Chapter 21:Chance

120 4 0
                                    

"Jhazelle"

"Hmmm."

"Andito mga kaibigan mo"

Napamulat naman ako sa sinabi ni Papa.

"Bakit po sila nandito?" Tanong ko kay Papa

Sabado ngayon ah? Anong meron?

"Ewan.Hinahanap ka lang.Puntahan mo na doon anak sa Sala kanina pa sila nandoon.Ang hirap mong gisingin eh" Papa

Lumabas na si Papa sa kwarto ko at ako naman ay tumayo at pumunta sa malaking salamin.

Nagsuklay at naghilamos lang pati nagmumog.

"Bakit kayo nandito?" Bungad ko agad sa kanila pagkababa ko sa baba.

Nakita ko naman na bihis na bihis na sila.

"Kasi nandito kami" pilosopong sabi ni Essie.

"Oo.Lumayas na nga kayo!Shupiee!tinatanong ng maayos tapos hindi sasagot ng maayos.Nasayang lang tulog ko.Tsk" Inirapan ko naman sila dahil antok na antok ako at wala akong ganang makipag-lokohan sa kanila

"Eto naman di mabiro"sabi ni Rachelle

"Inaantok pa kasi ako hane? Ang aga niyo manggising!" Sigaw ko sa kanila

"Jusko.Anong maaga? Alas dose na nga ng tanghali maaga ? Abat" sabi ni Essie

"Haynako.Halos tatlong oras na kami dito ang hirap mong gisingin.Nagpabalik-balik yung Papa mo sa kwarto para gisingin ka!" Sabi ni Rachelle

Nakatingin lang ako sa kanila habang nakataas pa yung isa kong kilay at naka-cross arms

"Ano ba kasing kailangan niyo ha?Kung lalaboy lang kayo wag niyo na akong isama dahil hindi ako ready sa ganyan" sabi ko

"Hindi iyon ang ipinunta namin" sabi ni Essie

"Eh ano pala?" Masungit kong tanong

Nagkatinginan silang dalawa bago sila sumagot.At talagang sabay pa ha?

"Surprise"sabi nilang dalawa

Napataas naman ulit yung isa kong kilay dahil sa sinabi nila

Surprise?

"Bakit birthday ko ba? Hindi naman ah.Naku umalis na nga kayo matutulog na ako" sabi ko

Akmang aalis na ako ng bigla nilang akong hinatak ng malakas kaya napa upo ako sa Sofa.Buti nalang malambot yun.Baka masapak ko tong dalawang 'to kapag matigas ang babagsakan ko.

"OA mo girl! Hindi mo nga birthday!Basta surpresa.Nagpautusan lang kami!magbihis ka na bilis" sabi ni Rachelle sabay tulak sa akin papuntang Kwarto

"Oo!Eto na!tsk." Inis na sabi ko

Hinayaan na nila akong umakyat sa taas.

"Lagot kayo sakin" galit na sabi ko sa kanilang dalawa.

Nagpeace sign lang sila kaya napairap nalang ako.Nakakainis!

Nang makapasok ako sa kwarto ay padabog kong kinuha yung susuotin ko.

Ripped Jeans at Plain White Shirt lang.Wala talaga ako ganang maglaboy ngayon.

----
"Bakit ganyan ang suot mo? " takang tanong ni Essie sa akin

"Pake mo? Wala namang problema sa suot ka ah.At tsaka wala akong pakialam sa mga ganyang surpresa" inis na sabi ko habang inaayos yung jeans ko.

"Weh? Baka mamaya nyan magulat ka sa surprise?Naku.Baka magsisi ka na sinabi mo na wala kang paki sa surpresa na yan.Tsk!sinasabi kk sayo Jhazelle" sabi ni Rachelle habang tinuro-turo pa ako.

Miss Right [Jungkook FF|EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon