Finally... Nakarating din ako..
Feel na feel ko namang bumaba sa taxi.. Mala pelikula kung saan ang bidang seksing babae ang focus ng camera at naka-zoom sa paa, pataas sa legs, sa balingkinitang katawan hanggang sa mukha. At nag-i-slow motion ang lahat..
Pagsayad ng dalawang paa ko sa kalsadang tapat ng bahay nila Kyle.. Naramdaman ko nalang ang magaspang at malamig na texture ng kalsada sa talampakan ko, na tila gumapang pa ang lamig hanggang sa likuran ko..
Napataas nalang ako ng kamay na parang humihingi ng milagro..
"Lord ano po ba ang ginawa kong kasalanan at naging ganito ang araw ko??? Paano na to? Anong sasabihin ko sa magulang ni Kyle kapag tinanong kung nasaan ang isang sapatos ko?? Ano?? 'bumili po kasi ako ng sapatos sa mall kanina. 1000 pesos po isang pares. 500 lang po dala ko kaya, isang sapatos lang ang binigay.' Yan?? Sinong tanga ang maniniwala sa rason na yan ha Jaeny??? Why Lord?? Why???"
Sabi ko sa isip ko habang nag-eemote..
At nagdesisyon na ako.. "Magpapaa nalang ako. Lakasan nalang ng loob. Bahala na kung anong sasabihin nila.."
Bumuntong hininga ako saka ko tinanggal ang isang sapatos ko..
"Bye bye baby sana mahanap mo ang pares mo." Malungkot at mangiyak-ngiyak na bulong ko sa pinakamamahal kong sapatos na hawak ko, saka ko binato sa bandang likuran ko, baka maiyak pa ako kung idadala ko pa sa basurahan.
Napalingon ako nang may maaninag akong anino sa bandang likuran ko..
"Haaaa!!! Bakit nandito ka!!!??" Napatalon ako sa gulat nang makita ko ang lalaking humabol sakin kanina.
Hawak nya ang ulo nya. Nasa harapan nya ang tinapon kong sapatos ko.
Ay baka natamaan sya. Hahaha buti nga sakanya! Sabi ko sa isip ko.
"YOU!!! Masakit yun ah!!" Sabi nya habang kinakapa ang ulo kung may bukol o sugat man. Binitiwan nya ang pares ng sapatos ko.
Dali-dali ko namang kinuha sa harapan nya saka ako tumakbo...
"Hey!! Come back here!!!" Sigaw nya sakin..
Tumakbo ako habang hawak-hawak ko ang sapatos ko, hanggang makarating ako sa gate nila Kyle. At saktong lumabas si Kyle, siguro para abangan ako sa labas.
"Baaaaaaabbbeee!!!" Sabi ko nang pasigaw..
"Bakit? Anong nangyari sayo? Akala ko dala mo ang kotse mo? Bakit ka tumatakbo? Ng nakapaa???" Tanong nya sa akin na parang gulat.
"May humahabol sa akin." Hinihingal kong sabi..
"Ethan!" Sabi ni Kyle nang makita kung sino ang nasa likuran ko. Hawak pa rin nya ang ulo nya.
"Magkakilala kayo?" Gulat kong tanong.
"Sya ang dakila kong kapatid." Bulong ni Kyle sakin.
Lumingon ako ulit para tingnan ang lalaki. Naka-smirk sya sakin.
Iiiiiiihhh.. Nakakatakot sya.
Naglakad sya na parang walang nangyari saka kami nilagpasan.
"Sya ba ang humahabol sayo?" Tanong ni Kyle.
"ha? H-hindi hindi. Tara na sa loob baka naghihitay na ang parents mo sa akin." Kako saka ko sinuot ang sapatos na hawak ko.
"Anyway, you look beautiful tonight." Sabi nya saka nya ako hinalikan.
BINABASA MO ANG
The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*
Novela JuvenilHave you already taken your Subject: LOVE101? Will you let yourself be enrolled to this subject? How much effort will you give to pass it? So... What is Love? It will always be the first question. Real definition or based on experience opinion? Are...