Chapter 23: Meet My Girlfriend

22 2 0
                                    

Lunch break biglang nawala nalang si Kyle sa paningin ko.. Nakakainis naman yung lalaking yun..

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko..

Baka nambababae nanaman sya.. Nakakainis naman sya.. Subukan lang nya.. Bigla tuloy akong nalungkot.. :(

"Jaeny, hinihintay ka ni Kyle sa parking lot. May naghahanap daw sayo. Bilisan mo daw." Sabi ng isang classmate ko..

"Ah sige... ahh..  salamat!" sabi ko nalang.. Hindi ko kasi maalala ang pangalan ng classmate kong yun..

Pagdating ko sa parking lot.. Nasa loob ng kotse si Kyle.. Kumatok ako sa car window, binuksan naman nya ang pinto mula sa loob saka ako sumakay.

"Bakit ka nandito? Bigla ka nalang nawala sa paningin ko.. Hindi ka ba magla-lunch?" medyo inis kong tanong..

"Magla-lunch.. uuuyyyy.. Sabi ko na nga ba ako lang tinitingnan mo eh.. I know babe, you just can't resist my handsomeness!!" Sabi nya sabay pa-pogi syang nakangiti..

"Ang yabang mo talaga.." Natatawa nang sabi ko..

"Totoo naman ehh.. Aminin mo.." Sabi nya nang tumatawa.

"Pilitin ba ako?? Hahaha.. Oo na nga lang.. Pero teka, may naghahanap daw sakin sabi ni ano.. pinapasabi mo raw?" Hindi ko pa rin talaga maalala pangalan nung classmate namin.. Hahaha..

"Ah yun ba?? Antagal mo kasing pumunta dito eh.. Hinahanap ka tuloy ng puso ko." Sabi ni Kyle sabay kindat..

Boom! Instant blush-on sa mukha ko.. Ramdam ko nanaman ang pag-init ng mukha ko sa sobrang kilig.. iiiiiiiiihhhhhhhhhhhh!!!! ^______^

Nasa kilig moment pa ako nang paandarin ni Kyle ang kotse nya.. Naudlot tuloy.. Hmp!

"Teka teka! Saan tayo pupunta??" Gulat kong tanong kay Kyle.

"Sa bahay.." Maiksi nyang sagot.

"Sa bahay nyo?? Bakit??" Napapaisip ako.. Biglaan naman atang gusto nyang pumunta kami dun..

"Eehh... Jaeny.. Alam mo kasi.. Matagal kitang hindi nakasama ng matagal.. at sobrang na-miss kita.. Alam mo na.. Uhmm.. Babe?? Papayag ka naman di ba?" Malambing na sabi sakin ni Kyle habang nagmamaneho..

Napalunok ako sa mga sinabi nya.. Anong ibig nyang sabihin?? Is this what I think it is?? Sabihin nyong mali ako sa iniisip ko.. waaaaaa!!!!

"H'wag!" Sabi ko sakanya sabay cross arms sa dibdib ko..

Nagulat sya at tumingin sakin.. "Anong ginagawa mo?" tanong nya na parang natatawa..

"Ah? Eeeehhh..." Sabi ko pero hindi ko pa rin tinatanggal ang mga kamay ko.

"Sabi ko papayag ka namang sumama sa bahay di ba? Okay ka lang babe?" Paglilinaw nya..

Aaaahhh.. yun naman pala.. Sabi ko kasi sainyo sabihin nyong mali ako eh.. hahaha..

Unti-unti ko namang binaba yung mga kamay ko.. "Bakit tayo pupunta dun?" curious kong tanong.. Di pa kasi ako pumupunta sa bahay nila Kyle.. Hindi ko kasi ugaling pumunta sa bahay ng mga nagiging bf ko.. Alam mo na.. Para maiwasan ang temptation.. Hihihihi..

"To meet my parents.. They prepared a lunch for us.. Kakauwi lang nila from a business trip." Sabi nya nang nakangiti..

Ako nganga!

"Ha?? Eh bakit hindi mo naman sinabi agad para nag-ayos naman sana ako.. grabe ka naman Kyle!! Gusto mo ba akong mapahiya sa parents mo??" Nataranta kong sabi..

Pero bago ko pa mabuksan ang bag ko para makapag–retouch, nagpark na nang sasakyan si Kyle. "We're here!" sabi nya..

Ako nganga for the second time around!

