Chapter 20:Jimin

151 7 0
                                    

"Salamat talaga sa Advice Essie" sabi ko sa cellphone habang kumakain ng mansanas.

"Basta ikaw.Wag ka ng iiyak ha? Sinasabi ko sayo.Naku!Sige na ibababa ko na to.Tawag ako ni Mudrakells babush!" Sabi ni Essie sabay binaba ang tawag.

Inihagis ko naman sa higaan ang cellphone ko at tsaka humiga.Ipinikit ko ang mata ko

"Bakit ako?Naging malakas ako kahit na hindi ako gusto ni Jin.Kahit na nasasaktan ako.Pinakita ko parin na malakas ako kasi ayokong ipakita sa kanya na mahina ako.Na hindi ko kayang maging malakas sa harapan niya.Dapat ganun din ang gawin mo"

Paano ako magiging malakas kung wala akong karamay? Paano ko maipapakita na malakas ako kung lagi syang nasa isip ko?

"Hindi naman kasi ganun kadali yun Essie eh.Oo nararamdaman kita.Pero hindi pa kasi kayo eh.Eh kami? Nasa isang relasyon na kami kaya ang hirap ipakitang malakas ako"

Paano ko sya makakalimutan kung ang hirap-hirap? Araw-araw nalang akong umiiyak.Gusto kong maging malakas pero may nagtutulak sakin na wag.Bakit ganun?

"Tongeks ka ba? Hindi pa naman kayo mag-asawa ha? Alam mo kaya mo namang maging malakas at makamove on agad eh.Basta lagi ka lang maging positive sa sarili mo.I-erase mo sya sa utak mo para mabilis kang makadevelop sa pagkakasakit ng puso mo"

Para ako laging sabog kapag bumabangon sa kama dahil sa pag-iyak tuwing gabi.

"Oo nga.Gusto ko ng hindi masaktan.Pinipilit ko naman eh.Pinipilit kong maging malakas at positive sa sarili ko kahit ang hirap"

"Alam mo jhazelle sa una lang masakit yan.Pero trust me pagdating ng tamang panahon tatawanan mo nalang yung mga pinaggagawa mo noon"

"Salamat talaga Essie.Tama ngang ikaw ang napili ko dahil magaling ka sa ganyan.Salamat talaga"

"Naku.Wag ka ng magdrama!tignan mo ako nakangiti lagi.Smile ka na"

Haist.

Naramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko kaya agad ko itong kinuha

Jimin Calling....

Shit.

Hindi ako mapakali.Ilang beses ko ring hindi sinagot yun

Jimin Calling...

Aish.Dahan-Dahan kong pinindot yung Answer at itinapat ko yung cellphone sa Tenga ko.

"Let's talk.Meet me at ****" rinig kong sabi ni Jimin.Magsasalita na sana ako kaso agad niyang ibinaba ito.

Napahinga ako ng malalim dahil sa mga nangyayari.

Anong pag-uusapan namin? Sa pagkakaalam ko kasi galit sya sakin tapos kakausapin niya ako?

Di kaya may gagawin syang masama? Wag naman sana.Mabait na tao si Jimin hindi niya kayang gawin yun.

Tumayo ako at tsaka ko kinuha yung cellphone at dali-daling lumabas at tumawag ng taxi

---
"Manong dito nalang po" sabi ko tapos tsaka ko ibinayad yung pera kay manong at tsaka na ako lumabas.

Nagpalingon-lingon ako kasi hindi ko makita si Jimin.Nasaan ba yun?

"Nasaan na ba yun?" Tanong ko sa sarili ko habang patuloy parin sa paglingon-lingon.

"Nandito" Nakaramdam ako ng isang yakap kaya napatingi ako patagilid at nakita ko si Jimin na nakayakap sakin at nakapatong yung baba niya sa balikat ko

Lumayo naman agad ako sa kanya kasi baka may makakita samen at maging laman pa ito ng balita.Hindi pa naman sya naka-disguise

"A-anong pag-uusapan naten?" Simula ko habang papaupo sa may damuhan

Miss Right [Jungkook FF|EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon