Chapter 37: Space

1.6K 46 3
                                        

..

Cassy's pov.


Nagiinit talaga ulo ko pag nakikita ko to'ng taong to eh! Dapat kasi di na sya pumunta pa dito! Ano bang ginagawa ng walang kwenta kong tatay dito?!

"Cassandra! Anak"
Hinahabol nya pa rin ako hanggang ngayon... Ano bang problema nya? Hanggang ngayon ba naman guguluhin nya ang buhay ko na matagal ng nasira dahil sa kolokohang ginawa nya noon?!

"Cassandra!"

"Damn! Tama na! Ayoko kita makita! Umalis ka na lang please!?"
Tumulo na naman yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan... Bakit? Bakit ang traydor naman ata ng mga luha kong ito?

"Patawarin moko anak..."
Di ako naawa sayo... Hindi!

"Umalis ka!"

"Kung yan ang gusto mo"
Umalis sya sa harapan ko. Umalis na lang muna ako sa loob ng ospital... Mamaya ko na lang siguro babalikan si Sky. Mukang nagulat sya sa inasta ko eh.


**


Sky's pov.


"Ako yung new partner ng mga Fuentes... Ang dahilan kung bakit nahihirapan ka ngayon sa kumpanya ng tatay mo"
The fvck?! At ngayon pa talaga sya pumunta? Sino ba sya? At bakit ba nya ako pinahihirapan ng ganto?

"What do you want?"
Bored na tanong ko, kung tutuusin alam ko naman ang sagot eh... Ayoko lang isuko.

"You know what I want... Still the same"
Tsk! Bakit ba kasi ganto to'ng mundo na to? Fvck. Hindi ko kayang isuko ang gusto nya.

Hindi ko kaya...

"Ipatitigil ko ang threat sa kumpanya nyo, pumayag ka lang sa gusto ko"
Sabi nya, kala mo napaka dali ng gusto nya eh!

"Just like you said, its still the same answer"

"Kamusta na ba sya?"
Tanong nya out of the blue, sya? Bakit nya ba inaalam?

"She's fine!"

"I hope someday mapatawad ako ni Cassandra"
May lungkot sa mga tinig nya, di ko masisisi kung di sya kayang patawarin ni Chi... He's a jerk! For a dad!

"I'm sure she'll never will, lalo na ngayon... You even planed my accident"
I know na sya ang dahilan kung bakit nawalan ng break ang sasakyan ko.

~Flashback~

Nakatulog na si Chi habang nasa dalampasigan parin kami, kaya binuhat ko na sya papunta sa cottage.

Aalis na rin ako. Isiningit ko lang ang oras na to, di magtatagal kailangan ko na din Umalis.

*ting*

May nag text... Binasa ko na lang yun tapos, umalis na ako, sabi ko mga di ako mag tatagal eh.

Tinitigan ko saglit si Chi habang natutulog. Ang peaceful nya tiganan, mahimbing na sya nagtutulog, nakaramdam na lang ako ng basa sa pisngi ko at nakita na tumulo na sa muka ni Chi yung luha ko.

Fvck! Ang gay ko naman!

Hinalikan ko sya sa pisngi saka ako umalis, kailangan na ako sa opisina.

..

Tangna! Nafu-frustrate na ako! Ano bang mali sakin?!

Hinampas ko yung manibela ng sasakyan ko, to think na talagang gagawin nila lahat! Ang desperado naman ata nila! Tangnang shares yan at partnership! Kailangan mangdamay ng iba?!

Fvck!

Naluluha ako, umiiyak, nasasaktan ako sa mga posibleng mangyari! Ayoko ng ganto! Pakiramdam ko di ako mapanatag! Kulang pa ba lahat ng kalayahan ko?! Tangna! Kasi!

Tinry kong tapakan yung break pero ayaw, fvck! Sinet up nanaman ako!

Pagtingin ko ulit sa kalasada, may masasagasan dapat akong lalaki kaya nung igigilid ko sana yung sasakyan at nung tinapakan ko yung break... Nabangga ako sa isang punong malaki

Nalasahan ko na lang yung lasang kalawang na lumalabas sa bibig ko... Shit! Dugo!

Lumapit sakin yung lalaki na muntikan kong madagasaan... Kala ko tutulungan nya ako, fvck! Nakangiti sya... This is a set up!

Then. After that, everything went black.

~present~


"Sawren, kakampi mo ko"
Gago ba tong lalaking to!? Kakampi? Pagtapos nila ako pahirapan?

"Kahit ako naiipit sa mga to, kaya ko ginagawa to ay para rin kasy Cassandra... Gusto mo bang mahirapan sya balang araw?"
Tanong nya. As if, naman na maniniwala ako

"At sa tingin mo din ba, di sya mahihirapan sa ginagawa nyo?"

"I need to follow my partner para di nya kami iwanan. Alam mong pabagsak na ang company namin... Kaya please"
Magsasalita pa sana ako para sagutin sya kaso may pumasok sa kwarto.

"Cassandra, anak?"
Yan yung nasabi nya nung nakita nya si Chi, nagiba bigla yung ekspresyon sa muka ni Chi... Naging cold at walang emosyon.

Lumabas sila ng kwarto ko naghabulan pa yata.


..


"Sky... Kumain ka na ba?"
Nagulat ako nang bigla syang tumabi saakin.

Nginitian ko lang sya, tama nga siguro amg desisyon ko ngayon... Ngayon lang naman eh...
"Chi..."

"Ayoko marinig ang sasabihin mo"
Natigilan ako sa sinsabi nya... Nakangiti sya pero wala pa ring emosyon yung muka nya.

Pero, kailangan ko sabihin... Kasi pag hindi ko ginawa, sa tingin ko di ko na kayang di masabi pa... Ayoko sabihin to pero
"Chi... Makinig ka"

"Pag sinabi mo yan Sky... Di ako tatanggi... Pagsisihan mo lang..."
Wag naman Chi... Wag moko pahirapan...

"Chi, I need space"
Nakayuko ako at di sya tinitignan... Ayoko makita ang reaksyon nya...

Hindi sya nagsalita kaya tinignan ko na sya... Nagulat ako, walang emosyon yung muka nya
"Ok... Good bye, Sky"

Ganun ganun na lang ba Chi? Good bye na agad? Fvck! Tangna! Bakit ganun? Pigilan mo lang ako ngayon... Hindi ko itutuloy to!

Lumabas na sya ng pinto at iniwan na akong nakatanga parin, mahal kita eh... mahal na mahal, tumulo nanaman yung luha ko. Tama ba to'ng ginawa kong disisyon? Bakit parang sobrang mali?














My Crush Is Mr. Cold PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon