Chapter 12: That awkward or kilig moment??

26 2 0
                                    

Jaeny's POV

Silip.. Lingon sa kanan... Lingon sa kaliwa... Okay clear!!

*lakad... Lakad... Lakad...*

Silip ulit… Lingon ulit sa kanan... Lingon sa ulit kaliwa... Okay clear!!

*lakad... Lakad... Lakad...*

Shemsss… Ano ba to?? Para naman akong spy or secret agent kung makapagtago.. Bawat likuan ba ng school ganito ang gagawin ko.. Haynako! Basta dapat di kami magkita ni Kyle ngayon.. Hindi pa ko ready makita sya.. Atsaka di ko alam ang sasabihin..

Silip ulit…

“H’wag ka mag-alala.. walang tao…” bulong ng nasa likod ko..

“Good! salamat..” Sabi ko.. Pero bago pa ako makahakbang.. Parang pamilyar sakin ang boses na yun ah.. Lingon..

Waaaaaaaa!!! Si Kyle!!!!

“Aaaaahhh! Hi!!” Sabi ko.. kaway at ngiti sabay takbo ng mabilis..

 “Hoy Jaeny san ka pupunta??!” Sigaw ni Kyle..

“Ha?? Sa ano!! Byeeee!!!” Sabi ko at dire-diretso akong tumakbo hanggang marating ko ang CR..

Huhuhuhuhu! Hindi ko talaga alam kung paano ko haharapin si Kyle?? Anong sasabihin ko di ba??

Ano ba Jaeny.. Why so maarte??? Ummm??

Narinig kong nag-ring na ang bell para sa first subject namin.. Kaya pumasok na ako ng classroom..

Ayos! Wala pa kaming teacher! Hahah..

Di ko magawang tumingin sa bandang likuran kung saan nakaupo si Kyle.. Alam ko kasing nakatingin ito sakin.. I can feel it!! Hahah..

Pag-upo ko sa upuan ko may nakita akong note sa ibabaw ng arm chair ko..

I hope this will make you smile. :) Look under.

-Kyle

Kinapa ko ang ilalim ng armchair ko.. Ayokong silipin para hindi naman daw halata.. heheh.. May nakapa akong bulaklak.. tinanggal ko mula sa pagkakadikit.. Umupo ako ng maayos para tuluyang nakatalikod na ko kay Kyle.. Saka ko inamoy at ngumiti.. iiiiiihhhh!! Kilig much nanaman ako sa umagang to.. hahaha.. inspired nanaman akong mag-aral nito.. Hihih..

Pagdating ng break time hinanap ko agad si Carla para ibalita sakanya ang surprise ni Kyle sa akin.. Pero hindi ko sya mahagilap sa Canteen.. May lumapit sa akin na classmate nya at sinabing nasa gym daw si Carla.. Dun nalang daw kami magkita dahil may special assignment daw na pinagawa sakanya.. Kaya dumiretso na ako kaagad sa gym..

Excited nanaman ako magkwento.. Hindi matanggal ang ngiti sa mukha ko.. hahahaha.. hanggang ngayon kinikilig pa rin ako.. ang simpleng effort pero sagad to the bone marrow agad ang kilig ko.. ^_____^

“Carla!! Carla!!” Sigaw kong nakangiti (na halos abot tenga ko na) pagkapasok ko ng gym..

Pero walang tao?? Baka nag-cr lang yun saglit.. Hintayin ko nalang..

“Hoy Jaeny Fernandez!!” Biglang may sumigaw sakin…

Ay kabayo!! Sino naman kaya tong ulul na to.. ANg yabang naman para sigawan ako.. Pero sa totoo lang kinakabahan ako.. huhuh..

“Sino ka?? Ang yabang mo ah!!” Sigaw ko rin at nagpalingon-lingon..

“Ha?? Ako mayabang??” Sagot nya at bigla ko nakita sa Kyle sa may bleacher nakangiti sya sakin..

Ang cute nya.. ^___^

“Ba’t nandito ka?? Asan si Carla??” Tanong ko sakanya..

Nilabas nya ang phone nya at nilagay sa tenga nya..

“Hello Carla?? Andyan ka ba??  The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try again later. Toot.. toot.. toot..” sabi nya sa manipis na boses..

Biglang nag-init ang buong mukha ko saka ko naalala yung ginawa ko sakanya nung pinipilit ako ni Carla na kausapin sya sa phone. Iiiiihhhh.. Nakakahiya!! Carla!!!! Lagot ka sakin!! Grr!!

“Oh ba’t namumula ka dyan?” Tanong ni Kyle habang pababa sya ng bleacher..

“Hindi ako yun ah??” Sabi ko sakanya..

“Ang alin?? Defensive ka ata masyado Jaeny?” Sabi nya.. at malapit na sya sakin..

“Sorry na oh.. Di ko sinasadya.. Pinipilit kasi ako ni Carla na kausapin daw kita pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya ko ginawa yun..” sabi ko ng nakasimangot at nagpapaawa effect.. Malay mo tumalab.. heheh

Nang makalapit sya sakin… Tinitignan nya lang ako.. Pero patuloy pa rin ako sa pagpapaawa effect ko.. “Oo na.. Naintindihan ko.. Pasalamat ka mahal kita..” Sabi nya sabay hila sakin at niyakap nya ako..

OMAYGAS!!!! Grabe na to.. waaaaa!! I can hear his heartbeat sa sobrang dikit ng mukha ko sa dibdib nya.. hmmmmm!! Ang bango bango nya.. hihihihi.. *singhot* *singhot* hihihihi.. ang bango talaga!! XD

“Masyado mo nang ineenjoy.. Minamanyak mo na ata ako eh..” sabi nya sakin..

Hindi ko namalayang hindi na pala sya nakayakap sakin at kusa na palang nakadikit ang mukha ko sa dibdib nya.. Awkward! XD

“Hindi a.. Medyo masakit lang kasi ang alo ko kaya hinayaan kong isandal muna sa dibdib mo..” Palusot ko sa kunwaring hawak sa ulo ko..

“Sige na nga.. Oo nalang kahit alam kong enjoy na enjoy ka sa paglanghap ng amoy ko.” Sabi nya ng nang-aasar..

“Meet me at the parking lot after class.” Preskong sabi ni Kyle atsaka sya umalis..

So yun na yun?? Pagkatapos nya akong sigawan?? Ang yabang ata ng aura nya ngayon?? Mmm?? Ano kaya nakain ng lokong yun?? Hmp!

The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon