Ilang araw din ang nakalipas matapos maganap ang pangyayari na yun.
Ilang araw na din akong hindi pumapasok bilang stylist sa Bangtan.
Hindi ko kayang makita ang mukha niya.Naiiyak lang ako
Ilang araw na din akong nakakulong at umiiyak tuwing gabi
Ang dami ng natatanggap na text at missed call sa cellphone ko pero hindi ko magawang buksan at sagutin yun dahil wala ako sa gana.
Simula nung nangyari na yun.Napagpasyahan ko na wag ng pumasok pa sa BigHit Ent. bilang stylist dahil magiging awkward lang
Alam na din ng BTS ang nangyari samin dahil sinabi ko sa kanila sa text.Tanong sila ng tanong kung bakit kami naghiwalay pero hindi ko sinasabi sa kanila.
Pinatay ko yung alarm sa table ko at tsaka nagtalukbong ng Kumot.
Bakit ko nga ba pinapatunog yun? Wala na namang dahilan para magising ako ng maaga.
Haist .
"Jhazelle"
Napabalikwas naman ako sa pagkakabiga nung tawagin ako ni Papa habang kinakatok niya yung pinto
Nakaupo lang ako sa kama at pinagmamasdan yung pinto
"Jhazelle anak may mga bisita ka" rinig kong sabi ni Papa habang nakatok parin
Alam kong siya nanaman yun.Dahil minsan pumupunta sya dito para kausapin kaso hindi ko kaya.
Ayoko syang makita.Lalo lang akong nasasaktan.
hindi ko narinig pa yung pagkatok ni Papa.Ibig sabibin akala niya tulog pa ako.
Bumalik nalang ulit ako sa pagkakahiga at tumingin sa kisame sa kwarto ko
Gusto ko ng matapos ang araw na to.Para hindi na ako masaktan pa umiyak pa .
Gusto ko ng magmove on kaso kapag ginagawa yun lalo ko lang syang naiisip kaya wala ring silbi
--
"Gising ka na pala.Bumaba ka na dyan at wala ka pang kain kagabi" sabi ni Papa habang sinasandukan ako sa platoUmupo naman ako at tsaka nagsimulang kumain.
"May problema ba anak? Ilang araw ka ng hindi pumapasok sa trabaho mo nag-alala na ako sayo.Ano bang problema? Napapadalas ang punta dito ni Jungkook"paliwanag ni Papa
"Wala pa.Gusto ko lang magpahinga kasi lagi akong pagod kaya nagpahinga muna ako ng ilang araw.Papasok na ako bukas" matamlay kong sabi habang sinusubo yung pagkain.
Pinipilit kong maging masaya at malakas sa harap ni Papa dahil ayokong madisappoint sya kapag nalamang malungkot ako at nasasaktan.
"Sabihin mo lang sakin kapag may problema anak ha? Nandito lang si Papa" sabi ni Papa sabay halik sa buhok ko.
"Salamat Papa"
Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko.
Nang matapos ay pumunta ako sa Sala para manood.
Pagkabukas ko,bumungad agad sakin ang BTS.
"Baro neoya~" rinig kong kanta ni Jungkook
Nakatitig lang ako sa TV.Tumulo nanaman yung luha ko dahil sa nakikita ko
Hindi.Kailangan mong magmove on Jhazelle.Matapang ka diba? Kakayanin mo yan.
Agad kong pinunasan ang mga luha sa mata ko.Nilipat ko nalang yung Channel sa TV
Pero kahit anong gawin ko lagi akong tulala sa kawalan.Naiisip ko nanaman sya.
"Naalala mo yung sinabi ko sayo nun?" Rinig kong tanong ni Jungkook saken habang nakaupo ako sa Carousel,sya nakatayo lang.Inaalalayan ako
BINABASA MO ANG
Miss Right [Jungkook FF|EDITING
Fanfiction"Naging masaklap man ang pagmamahalan namin noon.Bawing-Bawi naman na ibinigay samen ni Lord ngayon.Tila parang binigyan talaga kami ng tamang panahon para maipakita sa harap ng altar na kami na talaga.Marami pang pagsubok ba dumating.Ang lahat ng i...