..
Cassy's pov.
Waaaaah!? Talaga bang seryoso si Sky sa sinabi nyang SPACE?! eh nag jojokijoki lang naman ako eh! Di ko kaya kanyang mawala sya sakin!!
Magpapasko na pero di ko ramdam.. Di ko nga alam kung malamig lang ba ang simoy ng hangin o, talagang ang cold nya sakin!
Namimiss ko na sya..
Natigilan na lang ako nung makaramdam ako ng unti unting paggulong ng mga luha sa mga mata ko.. Sky? Bakit paulit ulit.. Lagi na lang akong nasasaktan. Ganyan ka ba talaga mahalin? Ganun kahirap, para masaktan ako ng ganto at sobra sobra?
..
At kung mamalasin ka nga naman! Guys, paki spell AWKWARD?!
Matanong kung bakit? Kasi.. May dinner lang naman kami nila mom at ng dad ni Sky at kasama kami! Magkaharap kami sa lamesa.. Magkaharap LANG naman!
"So, how was the company?"-mom
"Same. O, Cassy.. Kain lang"-tito
Pinilit kong ngumiti kay tito.. Tapos susubo na sana ako ng pagkain, kaso nung mapalingon ako kay Sky.. Yung mga mata nya!! Ang cold at titig na titig sakin.. Parang kakainin ako ng buhay.
Isa lang ang mahigiling ko ngayon!
Kung ano man ang kinauupuan ko! Lunukin mo na ako! Now na! Ibaon nyo na ako sa lupa na kina tatayuan ng upuan ko! Waaaaah!
Wala syang emosyon sa muka!?
Nung lumabas ako para sana magpahangin.. At kung mamalasin.. Bakit ba ganto to'ng si Sky? Di nya ba ako mahal? Baka hindi naman talaga nya ako minahal? Ang sakit ng puso ko.. Kumikirot nanaman.. At kahit anong pilit kong ituon ang utak at isip ko sa ibang bagay, talagang wala.. Useless. Kasi si Sky lang talaga ang laman nya! Lalong lalo na nung makita ko sya ngayon..
Nagkasalubung ang mga mata namin pero, yung mga mata nya.. Parang covered ng ibang klaseng matigas na yelo, parang wala ng natitirang pagmamahal at emosyon. Sky? Ano na ba? Kasi ako? mahal kita eh.
Naramdaman ko nanaman ang unti unting pag tulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan, at sad to say.. Ini-snoban lang ako ni Sky.. Di na sya lumingon pa ulit sakin.
Alam ko pag ganitong mga panahon at oras, masyado na akong maraming tanong eh.. Yung tipong nadadamay na ang powerpuff girls, nemo, songebob, ipis, fin & jake, ung kamatis.. At kung ano ano pa.. Pero ngayon walang laman ang utak ko kundi sya.. Kundi si
SKY!!
medyo nakalayo ako dun sa resto na pinuntahan namin.. Sabi ko magpapahangin lang ako kaso, parang ayoko na bumalik eh.. Busy pa sa business sila mom eh. Di sila partners pero, dati kasing mag bestfreind si tito Salvi (dad ni Sky) at mommy
Naupo ako sa swing sa isang park na malapit sa resto.. Alam ko, pag pumupunta ako dito.. Masaya ako lagi eh.. Pag nasa park kasi ako laging nandun si Sky para makipag laro.. Pero yun yung dati, iba na ngayon
Ito ang first time ko na maging malungkot na pumunta sa park.
"OMGeee!! Oh? Leek whe's here girls!"
Ay? Nandito din pala ang OMGee girls?
*blaaaaag*
Napaupo na lang ako sa lupa nung tinulak ako ng isa sa kanila.. "I've heard.. Break na sila ni Sawren"
Ang bilis talaga kumalat ng balita.. Oo na! Sige! Ipamuka nyo pa!
"OMGeeee, so treeeeeuuuu!"
Pinagtatawanan nila ako ngayon.. At para akong tuta na walang kalaban laban sa mga pangiinsulto nila.. Di ko na nga alam yung mga sumunod na sinasabi nila eh.. Puro si Sky parin ang laman ng utak ko
*slap..
Si Sky kaya.. Mahal nya pa ba ako? Kasi ako mahal na mahal ko pa sya..
*slap..
Nakakatulog kaya sya ng mahimbing sa gabi? Kasi ako hindi! Sya lang ang iniisip ko! Ang sakit na Sky! Tama na..
*slap..
Ang sakit sakit na Sky.. Sobrang sakit na.. Pero wala pa yung sakit ng sampal nila sa sinasabi mong SPACE! mahal kita eh.. Ganun pala kasakit magmahal.
Lalo na yung makita na pinanonood mo lang ako ngayon habang sinsampal nila ako.. Yung makita ang cold at expressionless nyang mata.
Habang pinag pyepyestahan na ng mga chsimosa at nasasaktan na.
Tumakbo ako.. Tumakbo ako di dahil sa, nasaktan ako sa pagtulak at sampal nila.. Kundi, dahil.. Nasaktan ako sa pagtitig lang na ginawa ni Sky.. Ang sakit ng panonood na ginawa nya.. Hehe simpleng pagtitig lang yon pero.. Hehe ang sakit! Ang sakit!
Nanlalabo na yung paningin ko.. Blurd ang lahat.. Parang bumabaha na yung mga luha kong naguunahan sa pagpatak.. Gusto kong magmura! Ang sakit.. Yung puso ko.
*beep.. *beep..
Naririnig ko ang mga preno sa kalsada pero wala sa kanila ang atensyon ko
'Hoy! Magpapakamatay ka ba!!'
'Dun ka sa tulay!'
'Tang*na! Kalsada to!'
'G*go! Wag ka dito magpakamatay!'
*beep.. *beep..
Puro preno! Ang ingay! Masama bang madapa sa gitna ng kalsada?! Ha?! Sorry na! Bobo ako eh! Ang tanga tanga ko! Pero ok lang.. Mas mabuti nga mag pakamatay!
"Wag kayong mag alala.. T-try ko sa tulay!"
Sabi ko out of no where.. Lumulutang na yata utak ko sa sobrang pagkalunod sa mga luha ko.
Bigla na lang nya akong hinigit patayo.. At hinigit sa patwalk.. Tapos niyakap nya ako, pagtapos non, iniwan na nya ulit ako..
Wow, ang galing mo magpaasa Sky!
BINABASA MO ANG
My Crush Is Mr. Cold Pervert
Ficção Adolescente"Magkaiba ang crush sa pag mamahal... Ang gusto ko lang marinig ay kung mahal mo ba ako. O, crush lang talaga ang tingin mo saakin" -Sky
