Essie's POV
Binato-bato ko lang mga napupulot kong bato sa dagatSi Jhazelle kasi eh ! Binubuking ako kay Jin myloves ko TT.TT
Bato lang ako ng bato.
"Baka maubos yung bato" may nagsalita sa likod ko.
At alam ko kung kaninong boses yun.Ohtokke?! (What to do)
Hindi ko siya nilingon,nagpatuloy lang ako sa pagbabato nang maramdaman kong umupo siya sa tabi ko
Nagkunwari akong hindi siya nakikita.Ayokong tumingin.
"Alam mo.Ayos lang naman sakin kahit may gusto ka eh" panimula niya
Natigil yung pagbato ko ng bato at tinignan siya.
Nakatingin lang siya sa unahan.
"H-ha?"
"Hindi mo naman kasalanan na magkagusto ka sakin.Kasi fangirl ka diba?" Aray ko naman.
Oo nga,Fangirl lang pala ako.Isa lang akong dakilang Fangirl na nagkakagusto sa isang sikat na Artista na mahirap abutin .
"Oo,Haha.Fangirl lang naman ako eh" sabi ko.
Ngumiti ako sa kanya ng pagkalapad-lapad kahit sobrang sakit na.
Gusto ko ng umiyak.Kaso hindi ko magawa.Baka magtaka si Jin kung bakit ako umiiyak
Gusto ko sana panaginip lang 'to.Para hindi ako nasasaktan ng ganito.
Para kapag panaginip lang to,Babalik parin kami sa dati.
Yung close na close kami sa isa't-isa.
Yung para kaming mag-on.
"Ikaw ba,May nagustuhan ka na ba?" Tanong ko kay Jin
Bakit ko tinanong to? Lalo lang ako masasaktan eh
'Ang tanga mo Essie.Bakit mo tinanong yun?' Sabi ko sa isip ko
"Meron" diretsong sabi ni Jin
This time,nakatingin na sya sakin
Ang hirap mong abutin Jin.Ang hirap.Sobra"S-sino? Ang swerte naman nun" sabi ko nalang sa kanya
Punyeta.Pigilan mo yung luha mo Essie,Hindi ka pwedeng makita ng ganito ni Jin.
"Isang babaeng ang hirap abutin,Isang babaeng hindi ako magawang magustuhan" sabi ni Jin na nakatingin na ulit sa unahan.
Ang swerte ng babaeng nagugustuhan niya.
Ang swerte ng babae nakaako ng puso niya
Ang swerte swerte talaga
"Bakit naman mahirap?" Takang tanong ko.
"Kasi may mahal syang iba"
"Ang sakit naman nun..parang ako"
"Ha?" Tanong ni jin sakin
"Wala.Sabi ko ang swerte talaga nung babae"
Sana ako nalang yung babaeng yun,
Sana ako nalang yung mahal niya
Sana..Sana
Puro sana nalang.
Hindi na nagsalita pa si Jin,Nakatingin lang sya sa unahan at pinagmamasdan yung pagbaba ng araw.
Ang ganda sana nung paglubog ng araw kung masaya ako ngayon.
Akala ko magkakagusto sakin si Jin.Pero mali lang pala yung iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Miss Right [Jungkook FF|EDITING
Fanfiction"Naging masaklap man ang pagmamahalan namin noon.Bawing-Bawi naman na ibinigay samen ni Lord ngayon.Tila parang binigyan talaga kami ng tamang panahon para maipakita sa harap ng altar na kami na talaga.Marami pang pagsubok ba dumating.Ang lahat ng i...