..
Cassy's pov.
"Of course not, kararating ko lang eh"
Lahat kami napalingon sa nagsalita... Totoo ba to? Nandito sya? Anong ginagawa nya dito? Namiss ko sya eh!
Yung langit ng buhay ko!
"Happy birthday Chi... Namiss mo ba ko?" Sobra sobra Sky! Sobrang na miss kita!
Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap sya.
Hinawakan nya ako sa muka... Andami kong gusto itanong pero walang lumalabas sa bibig ko.
Nagulat na lang ako sa mga sumunod na nangyari... Hinalikan nya ko, naramdaman ko yung mga labi nya sa labi ko, ang lambot ng lips ni Sky... Namiss ko sya...
"AYIEEEE!"
At syempre nakarinig kami ng matinding pangaasar ng mga kaibigan namin.
"Alis na nga ko nakaka suka!"
Si Trish talaga ang bitter! Ang sweet kaya!
"Oo nga! Ang lalandi! Hmp!"
We? Grabe naman to'ng si Nana! Sweet lang!
"Yiee! Kinilikabutan ako! Mauna na nga ako!"
Isa pa to'ng si Kuya Zyx... Kilabot! Nakakakilig nga eh!
Pagharap ko kay Sky nakatitig lang sya sakin... Namiss ko talaga sya. Di na na napigilang yakapin sya...
"Did you like it? My surprise?"-Sky
"Ha?"
"Ako nag organize ng lahat ng to, magkakasama kami kanina... Actually dapat ako yung kamatis... Kaso wala namang insektong kamatis diba? Haha... "
So si Sky ang nag ayos ng surprise party na to? Ginawa nya lahat ng to para sakin... Tapos naisip nya pa maging kamatis?! Huhuhu Sky! Ang tanga mo naman kasi! Di naman insekto yung kamatis! Kaya siguro di ka nila pinasali!
"Hahaha"
Ginulo nya lang yung buhok ko, at niyakap ako "kung ano ano nanaman sigurong iniisip mo! Baliw!"
"Tss. Oo na Sky! Baliw na ko! Baliw na baliw sayo!"
Haha... Kala mo ikaw lang marunong banat ha!?
Ang higpit ng yakap nya sakin. Kala mo naman mawawala ako sa kanya... Ganto nya ba ako kamiss?
"When I look into your eyes, its like watching ng sun rise"
Tumingin sya sa mga mata ko habang kinakanta nya yan
"Not so much to be hold.."
Nakatingin lang ako sa mata nya... Nakangiti sya pero parang ang lungkot lungkot nya.
"Well, i wont give up... On us, even if the skies gets rough, giving you all i've got..."
Kinakantahan nya lang ako habang nakayakap sakin... Unti unti parang nag sasayaw na kami... Romantic dance
"I wont give up"
Pagkasabi nya ng huling linya... Parang nababasag yung boses nya... Tapos naramdaman ko na lang na may basa sa balikat ko... Umiiyak ka ba Sky? Bakit? Gusto mo ba awayin ko yung science na gawing insekto nalang yung kamatis?
"Chi... Kahit anong mangyari... Mahal mo pa rin ba ako?"
Ano bang tanong yan Sky?
"Oo, kahit anong mangyari... Mahal kita, at ikaw lang yung mamahalin ko... Kasi ikaw yung langit ng buhay ko!"
Ngumiti sya sakin tapos niyakap nya ulit ako...
Nakaramdam na lang ako ng malamig na bakal sa leeg ko... Nung makita ko isang tomato shape na pemdant... Tapos kulay tomato pa... Haha adik sa kamatis to'ng si Sky!
"Haha... Kamatis na kwintas Sky?"
Tumango lang sya at ngumiti... Ang week ng ngiti nya
Niyakap ko sya ng mahigpit kasi parang ang lungkot lungkot nya... Di ko alam ang dahilan pero gusto kong bawasan ang lungkot na nararamdaman ni Sky
"Sky? Ayoko makitang malungkot ka... Kahit di mo sabihin ramdam kong malungkot ka... Sky, nandito lang ako... Di ako mawawala sa puso mo! Mahal kita! Mahal na mahal"
Humiwalay ako sa yakap... Pati ako naiiyak na, tinuro ko yung puso ni Sky
"Nandito lang ako"
Hinalikan nya ako sa noo ko, eto nanaman yung feeling na mahal na mahal nya ako at secured at prorected ako. Pag hinahalikan ako ni Sky sa noo, feeling ko nawawala lahat ng masakit sakin
Sky... Bakit sobrang minamahal kita?
..
Minulat ko yung mga mata ko... Nasa kwarto na ako? Ay mali nasa cottage ako.
Tiniganan ko yung orasan at saka tumingin sa bintana... 5:54 am. Madaling araw na pala.
Lumabas alo ng kwarto ko, nakita ko sila Trish, Nana, at kuya Zyx... Lahat sila napatingin sakin.
Si mama at yaya naman mukang malungkot
"Anong problema?"
Kahit di ko gusto malaman. Bigla nalang lumabas sa bibig ko yan eh.
"W-wala anak... Ano kasi--"
Timingin si mama kay yaya at kila kuya Zyx
"Naaksidente si Sawren"
Nanlumo ako... Ano bang sinsabi nila mama? Kagabi lang kasama ko si Sky! Naramdaman ko na lang na basa na yung pisngi ko... At parang unti unti akong nilalamon ng takot ko at parang nahihirapan ako huminga.
Tumakbo ako pero pinigilan nila ako.
"Puntahan natin sya!"
Nagmamakaawa ako sa kanila... Gusto ko sya makita.
Pumunta kamisa ospital. Nagmadali na agad akong bumaba ng sasakya at saka ako pumunta sa kwarto ni Sky.
Pag pasok ko dun... Sana pala, di ko na lang ginawa. Kasi nakita ko sya, yung taong matagal ko ng binaon sa limot! Anong ginagawa nya dito?
"Cassandra... Anak, I'm sorry"
Sabi nya... Mukha syang nakikiusap pero, naiinis ako sa kanya... Sino ba sya sa inaakala nya...
"Di mo ko anak... Matagal ng patay, at pinatay ko na sa limot ang tatay ko"
---------> salamat sa mga nag reads!
Anyare kay Sky? Whahaha please vote and leave a comment ^______^v
BINABASA MO ANG
My Crush Is Mr. Cold Pervert
Teen Fiction"Magkaiba ang crush sa pag mamahal... Ang gusto ko lang marinig ay kung mahal mo ba ako. O, crush lang talaga ang tingin mo saakin" -Sky
