Chapter 32

140 2 0
                                    

Jhazelle's POV
"Essie anak,Sige na umuwi ka na ako ng bahala dito kay Jhazelle"

Agad kong iminulat ang aking mata at nakita ko na papalabas na si Essie at si Mama naman ay nakatingin kay Essie habang lumalabas ito

Nang makalabas na ay agad akong umupo.

"Eomma" panimula ko kaya naman napatingin siya dito sa direksyon ko tapos agad na lumapit sakin

"Kamusta na?Balita ko medyo maganda na pakiramdam mo" Mama habang hinahagod yung buhok na magulo

Nginitian ko naman agad si Mama tapos tumango.

"I want to go home Ma" sabi ko kay Mama

Nginitian ako ni Mama tapos sabay yakap sakin pero tinanggal niya rin agad 'to

"Once na makarecover ka na talaga makakauwi ka na.Tignan mo oh yung buhok mo bumalik na sa dati" masayang sabi ni Mama

Natawa naman ako tapos napahawak ako agad sa buhok ko.

Oo nga.Eomma is right.Bumalik na yung mga buhok na naglagas.

Last time kasi na matutulog ako non,may nakita akong konting lagas .

Pero eto na.Umimprove na yung katawan ko.Hindi na ako nanghihina.Hindi na rin ako nagsusuka ng dugo

"Salamat talaga sa inyong lahat.Sa mga taong nandyan lagi sakin.Salamat talaga kung hindi dahil sa inyo wala na ako dito" naiiyak na sabi ko

Agad naman akong niyakap ni Mama tapos hinalikan yung buhok ko

"Syempre ikaw pa?You are a brave woman jhazelle"

"Thanks Ma"

Kinausap lang ako ng kinausap ni Mama hanggang sa pagpasyahan niyang umuwi muna

"Anak.Okay lang dito?" Tanong sakin ni Mama

"Oo Mama.Okay lang ako dito" nakangiting sabi ko

Maglalakad na sana si Mama ng biglang dumating yung Doctor kaya napatingin kami dito

"Good Morning Po.Ichecheck ko lang po yung kalagayan niya and then may sasabihin po ako" sabi ng Doctor

Tumango naman si Mama kaya pumasok na ng diretso yung Doctor tapos pumunta sa tabi ko

Chineck niya yung heartbeat ko.

Nakatingin lang ako habang ginagawa niya yun

Halo-halong ekspresyon ang ginagawa ko kasi kinakabahan ako sa sasabihin niya.

Samahan mo pa yung mukha niyang parang naiiyak.

Jusko.Sana naman maganda ang sasabihin niya.

Nag-iisip ako ng kung anu-ano nang naramdaman kong tinanggal na nung Doctor na pangcheck ng heartbeat niya

nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang sasabihin niya

"Your daughter heartbeat is fine ma'am.And before i leave i want so say that her condition was good now.Maybe 2 days pwede na siyang lumabas dito"

"T-talaga po Doc?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya

Lumapit si Mama sakin tapos niyakap ako ulit ng mahigpit

"Yes.I have to go"

Lumabas na yung Doctor habang kami ni Mama ay tuwang-tuwa sa nalaman namin.

After 1 year in comatose makakalabas na din ako.Sa wakas makikita ko na din ang bahay namin

Ano ng kayang itsura non?Kamusta na kaya si Papa?

Ang dami kong gustong makita.

"Kailangang malaman nila Essie at Rachelle 'to" nakangiting sabi ko kay Mama

Miss Right [Jungkook FF|EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon