Chapter 31: Cold night

1.9K 49 2
                                        

..

Cassy's pov.


Mahigit isang linggo na kaming di nagkikita si Sky, Christmas vacation na kasi... At umuwi na si mommy kaya dito na ulit ako sa mansion namin nagstay.

Pag tinatawagan ko si Sky cannot be reach... O, kaya Busy daw! Tsk. Lagi naman syang busy! Sino ba kasi kausap nya lagi sa phone?!

Ohh!! \(*O*)/
Di kaya... May iba ng mahal si Sky?! Huhuhuhu ayaw na ba nya sakin?

"Sweetie-dear? Anong problema? Why are'nt you eating!"-mommy

Di naman ako sumagot... Di naman ako si Sweetie-dear eh, ewan ko lang kay mommy kung sino sinong kinakausap... May third eye yata.

"Cassy..."
So this time hinawakan na ni mommy yung kamay ko at nakatingin na sakin

"A-ako po?"
Tanong ko, malay mo naman... Kasi kanina sweetie-dear daw eh.

"Yes, why? Ba't di ka kumakain?"-mom

"Eh mom, wala naman po'ng nakalagay sa plato ko eh? Mahirap na po ba tayo ngayon at plato na ang pinapakain nyo sakin? Huhuhuhu"

"No, Natural nakahain na nga ang pagkain sa lamesa. Bakit di mo ba kaya kumuha gamit ang kamay mo?!"-mommy
Hehe, sabi ko nga.


..



"Sky?! Bakit ba wala ka? *pout* namimiss na kita eh!"

Para na akong baliw dito! Kausap ko na sarili ko. These days, nagiging busy na sya masyado..
Tapos nung nakaraan na pumunta ako sa bahay nila... Nasa business meeting daw, ang bata bata pa kaya ni Sky! Sino ba kasi nag utos sa kanya na maging CEO na ng kunpanya eh 18 years old palang sya!?

Dial ko na nga lang ang no. ni Trish

TRISH: OH BAKIT NAPATAWAG KA?!

ME: AUM... NAMISS LANG KITA?

TRISH: ... PUNTA KA SA MCDO..
NANDITO AKO, MAY PAPAKITA LANG AKO SAYO

bakit medyo natagalan syang sumagot? Parang kinabahan tuloy ako

ME: OK--

*toot.. *toot..

Tss... Bastos! Pinatayan agad ako.



..



Sa Mcdo...

"Trish, ano bang ipapakita m---"

"Sssshhhh---tara dito"
Di na ako nakapagsalita pa, hinatak nya ako sa likod ng isang kotse... Para kaming may minaman manan... Pero sa kabilang resto

Katabi kasi ng Mcdo ang Gerry's Grill... Dun nakatingin si Trish, sino ba kasing tinitig--- "Sky?"

Nagulat ako sa nakita ko... Si Sky, may kasamang babae... And silang dalawa lang magkasama sa table... Yan ba?! Yan ba ang tinatawag nyang business meeting?!

Naginit na ang ulo ko... Naglakad ako papalapit, ramdam ko ang paghila sakin ni Trish pero di ako nagpatinag sa kanya...

Lumapit ako kila Sky... Magsasalita sana ako nung humarap sya sakin pero, biglaang di nya ako kinausap at nagpatuloy lang sya sa pakikipag landian... Kung yun nga ang ginagawa nya.. Kaso Nag ja-Janpanese kasi sila eh... Kaya di ko gets.

"Gomene, Takahashi Sensei... I need to go"
Pagkasabi nun ni Sky ay tumango lang yung babae at saka na ako hinigit ni Sky palabas

"What are doing here?!"
Medyo mataas ang boses ng pagkasabi ni Sky sakin

"Ka-kasi... Namiss kita?"
Kahit ako di sure kung miss ko lang sya eh.

Humawak sya sa ulo na at medyo ginulo ang buhok nya...
"Chi... Gabi na, umiwi ka na muna"

Pagkasabi nya... Iniwan na nya ako sa labas at pumasok na sa kotse nya. Nakita ko sa loob ng bintana ng kotse nya na may dinadial sya sa phone nya... At medyo galit yata sya kasi ilang beses nyang hinampas yung manibela ng kotse nya

"Cassy... T-tara na!"
Hinila na ako paalis ni Trish kaya sumunod na lang ako.

Naramdamam ko na lang na basa na yung pisngi ko... Umiyak ba ako?
Sino yung kasama ni Sky? Bakit para silang nag da-date?
Bakit sya galit? Sakin ba sya galit? Ano bang nangyayari? Di na ba nya ako mahal? Pano na yung promise nya sakin?

~FlashBack~

"Sky! Ayun oh! Gusto ko pumunta sa Fireworks festival!"
Nasa Star City kami ngayon... Haha wala lang inaya ko syang makipag date sakin... Kasi ganun daw pag mag Bf/Gf eh.

"Sure ka? Nakakatamad naman yan eh! Gawa na lang ako ng sariling fireworks sa garden"-Sky
Arte talaga neto! Kala mo bakla eh... Minsan nga di ko alam kung ako ba talaga yung babae o sya eh!

Gusto ko pumunta sa firework festival na yun kasi, sabi nila... Pag pumunta daw kayo sa festival na yun kasama ang taong mahal mo, magiging kayo daw til' the end kaya nga 'Love Love Firework Festival' ang tawag eh!

Nakatunganga parin ako dun kasi... Ewan! Ang ganda ng poster na advertisment ng festival eh... I'm really loking forward. At sa christmas night sya gaganapin...

"Fine, 7:30 pm. Sa baba ng ferris wheel"
Napaharap ako kay Sky sa sinabi nya... Pumapayag na ba sya?! Yey!

So dito na kami mag kikita! I'm looking forward to see him... "Promise!" Tanong kasi baka mamaya jino-joki lang nya ako

"Yeah"

~present~

Napahagulgol na lang ako... Ewan ko... Wala namang sinsabi sakin si Sky bukod sa pinauwi nya ako... Pero ang sakit, bakit ba ako nasasaktan? Parang pakiramdam ko... Unti unti ng nawawala sakin si Sky





My Crush Is Mr. Cold PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon