Jhazelle's POV
"Naayos niyo na ba yung mga gamit bakla?""Oo.Anong oras daw ba pupunta dito yung mga boys?" Tanong ni Rachelle habang tinutulungan siya ni Essie na mag-ayos ng mga damit namin.
"Oo nga,Anong oras sila pupunta? Mag-7:00 na oh.Kaninang 5:00 pa tayo gising" sang-ayos naman ni Essie.
Itinigil ko naman yung pag-papatuyo ko ng buhok dahil sa mga kagagahang sinasabi nitong dalawa.
"Mga gaga kayo.Syempre pagod pa yun dahil umattend pa ng Fansign Event yun dun sa Japan! Baka mamaya pa makakadating yun dito" paliwanag ko.
"Grabe! Ginising mo kami ng 5:00 tapos mamaya pa pala dadating?!" Sabi ni Essie.
"Mga gaga talaga kayo noh? Syempre magluluto pa tayo ng ulam at kanin para mamaya! Edi kung ngayong 6:00 natin gagawin yun.Matagal tayong makakatapos! Hay nako !"
"Oo na!" Sigaw ni Essie tsaka binalik yung tingin dun sa mga damit.
[Ding Dong]
"Speaking of" sabi ko kaya napatigil sila sa pag-aayos ng damit at diretsong pumunta sa salamin.
"Ako muna magmemake-up!"
"Hindi ako muna!"
Hayst.Nag-aaway nanaman
Iniwan ko nalang sila sa kwarto at tsaka isinuklay yung nakalugay kong buhok
Lagi kasi akong naka-ponytail.Hindi ako sanay ng lugay,Pero dahil mainipin ang BTS hindi muna ako nag-ipit,sinuklay ko muna ito.
Binuksan ko yung pinto at pumunta palabas papuntang gate. Binuksan ko naman ang gate
Iniluwa nito ang mga nakasalamin at nagga-gwapuhang lalaki.
"Aba handang-handa talaga ah" sabi ko sa kanila sabay libot ng paningin ko sa kanila.
"Syempre kami pa" sabi ni Jin
"Teka.Nasaan si Jimin? Hindi sumama? Kulang tayo." tanong ko
Nakakalungkot naman kung kulang ang BTS na magba-bonding kasama kaming mga babae.
"Hindi sumama.Tinatamad daw sya" biglang salita ni Jungkook
Ang gwapo niya sa porma niya.Lagi naman syang pogi kahit anong isuot niya.
"Ah.ganun ba? Sayang naman.Pasok na kayo sa loob ipapakilala ko sa inyo yung isa ko pang kaibigan" binuksan ko ng malaki yung gate .
Pumasok sila habang ito namang si Jungkook ay nasa labas lang.
Napatingin naman ako sa kanya
"Bakit ayaw mong pumasok?"
"Hinihintay kitang maunang pumasok"
"Hindi na.Mauna ka na,Isasarado ko pa 'tong pinto" pagmamatigas ko
"Sabay nalang tayong pumasok"
"Hindi na nga"
"Sabay tayo o aalis ako?" Pananakot ni Jungkook
"Sabi ko nga sasabay sayo" sabi ko kahit na hindi ko gusto.Kailangan para naman kahit papaano madami ang Bangtan kahit hindi nakasama si Jimin.
Pinapasok ko sa loob ng gate tsaka ko sinarado ang gate.
Nauna akong maglakad kay Jungkook
"Iniiwasan mo nanaman ako"
"E-eh k-kasi" wala akong maisip na dahilan
"Tss.Tara nga dito sa tabi ko" hinatak ako ni Jungkook at tsaka hinawakan ang kamay ko
BINABASA MO ANG
Miss Right [Jungkook FF|EDITING
Fanfiction"Naging masaklap man ang pagmamahalan namin noon.Bawing-Bawi naman na ibinigay samen ni Lord ngayon.Tila parang binigyan talaga kami ng tamang panahon para maipakita sa harap ng altar na kami na talaga.Marami pang pagsubok ba dumating.Ang lahat ng i...