Chapter 19:I let you go

131 5 0
                                    

(Kring)

"Yoboseyo?"sabi ko sa kabilang linya

"Baklaa!" Nailayo ko naman agad yung cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses nitong si Rachelle.

"Waeyo? Letse ka ang lakas ng boses mo" sabi ko.

"Mianhae.Papasok ka?"

"Oo.Magreresign na ako" sabi ko

"Enebeyen.Sige na nga babush na!"

Binaba ko na yung cellphone dahil wala namang kwentang kausap itong si Rachelle.

Nag-inat ako ng kamay at tsaka dumiretso sa cabinet para kumuha ng masusuot.

"Nasaan na ba yung Damit na yun?" Nasabi ko nalang habang patuloy parin sa paghalungkat nung damit dahil hindi ko talaga mahanap

Malalate na ako sa pagreresig eh.Aish

Halungkat lang ako ng halungkat ng may biglang bumagsak sa paanan ko kaya napatingin ako dun

"Huh?" Pinulot ko yun dahil parang sulat.Nakabalot siya sa isang punit na sobre.

Pinaglumaan na sya.Ngayon ko lang napansin to ah?

Tinignan ko naman yung loob nun at nakita kong may bulok na bulaklak sa loob at isang sulat.

Binuklat ko yung sulat

Date: September 12 ****
Hi bestfriend! Pasensya ka na kung hindi ako makakapunta sa birthday mo ha?

Aalis na kasi kami eh.Lilipat na kami ng bahay doon na kami maninirahan at doon na din ako mag-aaral

Iloveyou bestfriend.Happy birthday nalang.Wag mong pababayaan ang sarili mo ha? Sana hindi mo pa ako makalimutan

-May rosas akong ibinigay
Chim.

Di ko namalayan na napangiti ako.Ang tagal na nito.Mga bata palang kami dito.

Yung sulat iba na ang amoy.Isama mo pa yung rosas na bulok na bulok na.

Kung nasaan ka man bestfriend gusto kitang makita.Gusto kitang makayakap.Gusto kitang kausapin.

Gustung-gusto kitang makasama.

Ibinalik ko yung sulat sa sobre pati yung sulat tsaka ko inilapag yun sa lamesa.

----
Naglalakad ako papasok sa BigHit Ent.

Hawak-hawak ko yung sulat para ipagpaalam na magreresign ako.Gusto ko ng hinding magulong buhay.Gusto ko ng payapa.

Lakad lang ako ng lakad.

"Jhazelle!" Rinig kong may sumigaw kaya nagpalingon-lingon ako kung sino yun.

"Jhazelle!dito !" May nakita akong kumakaway at nakita ko si Rowelyn na papalapit sakin.Nginitian ko naman sya

"Bakit rowelyn?wala ka atang ginagawa ngayon?" Tanong ko sa kanya kasi kapag ganitong oras may ginagawa sya kaya nakakapagtaka

"Ah.Nasa Practice Room kasi yung BTS,Kaya napagpasyahan kong bumaba muna.Bakit ngayon ka lang pumasok?" Tanong niya sakin

"Ah.Gusto ko lang magpaalam kaya ako naparito" sabi ko.Kumunot naman yung noo niya dahil sa sinabi ko.

"Mamaalam?bakit mamamatay ka na ba? Hala!Multo ka na?!Aigooooo" panic na sabi niya

Pinalo ko naman sya sa balikat kasi parang baliw

"Gaga.Anong multo? Hindi ako mamamatay.Magreresign lang ako" sabi ko sa kanya

Miss Right [Jungkook FF|EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon