Chapter 16:Back To Normal

183 7 1
                                    

Jhazelle's POV
Dalawang araw din kaming nagkasama ni Jungkook at nung Boys pati yung dalawang bakla.

Parang ang bilis naman ata ng oras TT.TT Bact to stylist nanaman ako.

"Pa.Alis na po ako"sabi ko kay Papa sabay halik sa pisngi niya

"Ingat ka" sabi sakin ni Papa sabay kagat sa tinapay na hawak niya

Kumuha naman ako ng isang pirasong tinapay at isinubo ito sa bunganga ko habang kinukuha ko yung bag

Nakasakay na ako ng taxi ng may biglang tumawag sakin

"Yoboseyo?"

"Jhazelle.Papasok ka? Namimiss na kita" sabi ni Jungkook sa kabilang linya

Grabe.Kakasama lang namin kagabi miss agad? Iba na talaga ngayon.

"Sus.OA mo!Kakausap lang natin kagabi ano ka ba! Oo papasok ako.Sige na bye na"

"Okay.I love you"

"I love you too"

Tsaka ko ibinaba yung cellphone at inilagay na ito sa bag dahil malapit na ako sa Building.

At isa pa,Mukhang butete tong si Manong Driver.Baka nakawin -.-

Mahal ng bili ko dito sa Iphone 6s eh.

"Eto po bayad" sabay abot ko ng bayad kay Manong

Humarap ako sa building at huminga ng malalim.

Back to Normal again.Kailangan hindi makahalata ang iba na may namamagitan samin ni Jungkook dahil kakalat agad ito sa Media.

Kaya ang ganap ko,Maging stylist niya muna hanggang hindi pa niya sinasabi ang katotohanan samin

Sana lang wag maging madaldal ang BTS at yung dalawang bakla.Dahil kapag oras na nangyari yun mabubuking na.

Hindi na ako hinaharang nung Guard kapag papasok na ako dahil kilalang-kilala na niya ako sa mukha

Sino ba namang hindi malilimutan ang mukha ko dahil sa ka dyosahan ko? Pero joke lang.Kayo naman hindi mabiro hampasin ko kayo ng sandok eh.Pero syempre joke lang ulit yun.Peace tayo.Hihi

"Good Morning Sir" sabi ko sabay with bow pa nang makita ko yung CEO .

"Good Morning Too Ms.Lee" matapat na sabi niya.

Omaay.Mabait nga sya! Ngumiti pa kasi siya sakin eh.Waaaah!

Pero syempre tama na muna ang kalandian.Grabe ka Jhazelle pati matanda pinapatulan mo na.Mahiya ka naman

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makita ko na yung pintuan ng Practice Room

Agad akong pumasok dahil sanay naman na sila.Nagkatinginan sila sa direksyon ko.

"Hi!" Masayang bati ko sa kanila.

Nawala yung ngiti ko at parang napahiya kasi nakatingin lang sila ng seryoso sakin

Ano bang meron at ganyan sila makatingin saken? Nakakatakot sila.

Hinanap ng mata ko si Jungkook pero wala sya.Pero yung tingin talaga nila sobrang seryoso

Hindi ko parin nakikita si Jimin hanggang ngayon.Ano na kayang nangyari dun? Ang tagal ng hindi nagparamdam eh.

"Bakit ganyan kayo makatingin sakin? May nagawa ba akong masama? Kung meron man sorry na" sabi ko

Nakatingin lang sila sakin ng seryoso.Maya-Maya pa bigla nalang namatay yung ilaw kaya nagulat ako

"Huy!ano ba to ha?!" Sigaw ko sa kanila kasi wala akong makita.

Miss Right [Jungkook FF|EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon