lagi naman kaming nag-uusap sa phone at nagkakamustahan para hindi parin namin ma-miss ang isa't isa..

Aminado akong wala talaga akong time para magkasama kami. Pano naman pagkatapos ng klase practice agad sa gym until 8 pm. Hindi na rin naman nya ako magawang sunduin dahil pagod din sya.. Hindi ko na rin sya nabibigyan ng atensyon minsan  pero pambawi ko nalang ang hindi pagtatampo at pang-aaway sakanya. Naipaparamdam pa rin naman namin sa isa't isa ang pagmamahal namin.. ^___^

 "Okay everybody listen.. gagamitin ngayong gabi itong gym so hindi tayo pwedeng magpractice dito.. Dun muna tayo sa field tonight. anyway maliwanag din naman doon." Sigaw ni coach.

"Okay coach." Sabay sabay naman naming sagot.

Sa totoo lang ayokong nagpapraktis dito sa field.. Andami kasing tao.. Habang nagwa-warm up kami sa field nakita ko si Kyle andun din kasama si Carla.. Kumaway si Carla sakin. Todo nanaman ang ngiti nya.. Ang taas talaga lagi ng energy ng bestfriend ko. Nagbago na pala ang isip ko.. Gusto ko na dito magpraktis.. hahah

"Uuuyyyy.. Jaeny.. Ang sweet naman ni papa Kyle.. Napaka-supportive sa girlfriend.. Pinuntahan ka pa talaga nya dito ahh.. ayiiiihhhhh!!!" panunukso ng mga kasama ko sakin..

"Huy ano ba mga te.. hinaan nyo naman yang boses nyo. Baka marinig nya.. Mahalata nya mamayang kinikilig ako.." bulong ko sakanila.

Nagtatawanan kami ng mga kasama ko nang may lumapit sakin na bading.. Barkada ata ng isa kong kasama sa cheering.

"excuse me.. Girlfriend ka ba ni  Kyle? Yung lalaki dun oh." Sabi nung bakla sabay turo kay Kyle.

Nakangiti akong sumagot sakanya. "Oo boyfriend ko sya.. Bakit? Type mo noh?" Tukso ko sa baklang lumapit.

"Ah hinde.. May jowa kaya ako.. Hinde, nakikita ko kasi sya laging pumupunta sa room namin  every break time.. Dinadalaw nya yung classmate kong si Bash. At pinagmamayabang kasi nitong Bash na to na jowa daw nya si Kyle. Wa ko kasi bet yung Bash na yun, kaya nung marinig kong tinutukso ka nila kay Kyle, nilapitan kita." Maarteng sabi nung bading.

Nawala ang ngiti ko sa mga narinig ko.. "Gaano na daw sila katagal? Alam mo ba" tanong ko..

"Ayon sa source ko 3 weeks na daw sila.. Te walang halong echos tong sinasabi ko sayo ah?" paliwanag pa nung bakla.

"Ah ganun ba? 6 months na kasi kami. Anyway, thanks ha." Pilit kong ngiti sa bakla. Nilingon ko si Kyle kung nandun pa sila ni Carla pero umalis na sila.

"Mas shutiful ka naman kesa kay Bash te. Go girl!" Sabi sakin nung bading bago rumampa paalis.

Hindi pa rin ako makapaniwalang may iba si Kyle.. Ayokong paniwalaan yung bakla pero hindi ko malilinaw to hangga't di ko nakakausap si Kyle. Hindi ako mapalagay.. Galit ako.. Galit ang nararamdaman ko at sakit.. Naiinis ako kay Kyle.. Pano nya nagawa sakin to.. Hindi naman ako nagloloko sa relasyon namin ah.. Sya lang naman ang nag-iisang minamahal ko ng sobra sobra..

Puro tanong na ang umiikot sa utak ko ngayon.

The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon