Chapter 5: Let's have a date

34 2 0
                                    

Maya maya pa dumating na si Carla sa bahay.. Sasabihin ko kaya kay Carla na may gusto rin ako kay Kyle??

Wag nalang.. Baka magalit yun sakin.. Mag-away pa kami.. Ayaw ko nga mangyari yun..

“Bebe!!!” Masayang bati sakin ni Carla sabay yakap at beso..

Dumiretso kami sa sala na may nakahanda nang meryenda.. Napapaisip pa rin ako kung sasabihin ko ba o hinde??

“Bhe may sasabihin pala ako sayo..” Sabi ni Carla..

Bakit kinakabahan ako?? Wag mong sasabihin na mahal mo na si Kyle.. Please lang!! ikamamatay ko!

Ish!! Ang drama ko nanaman.. OA!! XD

“Nag-quit na pala ako sa Dance club.. Pano kasi yung asthma ko di talaga nakikisama sakin kaya pina-quit na ako ni mommy..” –carla

“Pano yan bhe? Di na kita makakasama sa Dance.. Aaahh.. bebe mamimiss kita kasama sumayaw..” sagot ko sabay yakap kay Carla.

“Ano ka ba bhe.. andrama mo talaga kahit kelan.. Magkasama naman tayo sa Dramatics noh.. Kaya di natin mamimiss ang isa’t isa.. Sumali na rin ako sa Music Club bilang kapalit ng pag-quit ko sa Dance.. Sayang din kasi yung talent ko sa pagkanta.” Nakangiting sabi nya sakin.

Nabigla naman ako sa sinabi ni Carla? Music Club?? Meaning…

“At na-meet ko na pala si Kyle bhe.. Kahapon nung pumunta ako dun.. Ang cute nya pala talaga noh bhe? Tapos ang bait pa, friendly.. Nagkasundo ko nga sya kaagad.. Katunayan magka-chat pa kami kagabi.” nakangiti pa rin si Carla.

“H-ha?? A-aah oo bhe.. Mabait talaga yun..” Tipid na sagot ko sakanya..

Close na agad sila?? Agad?? Magka-chat pa??? T___T

Wala na.. Wala na talaga akong pag-asa!! I’m doomed!!! T_____T

“Bhe okay ka lang? Ba’t parang di ka masaya na nakapag-adjust na ako sa club nila Kyle?” pag-aalalang tanong ni Carla..

“H-ha?? Di ah.. I’m happy for you bebe! :) Buti naman naging okay ka kaagad dun!” Sagot ko kay Carla..

Okay I’m guilty! Fake yung happiness ko.. Sila talaga ni bebe Carla ang meant to be.. Bakit bestfriend ko pa ang karibal ko?  Huhuhu.. Pakiramdam ko traydor akong bestfriend dahil sa pagsisikreto ko sa bestfriend ko.. T______T

Biglang tumunog ang phone ni Carla, binasa nya ang text..

“Bhe kailangan ko ng umuwi.. May lakad pala kami ni mommy.. Nakalimutan ko.. Next time nalang ulit tayo labas ha??” tumayo na sya at bineso nya ako.. atsaka umalis na..

Nakakapagtaka naman yun?? Bigla biglang may conflict sa schedule nya.. Ngayon lang ata nangyari yun.. Hmmm??

Okay mag-isa ko nanaman dito..

Hala! May katext pala ako! Bigla kong naalala si Kyle..

*4 messages received*

‘Jaen, stil der?’

‘na-offend b kta s rply ko?

‘if u wnt it 2 b a date it’s ok w/ me. I’ll pick u up at 4pm.’

‘Jaeny I’m sorry.’

Hala! Date daw?? Date!! Hihihihi..

‘slr.. 4pm? Ok.. see you! :)’ simpleng reply ko..

Pero di ko talaga maitago excitement ko.. di na ko makapaghintay.. iiiiiihhhhhh!!!!

Isang date lang talaga to.. susubukan ko lang makasama si Kyle and then di na mauulit.. Nagkakaayos na sila ni Carla.. Isa lang talaga.. Promise! XD

Kyle’s POV

Ang kulit at ang daldal naman pala talaga ni Carla kaya madaldal din si Jaeny pag nakikita kong magkasama sila.. Pero bakit kaya bigla syang lumipat sa club namin?

Ka-chat ko pa si Carla kagabi pinipilit nya akong paaminin na may gusto daw ako sa bestfriend nya kasi lagi daw nya akong nakikita na nakatingin kay Jaeny..

Magdadahilan pa ba ako?? Syempre umamin na ako na gusto ko nga ang bff nya.. Kaya tutulungan nya daw ako.. at ibinigay pa talaga nya sakin ang number ni Jaen..

Umaga palang tinext ko na sya.. Ayaw ko man aminin pero napangiti ako nung nagreply sya.. Pero ayokong ipahalatang gusto ko sya.. Natatakot ako.. Baka di nya ako pansinin pag nalaman nya..

Kinabahan ako nung di sya nagrereply sa mga text ko.. Kaya tinext ko agad si Carla na di nagrereply si Jaen nung niyaya ko lumabas. Ano kayang ginawa ni Carla at nagreply agad si Jaen?

Makakasama ko sya mamaya kaya dapat presentable ako..

The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon