..
Zyx's pov.
ILang araw na din ang lumipas simula nung ma stuck kami sa roof top ng ospital ni Trish.. I can say, na naging masaya naman ako sa napagdisisyonan namin..
Tama nga ba? Ienjoy ko muna ang mga oras na magkakasama pa kami.. Di ko na maidedeny.. Mahal ko na nga talaga sya, ang unang babae na? Minahal ko ng totoo.. Akala ko nga dati si Nana na eh.. It turns out na mas di ko kayang mawala sakin si Trish..
Tatlong araw na kaming nag dedate.. Alam kong pagsisisihan naming ginawa namin to balang araw dahil di naman magiging kami hanggang dulo.. Pero, atleast.. Minahal namin ang isat isa, sa maikling panahon.
Basta malinaw sakin ngayon na masaya ako pagkasama sya.. Di ko man alam ang magiging consequence na mangyayari pag umalis na sya, pero wala na muna akong paki.. Mahal ko sya.. At kahit isang linggo lang to, sana maging sulit naman..
''Hoy Daga! Lalim yata ng iniisip mo dyan?!''
Ayan na pala sya.. Haaaayst.. Kanina pa ako.nag aantay dito eh! Ngayon pa lang sya dumating?!
''Hoy Tomboy! 15 minutes ka nang late!''
''Sorry na agad! Traffic eh, dapat kasi sinundo mo na lang ako diba?!''
''Tss.. Sundo, sundo?! Di na uso yun uy!''
''Ewan ko sayo! San ba tayo pupunta ngayon? Maglilibot na ba tayo sa buong pilipinas?''
''Ulul, buong pilipinas ka dyan? Mayaman ka ba para makapaglibot!?''
At ayan.. Nag bangayan nanaman kami, eto ang isa sa mga best part ng samaan namin eh.. Ang pagiging abnormal ng relasyon na meron kami ngayon.. Ibang klase kasi tong babaeng to eh, di natatablan ng charms ko
Pumunta kami sa ice cream parlor, at pagkataps nun nalibot libot kami sa mga nauusong pasyalan.. At nung medyo napagod kami, umupo muna kami sa bench na nandito sa eco park..
''DB..''
''bakit IT?''
''Mamimiss talaga kita.. Parang ayoko na nga umalis eh, parang paunti kasi ng paunti ung natitirang oras natin.. Nawawalan na ako ng gana''
Sabi nya.. May lungkot sa mga mata nya pero nakangiti sya, Naka akbay ako sa kanya habang an ulo nya ay nakapatong sa balikat ko
''Trish.. Umamin ka nga, mahal mo ba talaga ako?''
''Di ko na itatanggi.. Oo na! Mahal na mahal na nga yata kita eh''
''pero, bakit ka pa aalis?''
''Dahil nangako ako kay mama, na magaaral ako sa school sa doon''
''Please wag kauna mag mahal ng iba pag nandun ka na ah!?''
Hinawakan ko sya sa dalawang balikat at iniharap sya saakin
''Huh?! Bakit?''
''Ipangako mo sakin na ako lang ang mamahalin mo mula pag alis mo ng basa at pagbalik mo dito? Pwede bang ako lang ang mahalin mo?''
Tanong ko sakanya, ramdam ko ang unti unting paggulong ng mga luha ko pero nakatuon ang atensyon ko sa kanya
''Kung ganun, ipangako mo rin sakin na ako lang.. Na ako lang din ang mamahalin mo?! Ipangko mo!''
Umiiyak na rin sya, kung di kami serious mode ngayon, baka nagtatawa na kami dahil ang drama naming dalawa
Nginitian ko sya at saka pinunasan ang mga luha nya sa mata bago ko ito niyakap ng mahigpit..
''Promise..''
Bulong ko sa kanya bago ko hinalikan ang sentido nya.
''Ok, ok, tama na dis! Lets enjoy! Ang OA na natin eh! Uso maggala! Gora na dali!''
Tiganan mo to, nagmomoment eh! Panira.. Para pang bakla!
Hinatak nya na ako patayo kaya, wala na akong nagawa at lumakad na din kasabay nya..
Promise are meant to be broken, but at my own beliefs.. Once i promise, itaga mo yan sa ipis, kasi di ako bibitiw at di ako makakatulog pag di ko yan natupad!
Looks like I really did fall inlove this time..
Trish, you idiot!
BINABASA MO ANG
My Crush Is Mr. Cold Pervert
Fiksi Remaja"Magkaiba ang crush sa pag mamahal... Ang gusto ko lang marinig ay kung mahal mo ba ako. O, crush lang talaga ang tingin mo saakin" -Sky
