..
Sky's pov.
Di parin ako makapaniwala na umalis na si Chi... Galit ba sya sakin? O, talagang wala na syang pake? Umalis sya sa bahay ng walang paalam kaninang umaga... Ni ayaw nya lang man magpahatid sa airport
Pero ang ipinag tataka ko... Bawlit parang wala sya sa sarili nya... Ayaw nya mag pahatid sa airport kaya minabuti kong sundan sya.
~Flashback~
Naglalakad si Chi pababa ng hagdan seryoso sya... Alam kong dapat exited sya dahil makikita nya ang mom nya pero iba... Iba ang reaksyon ng muka nya.
Lumabas sya sa loob ng mansion kaya sinundan ko sya at nag tago sa mga pwede ko pang pagtaguan... May dumaang nagtitinda ng cotton candy pero di nya pinansin... Alam ko wala pang cotton candy na dumaan na di nya binilhan..
Sumakay na sya ng taxi..
Nang makarating sa airport ay may mga nakabunggo sa kanya pero wala paring reaksyon ang muka nya... Di nya pinansin ang mga ito.
At higit sa lahat... Bago sya pumasok sa station nya. Ay humarap sya sakin at nakita ko ang luha nyang bahagya ng tumutulo... Nakita nya ako? So ibig sabihin alam nya na kanina pa ako nakasunod? Ngumiti sya pero pilit... Bago umalis nang tuluyan.
~End of Flashback~
Somethings going on... Di ko alam kung anong nangyayari pero hindi ko gusto ang kung ano man ang nangyayari ngayon.
"Aum...Saw---ren?"
Tumingin ako sa tumawag na babae... Isa sya sa kaibigan ni Chi if I know.
"What do you want?"
"S-si Cassy? Bakit di sya pumasok? At t-totoo ba yung namalan k-kong nasa s-states na daw sya?"
Tanong nya na para bang takot... Takot malaman ang totoo
"Yes, thats true"
"G-ganun ba? S-so... Ibig sabihin, pakakasalan mo nga si ate?"
Timingin ako sa kanya na may halong pagkakagulat... Anong sabi nya ate? Inilahad nya ang kamay nya sakin at saka ngumiti
"Nana Fuentes.. Kapatid ng fiance mo na si Andrea Fuentes"
Nakalahad ang kamay nya pero tinabig ko lang iyon at saka umalis sa kinauupuan ko.
So, that explains it... Kung bakit umalis si Chi.
Fvck! Fvck this stupid fate! Sira ulo ba to'ng tadhanang to para gaguhin kami?! If thats the game then i'll play along!
**
Cassy's pov.
Its been three weeks.
New school new house and ang mas magulo pa ay kung bakit nandito rin si Jeremy... But I kinda hate him for being here.
Especialy right now.
I'm sitting beside him nasa veranda kami ngayon at nakatingin sa mga bituin... He's holding my hand kahit na pilit ko iyong inaalis.
"Cassandra... I love you"
Niyakap nya ako... I dont know how to respond to his feelings... 1 month lang daw ako dito sabi ni mom... Pero, sobra sobra na ang lungkot na nararamdaman ko.
"How can I replace him? Gagawin ko lahat... Bakit hindi mo subukang mahalin din ako? Mahal kita... Tutulungan kitang kalimutan si Sawren. Kahit na gawin mo pa akong panakip butas... Basta alam ko someday.. You'll love me too"
Pagpapatuloy nya sa sinasabi nya.
Ano bang gusto nya iparating? Kasi naman may pamahal mahal pa syang nalalaman eh crush ko lang naman si Sky! Ambobo naman neto! Ang drama---
"Alam mo'ng ikakasal na sya"
Natigilan ako ng marinig ko ang mga sinabi nya... Oo nga, ikakasal na sya...
Humiwalay ako sa pagkakayakap nya at tinulak ko sya palayo. At saka timakbo papasok sa kwarto ko.
Sobrang daming luha ang umaagos sa mga mata ko.. Ano ba yan! Sayang ang tubig ko sa mata! Mahal binabayad ko sa maynilad! Nakakasar! Baka pumunta na dito ang officer ng maynilad! Nagsasayang ako ng tubig!
"Waaaaah!"
Napatili na lang ako nang makakita ako ng ipis sa kwarto ko! Himaygawd!
"Hoy ipis ka! Pasaway ka ha! Diba ginawan na kita ng bahay sa pilipinas?! Bakit hanggang dito sinundan moko!?"
Sabi ko sa ipis habang dinuduro duro pa sya
Lumayo ito at saka nagtago sa ilalim ng kama... Kaya sinundan ko sya... Kaso may nakita akong box... Luma na yung box pero kinuha ko parin.. May lama yung box na ring... Ring na ang nakalagay ay "S♥C"
BINABASA MO ANG
My Crush Is Mr. Cold Pervert
Teen Fiction"Magkaiba ang crush sa pag mamahal... Ang gusto ko lang marinig ay kung mahal mo ba ako. O, crush lang talaga ang tingin mo saakin" -Sky
