..
Cassy's pov.
Kinuha ni Sky sa isang lalaking matanda ang isang folder na brown...
At binigay sa daddy nya.
"Son? What is the meaning of this?"
Takang tanong ni tito Salvi.
"As you can see dad... Bago pa kami ikasal ni Andrea ay ginagawa ko na ang lahat para maisaayos ang kumpanya natin... So bago pa dumating ang huling araw ay wala ng problema sa kumpanya... Nakikita mo naman diba? Dad."-Sky
Maraming namangha sa sinabi nya... Wow! Di ko man maintindihan pero mukhang magiging good business man si Sky balang araw.
"...E, itong isang to? Ano to?"
Pinakita naman ni tito ang isa pang papel...
Ang tanga naman neto ni tito! Di nya ba alam na papel lang yun? Tanong ng tanong tapos si Sky naman ang daming satsat di na lang sabihin na papel yung hawak ni tito!
"Thats--- a marriage contract. Another reason why you cant make me marry Andrea"-Sky
Nagulat ang reaksyon ni tito. At tiniganan ang papel na hawak hawak nya saka napatawa ng malakas...
"Haha... Verry clever son! I'm proud of you... So kelan na ba ang tunay na kasal?"-tito
Ehhh? So peke lang to?! Ang gugulo naman ng mga to! Nag du-drugs ba sila? Ano to kasal kasalan? Bakit mukhang totoo!? Grabe naman mag lalaro na lang sila ang dami pang ka echosan!
**
Sky's pov.
"Sky! Bakit mo ko hahatid sa bahay nyo ulit? Diba dun na ulit ako sa bahay namin?"
Tanung ni Chi... Kanina pa dumadaldal ang isang to ang ingay ingay.
"Tss.. Kasi nga---aish! Basta!"
~Flashback~
Nililinis ko ang kwarto ko nang may biglang bumagsak na envelope sa ulo ko. Binuksan ko yon at laking gulat ko nang makita kong isa iyong marriage contract
And as far as I remember thats the marriage contract that I and Chi played. And it's a real contract.
Totoong contrata... Pinaglaruan namin ito dati pero di ko alam na magagamit ko to para mawalang bisa ang pagpapakasal saamin ni Andrea. Pumapabor na sakin ang lahat... Nagyon ang kailangan ko na lang ay kung sino sisira sa kasal para maisingit ko itong pruweba ko. At syempre aayusin ko muna ang kumpanya ni dad. Without him knowing.
~End of Flashback~
"Sky! Huy bakit nga kas---"
Natigilan na lang si Chi nang bigla ko syang yakapin.
"Sky? B-bakit?"
"Basta manahimik ka na lang!"
"Sky! Yung ipis! Nakalimutan ko sa airplane!"
Sambit na na nakahawak pa sa bibig...
Takte! Ano nanaman ba nasa isip nitong si Chi?! Pati ipis inatupag! Tsk. Tsk.
"Hala! Pano kung tapakan sya ng mga tao?! Pano kung pag natapakan sya di sya madala sa ospital kasi nasa langit pa nga sila diba?! Pag namatay sya baka multuhin nya ako kasi iniwan ko sya... Hala hala!! Sky!! Tulungan moko! Gawa na tayo ng puntod baka kasi multuhin nya tayo pag di tayo gumawa ng puntod ng ipis! Tara dun na tayo sa manila memorial park! Teka?! May pera ba ako!? Magkano ba lapid---umm"
"S-sky? H-hinalikan m-mo nanaman ako?"
"Because thats the way to shut a such loud mouth"
"Ahh? Ehhh? So pwede ko rin bang halikan si Trish minsan kasi sobrang daldal nun eh!"
Napa face palm na lang ako sa sinabi nya...
Si Chi nga pala to... Walang common sense. Hay nako! Dapat pala di ko na lang sinabihan ng kahit ano.
BINABASA MO ANG
My Crush Is Mr. Cold Pervert
Roman pour Adolescents"Magkaiba ang crush sa pag mamahal... Ang gusto ko lang marinig ay kung mahal mo ba ako. O, crush lang talaga ang tingin mo saakin" -Sky
