Chapter 14: It's Official! ^__^

26 2 0
                                    

Lakas ng after effect ng pagpapakilig sakin ni Kyle.. Ang aga ko nagising ngayon ah.. Hahaha.. Taas ng energy ko!! Wooooohh!! Yeah! Hahahah..

“Ate kain na tayo..” Tawag ko kay ate Beth para mag-almusal na kami.. hindi kasi ako sanay na hindi kami nagsasabay kumain sa bahay..

“O eto may nag-iwan sa gate natin..” sabi ni ate Beth sabay abot ng hawak hawak nya..

Binasa ko muna yung card bago ko binuksan…

GOOD MORNING SWEETIE! :)

Napangiti ako pagkabasa ko.. Kinikilig nanaman ako.. Ang sweet sweet talaga ni Kyle.. ^____^

Chocolate sa umaga?? Ang sweeeeeeeeet!!!! ^_____^

Excited na tuloy ako pumasok para makita si Kyle!! Aga aga.. Landi landi! XD

Biglang tumunog cellphone ko..

*Kyle calling…*

“Oh? Thanks sa chocolates. Ang aga napatawag ka?” Pagsagot ko sa tawag.

“Sabay tayo pasok ng school? Sunduin kita?” Tanong ni Kyle..

“Sobra ka naman pala manligaw.. Wag na papahatid nalang ako..” Sabi kong ngiting ngiti..

“Okay sabi mo eh.. See you then.” Sabi ni Kyle. Saka nag-end ang call.

Pagkatapos ng ilang ikot ko sa salamin ayan ready na kong pumasok.. XD

“Jaeny hindi makalabas ang kotse.. May nakaharang na sasakyan sa labasan eh..” Sabi ng Driver naming.

“Ha? Eh sino naman po ang sira ulong haharang sa gate?” Sabi ko saka ako lumabas para tingnan..

Nakita ko si Kyle nakasandal sa kotse nya..

“Ang tagal mo naman.. Halos mabagot na ko rito.. Late na tayo oh.” Sabi nya sabay tingin sa relo..

“Eh sino ba kasi nagsabing sunduin mo ko?” Pagtataray ko nanaman sa pagrereklamo nya..

“Ako.. Sakay ka na.” Sabi nya sabay bukas ng pinto sa front sit.

Sumakay ako ng nakasimangot..

Kainis tong siraulong to.. Parang di nakakaintindi..Sinabi ko na ngang wag ako sunduin pumunta pa rin dito.. Tapos magrereklamong late na kami.. Ako pa ngayon ang may kasalanan?? Nakakainis talaga to.. Pero ang sweet nya. At cute pa rin kahit nagsusungit.. ^___^

“Alam mo hindi mo bagay.” Bigla nyang sabi habang nagmamaneho.

“Tong suot ko??” Sabi ko naman ng nakasimangot pa rin.

“Ang nakasimangot. Ngiti ka nga..” Sabi nya saka nya ko nginitian..

Haynako tong lalaking to magulo talaga.. Malamang sisimangot ako e ako ba naman sisihin nya kung bakit kami male-late.. Tapos ngayon gusto nyang ngumiti ako.. Siraulo ata talaga si Kyle.. Grrrr..

Hindi ko iniimikan si Kyle hanggang makarating kami ng school.. Naiinis pa rin ako sakanya..

“Thanks.” Sabi ko sakanya pagka-park nya ng kotse. Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa classroom naming.

“Welcome!” Pang-aasar nyang sigaw nang makalayo na ako..

Hindi kona sya nilingon.. Asar talaga ako sakanya..

Hanggang sa classroom hindi ko parin sya pinapansin.. Hanggang dismissal na ng hapon.. Pero sinabihan nya akong ihahatid daw nya ako ulit pauwi.. Sinabi pa nyang maghihintay sya..

Maghintay ka sa wala! Sabi ng isip ko.

Pagkatapos ng last subject namin.. Nauna na kong lumabas ng classroom alam kong lalapitan nanaman kasi nya ako..

Ayun na sya nakasandal sa kotse nya habang hinihintay ako.. At eto naman ako nakatago likod ng malaking puno na parang ewan..

5:15 PM.. Naghihintay parin sya..

5:30 PM.. Hindi pa rin sya umaalis.. naghihintay pa rin sya..

5:45 PM.. Aba talagang maghihintay nga ata sya..

6:00 PM.. Nabagot na rin ako maghintay kaya nilapitan ko na sya..

“Bakit ang tagal mo?! San k aba pumunta?! Sa tingin mob a nakikipagbiruan ako sayo?!” Galit sya..

Nagulat ako sa bigla nyang sinabi.. Nakakatakot ang mga mata nya.. Parang tiger eyes.. Rawr!! Nakakatakot pala sya kapag galit.. Pero gwapo pa rin.. XD

“Kyle you know what.. Just stop.. Wag mo ng ituloy ang panliligaw mo.” Seryosong sabi ko..

Bigla namang nag-iba ang expression ng mukha ni Kyle pagkarinig ng sinabi ko..

“W-What?? Look Jaeny, I’m sorry if I yelled at you.. I’m sorry..” Sabi nya saka nya ako niyakap ng mahigpit.. Patuloy pa rin nyang sinasabi ang I’m sorry..

“Itigil mo na Kyle.. Kasi simula ngayon sinasagot na kita.” Sabi ko sakanya..

Napatigil sya saka kumalas sa pagyakap sakin.. hinawakan nya ang dalawang balikat ko.. “What did you say??” Di makaniwalang tanong nya sakin..

Nakangiti naman ako sakanya.. “Girlfriend mo na ako.. at boyfriend na kita.”

“R-Really?? Yes!! Yes!! Yes!! Hoooo!” Sabi nya habang patalon talon na  parang bata.. ^____^

Pagkatapos magtatatalon lumapit ulit sya sakin.. “I love you so much Jaeny.” Sabi nya habang nakatitig sa akin..

“I love you too Kyle.” Sabi ko naman saka nya ko niyakap..

The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon