Jhazelle's POV
"SHH! Wag nga kayong maingay.Natutulog si Jhazelle.Baka magising yan,Lagot kayo" nakarinig ako ng mga nagsasalita na boses lalaki.Unti-Unti kong minulat yung mata ko.
"AHHHHHH!" napasigaw ako ng malakas.
Paano ba naman sobrang lapit ng mukha ng BTS sakin.Lalo na 'tong si Jungkook.
"Ayan! Nagising tuloy!" Paninisi ni Jungkook dun sa mga kasama niya.
"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko dun sa BTS.Umayos na ng tayo si Jungkook na kanina ay nakayuko.Ganun din yung BTS.
"Nakita ka kasi namin na ang sarap ng tulog.Eto namang si Jungkook biglang lumapit sayo kaya sinundan namin sya" pagpapaliwanag ni Jhope.
"Swaeg~" sumbat ni Suga.
Nakita ko namang tinignan ng masama ni Jungkook si Jhope.Ngumiti lang si Jhope at nagsasasayaw.
Napaka-hyper talaga.
"Ang ganda mo parin kapag natutulog Jhazelle"napatingin naman ako kay Jimin na kasalukuyang inaayusan ng buhok ng stylist niya.
"Salamat" nginitian ko sya.Pero hindi yung sobrang ngiti.Sakto lang.
tumayo na ako at inayos yung buhok ko. Yung ibang members ng BTS ay kani-kanilang gawain.Habang itong si Jimin at Jungkook ay nasa tapat ko lang.
Tinitignan lang akong nag-aayos ng gamit ko.
"Uuwi ka na?" Nagkatinginan yung dalawa kasi sabay silang nagsalita.
"Sabay pa kayo" tumawa ako ng maikli tsaka ko sinakbit yung bag ko.
"Hatid na kita" Anong bang meron at laging nagsasabay magsalita 'tong dalawang 'to? Para tuloy silang iisa.
Nagkatinginan ulit sila pero masama na.Nakakatakot na sila.
"Wag na,Ako nalang mag-isa kaya ko na 'to" aalis na sana ako kaso biglang akong hinawakan ni Jungkook sa braso.
"Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo.Dun ka na jimin.Ako na maghahatid" pagtataboy ni Jungkook kay Jimin.
"Tss" ayun lang sinabi ni Jimin tsaka tumalikod at pumunta dun ss tabi ni V na kasalukuyang kumakain ng Pizza at Chicken.
Humarap ako kay Jungkook.
"Kaya ko na 'to"Akmang aalis na ako ng hawakan niya ulit yung braso ko.
Ang kulit naman nito.
Hindi niya ko pinansin at bigla nalang akong hinatak palabas ng Dressing Room
Nakakamiss naman yung ganito.
Yung hinahatid niya ako sa bahay."Bakit mo ba ginagawa sakin 'to?"
"Kasi mahal kita" sabi niya habang patuloy lang sa paglalakad .
"Dalawang taon na ang nakakalipas Jungkook.Diba sabi mo hindi mo na ako mahal? Bakit sinasabi mong mahal mo pa ako? Ang gulo mong kausap"
Naiinis ako na natutuwa.
"Wala ka ng paki" sakto namang sinabi niya yun tsaka kami nakalabas ng BigHit Ent.
"Baka may makakita sayo dito.Maging issue pa 'to"
"Sakay" utos niya sakin.Napaka bingi naman nitong lalaking 'to.
"Oo na" sumakay ako dun sa likod dahil ayoko sa unahan.Ayokong makatabi sya.
"Dito ka sa unahan.Mapagkakamalan akong driver mo"
"Tss" sabi ko nalang.Napakaarte naman nitong lalaking 'to.Parang mas babae pa saken.
Lumipat ako sa unahan dahi utos nitong makulit na maknae na 'to.
BINABASA MO ANG
Miss Right [Jungkook FF|EDITING
Fanfiction"Naging masaklap man ang pagmamahalan namin noon.Bawing-Bawi naman na ibinigay samen ni Lord ngayon.Tila parang binigyan talaga kami ng tamang panahon para maipakita sa harap ng altar na kami na talaga.Marami pang pagsubok ba dumating.Ang lahat ng i...