Chapter 31

130 3 0
                                    

Jhazelle's POV

"Ang aga mo namang nagising Bakla.Matulog ka muna dyan,magpahinga ka" bungad agad sakin ni Essie habang nagcecellphone sa Sofa

Oo.Kanina niya pa yan sinasabi.Simula nung magselos ako thingy sa kausap ni Jungkook kanina

Nakatulog na ako at ayan nanaman ang sasabihin niya.Para siyang sirang plaka na paulit-ulit sa sinasabi.

Inirapan ko si Essie "Yung tataa bakla? Kakatulog ko lang papatulugin mo nanaman ako? Yung tataa?" Sarcastic na tanong ko

Nakita ko na inilapag ni Essie yung cellphone at tinignan ako ng masama

Lumapit siya sakin kaya naman napalayo yung mukha ko

"Yung totoo? Pilosopo ka ng pilosopo ah? Gusto mo ng sampal bakla?" Masungit na tugon sakin ni Essie

Aba't .Ako pa ang hinamon ah? Makakatikim talaga ng flying kick mamaya 'to sakin eh.

Nababaliw nanaman.Tama naman sinabi ko ah? Kakatulog ko lang papatulugin nanaman ako.Aba't yung totoo?

"Subukan mo.Sige para kapag sinampal mo ko huhugutin ko 'tong mga nakakakabit sakin para wala ka ng masasampal.Okay?Sige sampalin mo na ako" sabi ko kay Essie with matching hawak pa ng mga nakakabit sakin.

Nanlaki naman yung mata ni Essie tapos biglang nataranta.

"Sabi ko nga hindi na diba? Eto na titigil na" nakangiti pang sabi sakin ni Essie

Napa-tss nalang ako tapos bumalik na siya sa pagkakaupo sa Sofa

"Isa pang commonsense na sasabihin mo mapa-flying kick na kita" sabi ko kay Essie

Tinignan lang ako ni Essie tapos nginitian ako.

Bumalik ako sa pagkakahiga tapos kinuha ko yung Remote sa tabi ko.

Pinindot ko na yun at nanonood nalang.

Oo.May Tv dito sa loob ng kwarto ko ng Hospital dahil isa itong Private Room kung saan may bayad ang pwesto at ako lang ang mag-isa dito sa kwarto kaya nakakagalaw ako ng maayos dito

"Pupunta ba dito yung Bangtan Bakla? Namimiss ko na sila" malungkot na tanong ko kay Essie habang nanonood ako ng TV

Ganda kasi ng palabas at tsaka isa pa miss na miss ko na ang Bangtan.Ilang taon ko na silang hindi nakikita

Pwera nalang kay Jungkook na kakakita ko lang kanina at pinagselosan ko pa ang Mama niya dahil akala ko may ibang babae sya

Hindi ko alam kung bakit ako nagseselos basta ang alam ko nagseselos ako yun na 'yon

"Hindi ko din alam bakla.Wala akong balita sa kanila mga busy ata yun sa Chicks tapos yung iba sa ibang trabaho na naka-focus" paliwanag sakin ni Essie

"Ganun ba? Hayst.Miss na Miss ko na kasi sila" malungkot na sabi ko tapos napa-sigh nalang ako

Pinatay ko nalang yung Tv tapos nagtitingin lang sa paligid.Sobrang boring dito

Kung nandito lang yung Bangtan panigurado ako na tawa ako ng tawa dito sa loob

Ilang taon ko na din silang hindi nakakausap.Parang gusto ko tuloy bumalik sa dati kung saan Stylist pa ako noon

Miss Right [Jungkook FF|EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon