RACHELLE & NAMJOON
P/S. WELL SORRY FOR THE GRAMMATICAL ERROR AND TYPO.
---
RACHELLE'S
"Bakit umiiyak ka nanaman bakla?Si Namjoon nanaman?" Alalang tanong saken ni Jhazelle habang hinahagod yung likod ko habang umiiyak ako.
Sino ba namang hindi iiyak kung makita mong may kalandiang babae yung asawa mo?
"Hindi ba sya makuntento saken at naghahanap parin siya ng iba?Ang sakit lang kasi"
Narinig ko namang bumuntong hininga si Jhazelle.Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko tapos iniharap ito sa kanya.
"Kung gusto mo ng sumuko pwedeng-pwede naman bakla.Para hindi ka na masaktan"
Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ni Jhazelle kaya nagpaalam muna siya na lalabas siya para sagutin yung tawag.
Pumalumbaba nalang ako at hinintay ang pagbalik dito ni Jhazelle.
Ano naman kaya yung ibig sabihin sa sinabi niya kanina? Aish.Nakakagulo ng utak.
"Chelle" panimula ni Jhazelle kaya naman inangat ko yung ulo ko tapos tumingin kay Jhazelle na nakalagay parin sa tenga yung cellphone niya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
Ibinaba muna niya saglit yumg cellphone tapos niyakap ako ng mahigpit.
"Uuwi na ako bakla.Gabi narin pala tsaka pinapauwi narin ako ni Jungkook,kanina pa nag-aalala saken yun" Paliwanag ni Jhazelle tapos binalik ulit yung cellphone sa tenga niya.
"Ganun ba? Sige.Ingat ka sa daan"
Hindi na sumagot pa si Jhazelle, niyakap niya lang ulit ako tapos tsaka na siya lumabas.
Nang makalabas si Jhazelle ay agad kong niligpit yung kinainan namin ni Jhazelle at dinala ko ito sa kusina.
Saktong pagkalagay ko sa lababo ay may narinig akong tunog ng kotse.
Agad kong pinunasan yung lamesa tapos ibinalik ulit yung pamunas sa lababo.
"San ka galing?" Panimula ko nang makapasok si Namjoon sa loob ng bahay.
"Tss" maikling sagot niya.
"Alam mo kung nakipaglampungan ka nanaman sa babae mo sana hindi ka nalang umuwi dito sa bahay.Tutal wala ka nanamang pakielam saken at ang tanging kinakapitan mo lang ay ang anak naten" seryosong sagot ko habang hindi ko tinatanggal ang tingin kay Namjoon na tinatanggal yung sapatos at medyas pero napatigil ito matapos kong sabihin yon.
Binato niya yung sapatos at medyas sa kung saan tsaka lumapit saken at hinawakan ng mahigpit yung baba ko.
"A-aray.Ano ba namjoon!" Pilit kong tinatanggal yung pagkakahawak sakin ni Namjoon sa baba. Bumabaon yung kuko niya sa balat ng baba ko at pakiramdam ko konti nalang magdudugo na ito.
"Nasasaktan ka ha?! Puro ka nalang hinala!Sawang-Sawa na ako sa kakasalita mo ng ganyan!"
Rinig na rinig ko kung paano ako sampalin ng malakas ni Namjoon sa pisngi.
Hindi ko na napigilan at kusa nalang tumulo ang luha sa mata ko.
"Ano? Hindi ka makasagot ha?!" Dagdag pa ni Namjoon.
Agad ko siyang hinarap kahit na lumuluha ako at wala akong pakielam kung makita niya ito dahil gustung-gusto ko ng umiyak.
"Sige saktan mo pa ako!ganyan naman ang gusto mo diba?!DIBA?!" sigaw ko habang pilit na patigilin ang luha sa mga mata ko at kitang-kita ko kung paano dahan-dahang ibinaba ni Namjoon at kanang kamay niya at kitang-kita ko rin kung paano magbago ang ekspresyon ng mukha niya na kanina ay galit.
BINABASA MO ANG
Miss Right [Jungkook FF|EDITING
Fanfiction"Naging masaklap man ang pagmamahalan namin noon.Bawing-Bawi naman na ibinigay samen ni Lord ngayon.Tila parang binigyan talaga kami ng tamang panahon para maipakita sa harap ng altar na kami na talaga.Marami pang pagsubok ba dumating.Ang lahat ng i...