Pagpasok namin sa gate ni Kyle.. Namangha ako sa garden nila.. Ang daming orchids.. napaka-colorful!! ^___^ heheh.. May gazebo sa gitna ng garden nila with sofa set.. Haaayyy.. tingin palang nakakarelax na.. Simple lang kung titingnan mula sa labas ang bahay nila.. bungalow house kasi.. Simple pero elegante tingnan..

Bubuksan na ni Kyle ang pinto nang pigilan ko sya.. "Wait Kyle! Anong gagawin ko??" Pabulong kong tanong sakanya.. Kinakabahan kasi ako.. Paano kung hindi ako magustuhan ng parents nya?? At si Kyle palang kasi ang naging boyfriend ko na ipapakilala ako sa parents nya.

"Relax babe.. Wala kang dapat gawin.. Just be yourself. Tara?" Sabi nya ng nakangiti saka nya binuksan ang pinto. Nakakapit naman ako sa braso nya na parang bata.

Pagkapasok namin, na-amaze nanaman ako sa loob ng bahay nila.. Napakalinis kasi.. Actually, malinis din naman ang bahay namin kaso kela Kyle kasi modern black and white ang tema sa loob ng bahay nila kaya parang nakakahiyang magkalat.

Maya-maya pa nakita ko na ang parents ni Kyle palabas galing ng kitchen..

"Welcome to our humble home hija!" Bati ng mama ni Kyle sabay beso sakin.

Ngumiti naman ako, "Hello po tita, tito." Sabi ko saka ako nagmano sakanilang pareho. Hindi kasi ako sanay sa beso na bumati. Mas kuntento ako sa pagmamano.. Sana hindi ko na-offend ang parents nya sa pagmano ko..

"Hi hijo. How are you?" Bati naman ng mama ni Kyle sakanya saka sya hinalikan sa pisngi.

"I miss you Ma!" Tuwang sabi ni Kyle saka nya niyakap ang mama nya..

"Ma, Pa, meet my girlfriend, Jaeny." Sabing pormal ni Kyle sa parents nya.

"Manang-mana ka talaga sakin anak. Marunong pumili! Haha" Sabi naman ng papa ni Kyle.

Nagtawanan sila at ngumiti nalang ako kahit hindi ko alam ang ibig sabihin ng sinabi ng papa ni Kyle.. Inalalayan naman ako ng mama ni Kyle papuntang kusina nila.

Uhhhhmmmm... yung totoo?? Fiesta ata ang pinuntahan namin dito ah.. Aapat lang kami pero andaming pagkain? Nakakatakam naman ang itsura ng mga pagkain na to..

Pagkatapos magdasal.. Chibugan na!!!!! Hahahaha..

"Pa, what about Ethan? Is he not coming home?" Tanong ni Kyle sa papa nya.

"Alam mo naman ang kapatid mo, busy daw sa school kaya hindi na umuwi." Sabi ng papa nya.

Kapatid?? May kapatid pa si Kyle?? Eh bakit hindi nya nababanggit sakin yun?? At bakit hindi ko pa sya nakikita at nakikilala??

Ang dami nanamang pumasok na tanong sa isip ko..

"Did you enjoy the food?" maamong tanong ng mama ni Kyle habang palabas kami ng bahay nila.

"Yes tita. Super full nga po ako. Thank you for inviting me over tita." Ngiti kong sabi. Actually, parang abot tenga na ngiti. Hahahaha..

"Why don't you come and join us on Friday night? We'll have an outdoor dinner in the garden. I'll expect you to come." Ngiti ng mama nya saka nya ako bineso.

"Have a safe drive honey." Sabi naman ng mama ni kyle sakanya.

"Yes ma. I will." Sabing kaway ni Kyle.

Pagkapasok namin sa kotse ni Kyle, hindi pa rin mawala ang ngiti ko. Ganun pala ang pakiramdam kapag pinakilala ka nang mahal mo sa parents nya.. Sobrang saya.. ^__^

Pero biglang nawala ang ngiti sa mukha ko. "Do you think they liked me?" alala kong tanong kay Kyle.

Hinawakan naman ni Kyle ang pisngi ko, "Liked you? Babe, they loved you." Ngiting sabi nya. They loved me daw.. woooohooooo!! Yes!!! ^______^ 1000 ganda points!! XD 

The Subject: LOVE101 (Basic Truth About Love) *Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon